Chapter Seventeen.

401 54 9
                                    

Anghel Pov.

"Wow..." Ang tangi ko nalang nasabi ng makita ko kung saan ako dinala ni Legend.

Nakangiti akong tumingin sa kanya.

"Ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito, namiss ko 'to." Sabi ko.

Dito niya ako dinala sa peryahan, yung mga bata pa kami kapag malungkot ako dinadala niya ako dito. Kaya kapag nandito ako nawawala ang lungkot ko.

Alam niya kayang malungkot ako?

Bumaba ako sa kotse wala parin pagbabago ang peryahan maraming taong namamasyal. Gabi gabi itong bukas hindi naman sila nalulugi kasi maraming pumupunta dito tumingin ako kay Legend na kakalabas lang sa kotse niya.

"Namiss ko ang mga rides dito, excited na akong subukan ulit lahat ng rides dito." Masaya kong sabi sa kanya.

"Tara nam" Excited ko ulit na sabi sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya pero natigilan rin ako dahil sa ginawa ko.

Mukha din siyang nagulat sa paghawak ko ng kamay niya ilang minuto din kaming natigilan at nagkatitigan. Napaiwas ako ng tingin sa kanya bibitawan ko na sana ang kamay niya ng maramdaman kong hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko.

Naramdaman kong may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko papunta sa puso ko tumingin ako sa kanya.

"Let's go." Sabi niya at hinila ako.

Nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa na magkahawak.

Sobrang kumakabog ang puso ko nararamdaman ko rin yung kakaibang feeling sa tiyan ko na parang may nagliliparan na kung ano.

Huminto siya sa paglalakad at tinitigan ako napaurong ako ng lumapit siya sa akin pero lumapit ulit siya sakin, hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.

Umurong ulit ako ng lumapit siya sakin kapag lumalapit siya sa akin umuurong naman akong palayo sa kanya, kaya para kaming tangang dalawa.

Uurong sana ulit ako ng hilahin niya ang kamay ko palapit sa kanya nailagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya.

Yumuko siya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya tumaas ang mga balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga sa tenga ko.

"Don't turn away from me Anghel I hate seeing you far from me."

Pero ikaw ang lumalayo sa akin..

Gusto ko sanang sabihin sa kanya yan kaso para akong naputulan ng dila dahil hindi ako makapagsalita.

Ugh... Ano ba Anghel akala ko ba maldita ka? Eh, bakit hindi mo magawang pagmalditahan si Legend katulad ng ginagawa mo? Sermon ko sa sarili ko.

Lumayo na siya sa akin pero hawak parin niya ang kamay ko.

"Just hold my hand and don't ever let go." Sabi niya sabay hila sa akin at naglakad na kami.

Just hold my hand and don't ever let go.

Bakit pakiramdam ko double meaning ang sinabi niya? Napailing ako sa naisip ko. Kung ano ano ang pinag iisip ko.

Huminto kami sa paglalakad sa tapat ng train pakiramdam ko gusto kong tumakbo dahil nakita ko na hindi lang ito basta train. Isa itong HORROR TRAIN!

The fuck! Takot ako sa mga multo at kahit sabihin pa na mga tao lang ang nandito para manakot. Nakamake'up parin sila ng nakakatakot.

"Let's go." Sabi niya.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now