Chapter Eleven.

472 70 12
                                    

Sienna Willow Pov.

"Lodi, pwede maki-share ng lamesa?" Napatingin kami sa nagsalita.

Si Laureen.

Kasama nito si Harry nakatingin siya kay Anghel, at hinihintay na magsalita ito.

Samantalang tuloy tuloy lang sa pagkain si Anghel at hindi niya pinansin ang sinabi ni Laureen. Mahina ko siyang siniko kaya tinignan niya ako habang nakataas ang isang kilay niya.

"What?" Mataray na sabi niya.

Nginuso ko sila Laureen na nakatayo parin sa harapan namin.

Breaktime na kasi namin and obviously nandito kami sa canteen, hindi namin kasama ang boys at sempre hindi nawawala ang bangayan ng dalawa kanina. Sinong dalawa? Sila Dash and Anghel.

"Oh, anong gagawin ko sa dalawa na yan?" Sabi niya. Napailing kaming dalawa ni Aisha.

"Nagtatanong si Laureen kung pwede ba daw maki-share sa lamesa." Sabi ni Aisha.

Tumingin siya sa dalawa.

"Huwag niyong hintayin na ihampas ko pa 'tong lamesa sa pagmumukha niyo, bago kayo umupo." Sabi ni Anghel sa dalawa sabay irap.

Sinamaan siya ng tingin ni Harry habang natatawa naman na umupo si Laureen.

"Thank you sa pagpapa share ng lamesa." Sarcastic na sabi sa kanya ni Harry. Pero hindi na siya pinansin ng isa at kumain na lang.

"Lodi gusto mo pa pagkain? Bibilhan kita treat ko sayo." Alok sa kanya ni Laureen.

Nagkatinginan kami ni Aisha pareho kaming nagtataka sa kinikilos niya. Ang weird ng lalaki na 'to, sa pagkakaalam ko ayaw niya kay Anghel kasi napapangitan siya sa ugali nito?

Kahapon halos panglalait ang sinasabi niya kay Anghel. Ngayon naman sobra nitong amo, kulang na lang lumuhod siya kay Anghel sa pagsamba nito. Pati si Harry nagtataka rin na nakatingin sa kanya.

"Hoy paepal nakadrugs ka ba? Ang weird mo ah. Maka-Lodi ka sakin akala mo naman close tayo. Anong tinira mo? Aminin mo nagshabu ka, 'no?" Sabi ni Anghel at tinutok pa sa mukha ni Laureen ang tinidor na hawak niya.

Inatras ni Laureen ang mukha niya para hindi siya matamaan ng tinidor na nakatutok sa kanya, medyo ngumiwi pa ito.

"Ano sagot! Nakashabu ka, ano!?" Sabi na naman ni Anghel.

"Shabu agad? Hindi ba pwedeng gusto lang kita maging kaibigan." Nakangusong sabi ni Laureen.

"Confirm nakashabu ka nga." Sagot naman ni Anghel na umiiling iling pa.

"Hey! Hindi nga ako nagsha-shabu sayang ang pagkagwapo ko kung magsha-shabu lang ako. Gusto lang kita maging kaibigan, sapagkat labis na naantig ang aking puso ng iyong ipinagtanggol ang babaeng aking hinahangaan kahit siya ay lumisan na."

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now