Chapter Forty.

38 3 0
                                    

Anghel Pov.

Naghihikab pa ako papasok ng gate ng kumunot ang noo ko dahil kanila Legend at Laureen. Nasa labas kasi sila ng gate at mukhang may hinihintay.

Lumapit ako sa kanila na hindi parin naaalis ang pagkakunot ng noo ko. Nang makita nila ako nag uunahan pa silang lumapit sakin.

"Anghel." Sabay na sabi nila.

Nagkatinginan sila ng masama na labis kong pinagtataka.

"Hoy anong meron sa inyong dalawa? Para kayong mga tanga." Sabi ko sabay irap.

Maglalakad na sana ako ng magsalita si Laureen.

"Anghel ipapakulong kita..." Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Anong sabi mo? Gago ka ba Laureen bakit mo ako ipapakulong!? Naka shabu ka ata, eh!" Gulat na sabi ko at the same time naiinis.

"Ninakaw mo kasi ang puso ko, eh." Sabi niya na hindi pinansin ang sinabi ko sa kanya.

Sinabayan niya pa ito ng kindat na ikinanganga ko.

"Huh?" Tangi ko nalang na sabi.

"Kinilig ka sa pick up line ko, no?" Tanong niya na natatawa at kinindatan niya ulit ako.

"Fucking hell!" Rinig kong pagmumura ni Legend pero hindi ko siya pinansin.

Napahawak ako sa ulo ko ng ma-realize kong bumabanat na naman siya ng ka-corny-han sakin. Okay. Hindi ako kinilig sa banat niya actually nag loading pa nga utak ko eh.

May pabanat na pick up line sakin si Laureen baka si Legend meron din.

Bigla naman ako nakaramdam ng excitement sa naisip ko kaya nakangiti akong tumingin kay Legend na salubong ang dalawang kilay, at naka poker face lang ang tingin samin dalawa ni Laureen.

"Hoy ikaw fuck boy anong pick up line mo sakin?" Nakaramdam pa ako ng kilig dahil sa tanong ko sa kanya.

Lalong nagsalubong ang dalawa niyang kilay pati ang mukha niya halos hindi na maipinta.

"What the hell are you talking about?" Tanong niya.

Tinaas baba ko ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Huwag ka ng mahiya Asial ko kunwari ka pa eh. Promise kikiligin ako sa banat mo. Sige na anong pick up line mo?" Pamimilit ko sa kanya.

"I don't have one and why i should do that huh?"

Ang excitement at kilig na nararamdaman ko ay parang bula na nawala at napalitan ng inis dahil sa sinabi niya.

Tangina bakit wala!? Anong klaseng lalaki 'to! Wala manlang ka-korny-han na tinatago sa katawan!

Bakit naman siya babanat sayo ng pick up line, bakit manliligaw mo ba siya? Ayan ang napapala sa katulad mong assumera. Singit na naman ng isip ko.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now