Chapter Thirty.

364 32 5
                                    

Laureen Pov.

"Tangina! Anghel." Lumapit ako kanila Legend at Anghel.

Nawalan ng malay si Anghel dahil sa pagkakahampas ng lalaki ng upuan sa likod nito.

Hindi naman talaga dapat siya ang matatamaan kung hindi niya lang pinangharang ang sarili niya kay Dash, iniligtas niya ito.

Ayaw man niyang aminin pero alam niyang nasaktan siya sa ginawang pagliligtas nito kay Dash. Dahil alam niya na mahal ni Anghel si Dash. Pero mahal ko rin siya kaya hindi ako basta basta susuko nalang.

Malakas na sinuntok ko ang lalaki sa mukha kaya natumba ito, kakargahin ko na sana si Anghel ng tabigin ni Dash ang kamay ko. Hindi ko maiwasan makaramdam ng galit dahil sa ginawa niya.

"Don't touch her." Malamig at may pagbabanta sa boses niya.

"Kailangan siyang dalhin sa clinic Dash!" Inis na sabi ko sa kanya.

"I know, you don't need to say that." Pagkatapos niyang sabihin yun kinarga niya si Anghel.

"Itali niyo ang lalaki na yan sa puno katulad ng ginawa niyo kay Alvin. Pero gusto ko yung mas grabi pa doon ang parusa niya." Malamig na sabi niya.

Tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad, palabas na siya sa pintuan ng magsalita ulit siya.

"And Laureen Green. Stay away from my girl." Nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Wala kang karapatan na utusan ako Dash. Mahal ko si Anghel at gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako at maging akin siya." Sagot ko.

"Hindi siya magiging sayo kahit kailan Laureen tandaan mo yan." Sabi niya sabay alis.

Napakamao ako dahil sa galit na nararamdaman ko sa sinabi nya. Tumingin ako sa taong tumapik sa braso ko seryosong nakatingin sakin si Magnus.

"Kahit hindi pa ako naiinlove naiintindihan ko ang nararamdaman mo, pero Laureen payong kaibigan lang. Huwag sanang masira ang pagkakaibigan natin nila Legend ng dahil lang sa iisang babae." Seryosong sabi niya.

"Hindi siya basta babae lang Magnus! Mahal ko siya!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo sa taong ayaw sayo... Alam kong alam mong mahal ni Anghel si Legend."

"Wala pang sinasabi sakin si Anghel na ayaw niya sa akin."

"Hihintayin mo pa ba na sabihin sayo ni Anghel na ayaw niya sayo bago ka tumigil? Believe me Laureen mas lalo ka lang masasaktan kung maririnig mo mismo sa labi niya na ayaw niya sayo." Umiiling pa na sabi niya.

"Kung sakali man na masaktan ako dahil pinili niya si Legend. okay lang yun sakin ang mahalaga hindi ako sumuko sa kanya, at hindi ako makakaramdam ng pagsisisi dahil hindi ko nagawang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kanya."

"Puta pre nahawaan kana kay Vance na OA." Natatawang sabi niya.

Ang kaninang mabigat na atmosphere ay napalitan na ngayon ng magaan, natatawa ko siyang sinuntok ng mahina sa braso niya.

"Gago pareho lang kaming nagmamahal ni Vance, palibhasa kasi wala kang lovelife." Pang aasar ko sa kanya.

"Ayaw ko maging katulad niyo ni Vance na OA. Mas masaya ang buhay single." Sabi niya sabay ngisi.

"Hoy dalian niyo ng dalawa kailangan na natin gawin ang pinag uutos ni Dash." Tawag samin ni Vance.

Sumunod na kaming dalawa ni Magnus pagdating namin sa my puno tinali nila Vance at Remy ang lalaki wala na rin itong damit. Katulad ng pinagawa ni Dash kay Alvin.

Nakayuko ito sa puno sinabunutan ko siya at inangat ang mukha niya, halos hindi na niya maidilat ang mga mata niya dahil sa pamamaga.

"Nagkamali ka ng sinaktan mong babae puta ka." Malamig na sabi ko sa kanya.

"P-please patawarin niyo na ako h-hindi na m-maulit." Pagmamakaawa niya.

"Ulol! Kanina ang tapang tapang mo, ngayon nakikiusap kana? Oh boy, hindi ka atapang na lalaki." Pang aasar sa kanya ni Harry.

"Guys pinapalagay to ni Dash." Sabi ni Remy at inangat ang boteng may laman na mga langgam.

Tumingin ako sa lalaki na nanglalaki ang mga mata na nakatingin sa hawak ni Remy.

"H-huwag... Maawa kayo sakin huwag niyong ilalagay sakin yan." Natatakot na sabi ng lalaki.

"Putanginang lalaki na 'to ang lakas magmakaawa, pero kung bugbugin mo ang classmate namin at pananakit mo kay Anghel, akala mo kung sino kang siga! Tarantado!" Sabi ni Vance.

Lumapit sa akin si Harry at inabot ang bote ngumisi ako sa lalaki na takot na takot.

"Maliit lang naman to, pasalamat ka pa nga hindi antik ang ilalagay namin sayo, huwag kang mag alala hindi ito masakit para lang itong kagat ng langgam." Pang aasar ko.

Pagkatapos binuhos ko ang laman ng garapon sa katawan ng lalaki na nanginginig sa sobrang takot.

"Mag tyaga ka nalang mo na hanggang isang oras ka lang naman dito, makipag usap ka mona sa mga langgam at sabihin mo huwag ka masyadong kagatin." Nakangising sabi ni Magnus.

Nginisihan ko mona ang lalaki pagkatapos ay umalis na, sigaw pa ng sigaw ito pero itinaas ko lang ang kamay ko habang nakatalikod sa kanya.

***

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now