Chapter Eight.

458 67 13
                                    

Harry Burns Pov.

"The fuck dude nasapak ka ng isang babae?" Masama kong tinignan si Laureen Green na tawa ng tawa. Sinipa ko siya sa tuhod.

"Aray!" Daing niya habang nakangiwi.

"Sa mga kinukwento satin noon ni Angelica mabait ang kakambal niya, pero tangina yung nakita ko siya kung paano maglakad kanina at magsalita malayong malayo kay Angelica. Hindi pala mabait yun, demonyita siya" Palatak niya ulit.

"Mabait naman siguro si Anghel may pagkamaldita nga lang." Sabat ni Sienna Willfow.

Hindi ko sila pinapansin hawak hawak ko lang ang mukha kong sinapak ng babae na iyon. Pero may napansin ako sa mga mata niya kanina, hindi ako maaaring magkamali kitang kita ko sa mga mata niya ang galit, lungkot at nasasaktan siya.

"Mabait ba yun? Hindi siya mabait. Siga siya, babaeng siga. Tss. Mas gusto ko parin si Angelica kumpara sa kanya. Hayst. Nakakamiss si crush." Malungkot na sabi ni Laureen at ginulo pa ang buhok niya.

"Kahit yung maliliit pa kami ni Anghel maldita na talaga siya, mas lumala lang ngayon." Sabi ni Aisha sabay kibit'balikat.

Matagal na namin kaibigan si Angelica at naging kaklase rin namin siya. Mabait talaga siya at maraming kaibigan.

Kaso yung iba pinaplastik lang siya kaya nga bantay sarado siya lagi ni Dash. Maraming umaabuso sa pagiging mabait niya, marami rin galit sa kanya at isa na roon si Miyume.

Ano kaya magiging reaction niya kapag nakita niya ang kakambal ni Angelica? Pero tingin ko hindi magiging threat sa kanya si Anghel ba yun?

Tangina. Hindi bagay ang pangalan sa kanya masyadong mabait ang pangalan. Kabaligran naman ng may ari ng pangalan.

Balik tayo kay Miyume. Elementary pa lang kami kaklase na namin sila Angelica, Dash, Aisha, Sienna, Laureen at Miyume.

Kaso kahit elementary pa lang kami matalino na talaga si Angelica at natatalo lagi niya sa top si Miyume. Lagi kasing top 2 si Miyume habang si Angelica laging top 1. Kaya simula noon inisip na ni Miyume na karibal niya si Angelica sa lahat ng bagay.

Noong namatay si Angelica siya lang ata ang nakita kong nakangiti habang maraming nagluluksa sa pagkamatay ng kaibigan namin.

Kung iisipin talagang mabuti magkamukha lang sila Angelica at Anghel pero magkaibang magkaiba ang ugali nilang dalawa.

Masyadong maldita at war freak si Anghel, kabaligtaran naman ni Angelica na masyado itong mabait sa lahat. Laging nakangiti, palakaibigan at hindi marunong manakit sa kapwa niya.

"Tingin ko dapat ka ng pumunta sa clinic para malagyan ng yelo yang mukha mo. Namamaga na eh." Tumingin ako kay Sienna nung nagsalita siya.

Tumango ako at naglakad na palabas ng room.

Nakasalubong ko si Miyume Reyes nanglaki ang mata niya ng makita ako. Agad siyang lumapit sakin at hinawakan ang mukha ko.

"Anong nangyari diyan sa mukha mo!?" Galit na tanong niya sa akin, tinapik ko ng malakas ang kamay niya.

"Wala kang pakiilam." Malamig kong sabi sa kanya at naglakad na.

"DAMN! Harry of course i care for you, cause I love you!" Galit na sigaw niya inis ko siyang nilingon nakaharap siya sa akin.

"Mahal? Bakit ano bang alam mo sa pagmamahal Miyume? Huwag na huwag mong sasabihin sakin na mahal mo ako, dahil hindi mo alam ang ibig sabihin nun! sarili mo lang ang mahal mo Miyume." Malamig kong sabi sa kanya bumalatay sa mukha niya ang sakit pero hindi ko yun pinansin.

Tinalikuran ko na siya at hindi pinansin ang naririnig kong iyak niya, naramdaman kong may umakbay sakin kahit hindi ko siya lingonin kilala ko na kung sino siya.

"Pinaiyak mo na naman si Miyume." Sabi ni Laureen.

"Hayaan mo siyang umiyak wala akong pakiilam sa nararamdaman niya." Bored kong sagot.

"Minsan para kang si Dash kung umasta. Payo lang dude huwag mong gagayahin ang ugali ni Dash. Baka matulad ka sa kanya na ilag ang mga babae, kaya wala parin siyang nagiging girlfriend ngayon." Natatawa niyang sabi, ngumisi ako.

"Kahit naman cold ang gago na yun at rude sa mga tao marami pa rin nagkakagusto sa kanya. Kahit sabi mo nga ilag sa kanya ang mga babae." Sabi ko.

"Iba talaga ang charisma ng mga Foresteist." Sagot niya.

Pagkaliko namin nakita ko ang apat na mga ugok, nagtatawanan ang tatlo habang nakapoker face lang si Dash.

Napailing na lang ako simula ng mamatay si Angelica mas lumala ang ugali niya minsan nakakainis na. Kung hindi ko lang kaibigan ang ugok na 'to matagal ko na 'tong nilayuan. Huminto siya sa harapan ko ganun din ang tatlong ugok.

"Kingina! Anong nangyari sa mukha mo? Bakit namamaga yan tapos my blackeye ka pa? Putragis para kang sinuntok ah." Sabi ni Vance Lookwood, boyfriend ni Aisha.

"Sinuntok nga siya." Natatawang sabi ni Laureen.

"Sinong sumuntok sayo?" Tanong ni Dash habang nakakunot noo.

Mukhang curious na curious ito kung sinong sumuntok sakin.

"Sinuntok ako ng isang babaeng kakaibabe, Mr. Foresteist." Naalala ko ang pangyayari kanina pero imbis makaramdam ng galit napangiti pa ako.

Kakaibabe nga siya. Isang Anghel na kakaibabe.

"Gago. Tuwang tuwa ka pa na sinuntok ka ah." Umiiling na sabi ni Remy Boone.

"Mas lalo kang pumanget sa paningin ko Harry." Sabi ni Magnus Kaltex sabay ngisi, tinapik ko siya sa braso.

"Hindi ako salamin Magnus." Sabi ko sabay smirk tumingin ako kay Dash.

"Alis na ako Mr. Foresteist." Sabi ko pero hindi pa ako nakakalakad ng unahan niya na ako.

Tss. Ibang klase talaga ang lalaki na yun naglakad na ako habang kasunod ko parin si Laureen biglang sumagi sa isip ko si Anghel.

Nasaan na kaya ang babae na yun?

***

Iniba ko ang pangalan ni Samantha. Imbis Samantha ang name niya pinalitan ko ito ng 'Miyume.' Anyway Baby readers, inaanyayahan ko kayong i-follow niyo ako sa DREAME, writer na rin ako doon and doon na rin ako magsusulat ng mga bago kong kwento. ☺️

Magsusulat parin naman ako dito, pero mas active ang mga story kong isusulat sa DREAME. ☺️ Thank you sa supporta baby readers. ☺️

-Ms.AuthorLovesU.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now