Chapter Thirty Eight.

37 2 0
                                    

Sienna Pov.

Pagkababa namin sa stage agad kaming pumuntang apat sa pila ng A-Mercury. Medyo nahiya pa ako ng magpalakpakan sila paglapit namin at pinuri kami.

"Nice girls hindi lang ako ang napabilib niyo pati mga nanuod sa inyo." Nakangiting sabi ni Mrs. Yburan.

"Nako Ma'am kung alam niyo lang na halos patayin kami ni Anghel sa pag pa- practice, ma-perfect lang itong performance namin. Biruin niyo pati sa pagkain may oras pa kami? Feeling ko tuloy pumayat ako." Sabi ko at saka ngumuso.

Natawa sila sa sinabi ko habang si Anghel ay tinignan ako ng masama. Ano na naman? Totoo naman sinasabi ko eh.

"Nagrereklamo ka ba Sienna Willow?" Mataray na tanong niya at lumapit pa sakin.

Napalayo ako sa kanya at kumapit kay Aisha na tumatawa.

"Hindi naman ako nagrereklamo eh! Nagkukwento lang." Sabi ko at muling ngumuso.

Inirapan niya lang ako at hindi na nagsalita.

"It's okay worth it naman eh. Right?" Sabi ni Miyuki na nakangiti.

Nakangiti kaming tumango ni Aisha, si Anghel kasi simula ng bumaba kami mula sa stage, wala na siyang ginawa kundi ang ngumiwi dahil sa mga papuri sa kanya ng classmates namin.

Nakakatawa nga itshura niya eh, halatang ilang na ilang siya at hindi sanay na pinupuri. Hindi katulad ni Aisha na may pakaway kaway pang nalalaman, habang si Miyuki thank you ng thank you.

"Anghel thank you at nag perform kayo hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, dahil finally may napatunayan ang class section ko sa mga nang iinsulto sa inyo, napatunayan niyo sa kanila na mali ang mga iniisip nila sa inyo. And of course as a teacher at pangalawang ina niyo, I'm so proud of you guys." Sabi ni Ma'am Yburan.

Namula si Anghel sa sinabi ni Ma'am at umiwas ng tingin. Tumikhim pa ito na ikinabungisngis ko, ang cute niya lang mamula at mahiya.

"G-ginawa ko lang ang makakaya ko, sa huli sila parin ang mag de-decision. Magpasalamat na lang tayo na na-convince namin silang mga class officers." Sabi ni Anghel at muling tumikhim.

Hindi ko napigilan na tusukin ang pisngi niyang namumula.

"Anghel ang cute mong mamula at mahiya hahaha." Sabi ko na sinabayan ko ng tawa.

Tinulak niya ako palayo kaya napasimangot ako. Bakit ba ang maldita niya?

"Tigilan mo ako Sienna baka masabunutan kita." Nagbabanta niyang sabi saka umalis.

"Sungit." Mahina kong bulong.

Nanliit ang mata ko ng makita ko si Remy at Amber na masayang nag uusap, at hindi lang yun nakaakbay pa si Remy kay Amber.

Anong nangyayari magugunaw na ba ang mundo? Bakit ang sweet sweet nilang dalawa?

Lumapit ako sa kanila kaya ng makita nila ako ngumiti sakin si Remy habang umiwas naman ng tingin si Amber.

Hmm... I smell something fishy here.

"Remy mauubusan kana ba ng babae?" Tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now