Chapter Forty Two.

33 4 0
                                    

Anghel Pov.

I woke up with a soft tap on my cheek. As I opened my eyes I saw the precious face of my dearest man.

"Re-rapin mo na naman ba ako?" Umaasang tanong ko sa kanya.

"Tss. Hindi ko alam kung bakit pinagpipilitan mong ni-rape kita. I just kissed you, that's all, but I didn't raped you." Kunot noong sabi niya.

"So hindi mo nga ako gagahasain?" Naiinip kong tanong.  "Aray! Masakit yun ah." Sabi ko ng pinitik niya ang noo ko.

"Tss. We're here." Sabi niya lang.

Napaayos ako ng upo sa sinabi niya, binuksan ko ang bintana at nanlaki ang mga mata ko na nasa harapan na nga kami ng bahay namin ni lola.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya lumingon ako sa kanya, lumabas na pala siya kaya lumabas na rin ako. Nakita ko siyang kinukuha ang mga gamit namin sa likod ng kotse.

"Paano mo nalaman ang address ng bahay namin ni lola?" Takang tanong ko sa kanya.

"Your mom." Tipid niyang sagot na ikinairap ko.

Nauna na ako sa kanya maglakad papasok ng bahay. Binuksan ko ang bakod namin at hindi ko maiwasan mapangiti ng makita ko sa gilid, na maayos parin ang mga bulaklak na tinanim ni lola na siyang nagpapaganda dito sa labas ng bahay namin.

Simple lang ang pamumuhay namin dito ni lola hindi kalakihang bahay hindi katulad sa bahay nila mommy and daddy. May bakod rin na nakaharang sa buong bahay namin, dito sa harap may mga bulaklak na tinanim si lola sa likod naman mga gulay.

Nagmamadali akong pumunta sa likod katulad kanina alaga rin ang mga pananim dito, may mga bunga na nga eh, like ampalaya, talong, sitaw, kalabasa at marami pa. Malawak itong lupa ni lola kaya masasabi kong sagana kami rito.

Mayroon rin kaming tanim na sibuyas, kamatis, bawang, kalamansi. Basta marami pa. Pwede na akong kumanta ng bahay kubo. Hahaha.

Kaya nga hindi kami napapagastos dito ng malaki, minsan kumikita rin kami dahil sa amin bumibili ang mga kapithbahay namin.

Nang maalala ko si Legend ay bumalik na agad ako sa harapan ng bahay namin.

Kung nakakamatay lang talaga ang masamang tingin baka kanina pa ako bumulagta, ang sama kasi ng tingin sakin ni Legend habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa baywang niya.

Bakit ba ang gwapo ng lalaki na 'to? Ni minsan hindi pa siya pumangit sa paningin ko. Kailan kaya mangyayari yun?

"We're have you been?" Malamig at galit na tanong niya sa akin.

"Tinignan ko lang yung mga pananim sa likod ni lola." Sabi ko.

Bumukas ang pintuan sa harapan namin at lumabas ang babaeng may katandaan na. Nagulat pa siya ng makita kaming dalawa ni Legend.

"Nako Ma'am, Sir, nandito na pala kayo. Pasensya na po katatapos ko lang kasi maglinis sa loob ng bahay." Nahihiya niyang sabi.

"It's okay kararating palang naman namin. Anyway i believe ikaw yung caretaker ng bahay na 'to?" Tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

"You did a great job. Thank you." Nakangiti kong sabi.

"Nako po Ma'am ginagawa ko lang po ng maayos ang trabaho ko, maganda rin po kasi magpa sweldo ang mga magulang mo." Mas lalo akong natuwa sa sinabi niya.

At least alam kong hindi nagkamali ang mga magulang ko sa pagkuha ng caretaker sa bahay na ito, and for the first time I feel proud of my parents. Dahil maganda ang pagdala nila sa caretaker ng bahay na 'to kaya sinusuklian din sila sa magandang pag ta-trabaho nito.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant