Chapter Thirty Three.

353 35 2
                                    

Anghel Pov.

Busy ako sa pagbabasa ng wattpad sa cellphone ko ng may malakas na tumawag sakin.

"ANGHEL... ANGHEL... ANGHEL..."

Inis na tinignan ko si Sienna na sumisigaw ng pagkalakas lakas habang tumatakbo papasok sa classroom, kasunod niya sila Aisha at Harry na nag uunahan pa atang tumakbo papunta sakin.

"ANO!?" Inis na sigaw ko sa kanya kaya natigil siya sa pagsigaw.

"Hihihi.. Galit ka? Sumisigaw ka eh." Pilit na ngiti na sabi niya.

"Hindi. Ikaw galit ka? Sumisigaw ka rin." Nakataas na kilay na sabi ko.

"Hindi ah... Hindi. Promise hindi talaga." Umiiling iling na sabi niya.

Tinaas ko ang isang kamay ko sa harap niya para tumigil na siya kakailing.

Nakakatakot... Baka biglang maputol ulo niya kakailing ako pa masisi.

"Awat na kakailing baka matanggal na yang ulo mo. So, ano nga meron at kung makasigaw ka akala mo nasusunod 'tong buong school." Sabi ko sabay irap.

"Pinapatawag ka ni Ma'am Marlyn. Pinapapunta ka niya sa faculty room, ngayon na daw." Sabi ni Aisha.

"Bakit daw?" Kunot noong tanong ko sa kanila.

Pero kanya kanya silang kibit'balikat tumayo na ako para pumunta sa faculty room. Paglabas ko ng room nakasalubong ko si Legend as usual poker face ang mukha nito.

"Where are you going?" Malamig niyang tanong.

"Bibili sa canteen ng mainit na tubig tapos ibubuhos ko sayo. Baka sakali lang naman na hindi kana malamig magsalita." Pamimilosopo ko sa kanya.

"THE FUCK!" Galit na sabi niya.

"Joke lang fuck boy." Sabi ko sabay takbo.

Dahil madadaanan ko naman ang comfort room ng pambabae dumiretsyo na ako pagpasok.

Naiihi na rin ako.

Walang nag c-cr na iba dito kundi ako lang kaya pumasok na ako isa sa mga cubicles.

Nang tapos na ako umihi lalabas na sana ako ng makarinig ako ng mga babae na pumasok sa comfort room. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng marinig ko ang pinag uusapan nila.

"Grabi ang kapal talaga ng mukha ng Anghel na yun, akala mo kung sinong maganda! Duh. Mas maganda pa ako sa kanya."

"Oo nga dikit ng dikit kay Dash akala niya ata type siya ni Dash. Ang cheap niya kaya. Ewww."

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now