Chapter Twenty One.

395 51 2
                                    

Anghel Pov.

Nakabusangot ako habang nakahalumbaba sa upuan ko, nakatingin rin ako sa bintana at naghihintay ng himala na sana may dumaan na barko. Tangina. Saan ka nakakita ng barko na naglalayag sa samento? katangahan lang yun.

Tumingin ako sa katabi kong natutulog nakasandal ang ulo niya sa likod ng upuan niya at walang pakiilam kung pinagtitinginan siya ng mga kaklase naming babae.

Nakakainis bakit siya hindi apektado sa mga malalanding babae na 'to, samantalang ako kulang na lang ihampas ko sa pagmumukha ng mga malalanding babae na 'to ang brief ni Legend.

Okay. Im just kidding kahit brief ni Legend ipagkakait ko sa kanilang makita bwesit dapat ako lang!

Teka.. Sinabi ko bang dapat ako lang?

Tangina! Nahahawaan na ako ng kamanyakan ni Vance puta yung lalaki na yun nakakahawa pala ang manyak niyang bunganga!

Naiinis rin talaga ako sa lalaki na 'to pagkatapos niya kasing magpasama kumain sa canteen nagyaya na siya pumunta dito sa classrom, pagkatapos hindi na niya ako pinansin dahil natulog na siya.

At dahil bwesit nga ako kay Fuck boy at naboboring ako kinuha ko ang cellphone ko mag ti-tiktok na lang ako.

Alam niyo yung tiktok? Ayiieee.. Ge talon una ulo hahaha. Tawa kayo, isa!

Namili ako na pwedeng gayahin tapos may nakita ako.

'Kapag Tumingin ka akin ka.'

Hindi ko alam kung anong elemento ang sumapi sakin dahil yung nabasa ko 'to si Legend agad unang pumasok sa isip ko.

Si Legend na walang malay, si Legend na walang pakiilam sa akin, si Legend na katabi kong natutulog, si Legend na gwapo, si Legend na habulin ng mga malalanding babae, si Legend na masungit, si Legend na hindi ako mahal. Ayy putangina medyo na highblood ako sa last na sinabi ko ah.

Tinutok ko ang camera saming dalawa ni Legend na walang kamalay malay na sinasama ko siya sa kabaliwan ko.

Plinay ko ang 'Kapag tumingin ka akin ka.'  sinet ko to sa three seconds pagkatapos naghanda ako.

"Kapag tumingin ka akin ka." Sabi ko habang nakatingin kay Legend at malawak ang ngiti ko na nabura ng bigla siyang dumilat pagkatapos tumingin sa camera ko at sure na sure akong sa akin siya nakatingin.

Kasabay nun ang pagtugtug ng kantang 'Hanap hanap' nila James Reid at Nadine Lustre.

Natataranta kong binaba ang cellphone ko at hinampas siya sa braso.

"Ano ba bakit ka ba dumidilat jan!" Inis na sabi ko kumunot ang noo niya.

"Bakit hindi na ba ako pwedeng dumilat?"

"Hindi! Huwag ka ng dumilat forever ka nalang pumikit!"

"Nahihiya ka siguro sa ginawa mo dahil nahuli kita, no?" Tumingin ako sa kanya nakangisi ang gago.

"Fuck you!" Sabi ko sabay yuko sa upuan ko.

"Sure. Saan, dito ba? May mga classmates na tayo dito eh, shy ako." Tinignan ko siya ng masama.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now