Chapter Forty Three.

33 3 0
                                    

Anghel Pov.

Nagising ako sa ingay, para kasing nagkakagulo sa labas. Nakakarinig ako ng ibang tilian, at parang may mga pinag aagawan ang mga tao sa baba.

Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto ko. Nakita kong nakabukas na ang pintuan ng bahay at hindi nga ako nagkakamali, nanggagaling sa labas ang ingay na naririnig ko sa kwarto ko.

Ano bang meron?

Naglakad ako palabas ng bahay habang nagkakamot sa buhok ko. Paglabas ko muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway ng makita ko si Legend, na naka topless at nagsasampay ng damit niya sa may alambre.

Nakasuot ito ng black jogging pants, habang wala itong suot na kahit anong damit pang itaas. Kaya kitang kita ang maputi, matipuno at ang kumakaway niyang abs. Kumikislap pa ito sa tama ng sikat ng araw, idagdag pa na basa ito kaya tumutulo ang tubig nito mula sa dibdib niya hanggang sa...

Napailing ako sa naiisip ko, bwesit! Kung ano ano ang iniisip ko. Napansin ko ang dalawang babae at dalawang bakla na nakatingin sa katawan niya, na animo'y nanunuod lang sila ng tv.

"Hayy... Kung ganito ba naman kaganda ang makikita ko sa araw araw, maaga na talaga akong gigising." Sabi ng isang bakla na kulang na lang maglaway kakatingin sa abs ni Legend.

"Ang yummy niya, gusto kong hawakan ang kanyang matitipunong katawan. Rawr." Sabi pa ng isang bakla.

"Ambisyosa kayong dalawa. Hindi kayo papatulan ni Mr. Pogi, pareho lang kayong may lawit. Ang kailangan niya ay tunay na babae, like me. Hindi binabae." Sabi ng babae.

"Hindi. Sa akin siya magkakagusto dahil mas maganda at sexy ako, kaysa sa inyong tatlo. Mga baboy." Sabi pa ng isang babae.

Tinignan ko si Legend na seryoso lang na nagsasampay, wala siyang pakiilam kung pinagnanasaan na siya.

Pati ba naman sa pagsasampay may sarili rin siyang mundo?

Hindi ko namalayan na nagsasabunutan na pala ang apat. Imbis awatin sila hinayaan ko na lang sila. Makalbo sana sila!

Anong karapatan nilang pagnasaan ang abs ng Asial ko? Ako lang dapat este hindi dapat nila pinagnanasaan ang Asial ko. Hmp.

Nang matapos na siyang magsampay humarap na siya sa deriksyon ko, nagulat pa siya ng makita ako na nakatayo sa pintuan. Tinaasan ko siya ng kilay, sa pagkakaalam ko hindi pa kami ayos nito kagabi eh.

Tahimik lang kaming kumakain habang panaka-naka akong tumitingin sa kanya. Tapos kapag nahuhuli niya ako, binibigyan niya ako ng isang dead glare. Akala niya siguro matatakot ako sa kanya, neknek niya.

"Gising ka na pala." Sabi niya.

"Hindi picture ko lang 'to, at sempre dahil hi-tech na ang gamit ngayon, de battery lang ako. Para makapagsalita ako at masabi ko sayo kung gaano ka katanga , para magtanong ng obvious naman na." Pamimilosopo ko sa kanya at saka siya inirapan.

Nakatanggap naman ako sa kanya ng masamang tingin, pero nagpatay malisya na lang ako. Tignan ko sa likod niya ang apat na nagsasabunutan parin, habang nagsisigawan sila.

"Ang baho ng hininga mong bakla ka! Kaya hindi sayo magkakagusto si Mr. Pogi, dahil nakakalason ang hininga mo! Kaya sa akin siya magkakagusto!"

"Hoy impokrita ka... Ang kapal naman ng face mo, gandang ganda ka sa sarili mo, te? Ang lakas lakas ng putok mo, sa sobrang lakas pati tawas at mga deodorant hindi tatalab sa kili kili mong mas masahol pa sa hininga ko!"

"Bitawan mo akong baklang baboy ka! Hayop kang bakla ka... Baboy... Baboy.... Oink oink oink... Araayyyy... Bitawan mo buhok ko!"

"Aahhhh! How dare you... Hindi ako bakla... Babae ako, babae! Hampas lupa kang babaita ka, payat ka nga, pero malaki naman ang bilbil mo. Siguro araw araw kang kumakain ng bato!"

Napailing na lang ako sa awayan ng apat na 'to. Pumunta ako sa may planggana na may lamang tubig, at walang pakundangan ko itong binuhos sa kanila.

"Aahhh...." Sabay sabay nilang sigaw.

Tumingin sila sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Ano papalag kayo, huh? Papalag kayo?" Sigang sabi ko sa kanila.

Natatakot silang nagsialisan kaya napangisi ako, ng tignan ko si Legend nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin.

"What? Wala akong ginawa sa kanila ah. Inawat ko lang sila."  Defensive na sabi ko.

Hindi na siya nagsalita at pumasok nalang  sa loob. Umirap mo na ako bago ako sumunod sa kanya.

"Tell me Legend bakit ba tayo pumunta dito samin, huh?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Hanggang ngayon kasi hindi ko parin alam kung bakit niya, ginusto pumunta dito sa batanggas kung saan ako lumaki at tumira.

"Gusto ko lang makita itong lugar mo kung saan ka tumira at lumaki. Ipasyal mo ako dito." Sabi niya.

Inirapan ko siya bago ako pumunta sa kusina pero napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ulit ang sinabi niya.

"Gusto ko rin malaman kung bakit nag stay ka dito ng matagal. Kung bakit mas pinili mong hindi na bumalik satin, at kalimutan na lang ang mga kaibigan mong naiwan.... At ako."

Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa seryoso niyang boses. Kagat labi akong tumingin sa kanya at nakipagtitigan sa seryoso niyang mga mata.

Kapag sinabi ko ba ang dahilan ko Legend, maiintindihan mo ba? O tuluyan ka ng magagalit sakin.

***

Kapit lang baby readers, ilang chapters na lang magtatapos na 'to:)

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now