Chapter Four.

551 79 9
                                    

Anghel Pov.

"Senyorita pinapababa na daw po kayo." Sabi ng isang katulong namin pagkatapos nito kumatok sa kwarto ko.

"Yeah. Pababa na." Sabi ko sabay bukas ng pinto.

Nang makita ako ng katulong saglit itong nag bow sakin, dumiretsyo ako ng lakad at bumaba na ng hagdan. Pagdating ko sa kusina bumungad sa paningin ko ang nakakadiring ginagawa ng parents ko.

Si daddy my kahalikan itong babae habang si mommy naman may kasubuan itong bago na naman niyang lalaki. Wala ng bago sakin ang ganito sanay na ako sa kanila.

Noon pa man alam ko ng binayayaan ako ng walang kwentang mga magulang. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito ang parents ko?

Kwento sakin ni manang Elly fixed marriage lang daw sila mommy and daddy pinagkasundo daw ito ng mga magulang nila, kaya kahit hindi nila mahal ang isat isa wala silang nagawa kundi ang magpakasal.

Pero napag decisyonan din nila na gagawin nila ang lahat ng gusto nila at walang pakiilamanan. Masakit man tanggapin pero nabuo lang kami ng kakambal ko dahil lang sa kalibugan nilang dalawa, walang love na namumuo sa kanila ng ginawa kami.

Nag suggest na rin ako sa kanila bakit hindi nalang sila mag annulment pero sabi naman nila okay na sila sa ganitong set up.

Umupo ako kaya nabaling ang atensyon nila sakin, ngumiti sakin si daddy.

"Goodmorning Princess." Nakangiting bati sakin ni daddy.

"I'm not a princess, I'm a queen." Malamig na sagot ko sa kanya.

"Ako ang nagluto ng lahat ng ito honey, niluto ko lahat ng paborito mong pagkain." Sabi naman ni mommy.

Kaya pala lahat ng paborito kong pagkain ang nakahain dito sa lamesa.

Kung sa ibang bata siguro kapag nalaman mo na pinagluto ka ng mommy mo nang masasarap na pagkain at mga paborito mo pa matutuwa ka, pero ako HINDI.

Mas nakaramdam pa ako ng pangdidiri ng malaman ko na siya pala ang lahat ng nagluto nito.

"Sigurado ka ba na malinis ang lahat ng pagkain na 'to? Walang virus?" Tanong ko na may pandidiri.

"Oo naman lahat yan malinis at masasarap na pagkain. Diba baby?" Proud na sabi niya sabay baling sa bago niyang boyfriend.

Geez! Hindi ko ata malulunok ang mga pagkain na 'to!

"Thank you sa pagluto mo. Pero nawalan na ako ng gana kumain, sa canteen na lang ako kakain." Sabi ko sabay tayo.

"Okay. " Sabi niya at nagsubuan na naman sila ng boyfriend niya.

Tumigil si daddy sa pakikipaghalikan sa babae niya ng makita niyang tumayo na ako.

"Nasa labas na si Pedro hinihintay ka na lang niya." Sabi ni daddy.

Ang tinutukoy niya na si Pedro ay yung personal driver namin, katulad ni manang Elly matagal na rin itong nagtatrabaho samin.

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at naglakad na lang, paglabas ko nakita ko si kuya Pedro. Nang makita niya ako saglit itong nag bow at binuksan niya ang pinto ng kotse.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora