Chapter Twenty Five.

350 35 0
                                    

Anghel Pov.

Naglakad na ako papasok sa gate pero naririnig ko pang tinatawag nila ako, hindi ko sila pinansin.

"Hoy huwag mong papapasukin ang mga yan ah." Sabi ko kay Charilyn sabay turo kanila Legend.

"Po? Bakit naman po?" Tanong niya.

Napakamot ako sa kilay dahil nagsisimula na naman ako makaramdam ng inis.

Chissmosang katulong!

"Mga takas sa mental ang mga 'yan." Sabi ko.

Nanglaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko, nilagay pa nito ang mga kamay niya sa bibig.

"Sige po Senyorita." Tumatango tango niya pang sabi.

"Oh, sige na isarado mo na yang gate, baka kagatin ka pa ng mga 'yan magkarabies ka pa. Gusto mo yun?" Pananakot ko pa sa kanya.

Agad siyang umiling at nagmamadaling sinarado ang gate.

"Anghel. Grabi ka naman sa mga bisita mo." Nakasimangot na sabi ni Laureen.

Nilingon ko sila at para silang tangang na nasa labas.

"Hindi kayo bisita, BWESIT-A kayo." Sabi ko sabay tinalikuran sila.

Narinig ko pa ang mga sigaw nila pero hindi na ako nag abala pang lumingon sa kanila. Pagpasok ko sa bahay wala na si daddy sa sala, umakyat ako at pumunta sa room ko pagkatapos pumunta akong banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng banyo. Ganun na lang ang panglalaki ng mata ko ng makita ko si Legend na nakahiga sa kama ko habang nakapatong ang isang braso nito sa mata niya.

The fuck! Anong ginagawa ng gwapong nilalang na 'to sa kwarto ko!?

"WHAT ARE YOU DOING HERE?" Sigaw ko buti na lang pala nagdala na ako ng damit sa banyo.

"Nakahiga." Tamad niyang sagot. Inis na lumapit ako sa kanya at namaywang.

"Alam kong nakahiga ka pero paano ka nakapasok dito sa kwarto ko!? Paano ka nakapasok dito sa bahay!?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Pero ang gago hindi ako pinansin sa sobrang inis ko kinuha ko ang isang unan at hinampas sa kanya.

"Shit! Ano bang problema mo!?" Inis na sabi niya sabay bangon sa kama ko.

"Ikaw... Ikaw ang problema ko!" Bakit hanggang ngayon mahal parin kita! Bakit hanggang ngayon may ari mo parin ang puso ko, bakit hindi ka nakalimutan ng puso ko.

"Why? Dati naman pumupunta na ako dito sa kwarto mo ah." Magkasalubong na kilay na sabi niya.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon