Chapter Thirty Five.

311 26 3
                                    

Anghel Pov.

"Okay. Ngayon mamimili na ako ng sasali sa contest." Sabi ko.

Nilibot ko ang buong paningin ko at nagsimula ng mamili kung sino ang dapat isali sa contest.

"Una kong napili si Amber Fletcher." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

Habang ang ibang classmates ko parang nabunutan ng tinik dahil hindi sila ang natawag ko.

"A-a-ako?" Kinakabahan na sabi niya.

"Bakit may iba pa bang Amber Fletcher dito?" Mataray na sabi ko sa kanya.

Umiling naman siya kaya umirap ako.

"Ikaw ang unang representative na napili ko. Tayo" Sabi ko.

Nag aalangan man ay tumayo siya.

"Sing." Sabi ko.

Nanglaki ang mata niya at medyo nakauwang pa ang labi niya.

"B-bakit?" Kinakabahan na tanong niya at namula pa ito.

"Basta kumanta ka! Kahit maikli lang!" Inis na sabi ko sa kanya.

Mas lalong namula ang pisngi niya, lumunok mona siya bago nagsimulang kumanta.

"L-l-love is e-everywhere i-i can feel in m-my h-h-heart--" Tinaas ko ang isang kamay ko para patigilin siya.

Huminto naman siya at yumuko halatang nahihiya ito, nagsimula na rin magtawanan ang classmates namin.

Sumakit ata ulo ko dahil sa kanta niyang putol putol para itong gasgas na CD.

But i know may ibubuga ito sa pagkanta kahit putol putol ang kanta niya, alam kong maganda ang boses niya

Kailangan niya lang ng self confidence para lumabas iyon, ang nakikita ko kasi sa kanya walang ka-self self confidence sa sarili.

"Umupo kana." Sabi ko na agad naman niyang ginawa.

At dahil nagtatawanan parin ang mga classmates ko hinampas ko ang sapatos ko sa blackboard kaya natigil sila sa pagtatawanan.

"Anong nakakatawa? Nag patawa ba siya para tumawa kayo!? Umayos kayo, kung wala naman nakakatawa huwag kayong tumawa! Isa pang tawa niyo na wala naman nakakatawa, isa isa ko kayong babatukan nitong takong ng sapatos ko!" Inis na sabi ko.

Buti naman at tumahimik na sila kaya muli akong nagsalita.

"Okay. Ang next na tatawagin ko ay tumayo." Sabi ko at nilibot ulit ang paningin ko sa mga classmates ko. "Sienna, Aisha, Miyuki, at Sasha." Nagulat sila sa pagtawag ko except lang kay Aisha na malawak ang pagkakangiti.

(Prounounce Sasha-Sa-cha)

Tumayo na sila halatang ilang na ilang ang tatlong kasama ni Aisha.

"Now dance." Sabi ko.

Nabura ang pagkakangiti ni Aisha dahil sa sinabi ko, mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

"Pasasayawin mo kami dito? Nababaliw ka na ba!" Inis na sabi ni Aisha pero hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Sayaw na!" Inis kong sabi sa kanila.

Napipilitan man pero sumayaw sila natawa pa ako dahil simangot na simangot si Aisha habang napipilitang sumayaw.

Pinatigil ko na silang sumayaw pagkatapos umupo na ang mga 'to.

"Miyume, Ellen." Nakataas ang kilay na nakatingin sakin si Miyume habang namumutla naman si Ellen.

"Kayo ang napili kong mag a-asists sa mga napili kong representatives. Kayo ang mag mi-make up sa kanila at pipili ng mga damit na babagay sa kanila. Gusto ko yung make up nila simple pero may dating at yung damit nila huwag masyadong reveal." Sabi ko sa kanila.

Tumango si Ellen pero inirapan lang ako ni Miyume.

"Sa lahat ng hindi ko napili mayron akong ipapagawa sa inyo, hindi purket hindi ko kayo napili ay magiging hayahay na kayo. Gusto kong gumawa kayo ng malaking tarpaulin at may nakalagay na section natin, tapos sisigaw at papalakpak kayo ng malakas. Yung tipong mapuputol na ang mga ugat niyo sa kakasigaw, yung mamamaga na ang mga kamay niyo kakapalakpak ng malakas."

"Kailangan pa ba nun? Ang mahalaga may kasali na sa section natin." Reklamo ni Sherilyn.

Tinignan ko siya ng masama.

"Hindi purket may kasali na sa section natin hindi na kayo susuporta. Kapag may sumasali sa contest sa section niyo, dapat niyo sila i-cheer, para ipakita sa kanila ang pagsuporta niyo at mas lalong lumakas ang self confidence nila." Sabi ko sa kanya.

Seryoso kong tinignan ang lahat ng classmates ko.

"Huwag kayong reklamador simple lang naman ang gagawin niyo. Gagawa kayo ng mga tarpaulin, sisigaw, papalakpak yun lang wala ng iba. Hindi niyo naman ikakamatay kapag ginawa niyo yan diba? Kapag napatunayan natin sa mga ibang teachers na nagmamaliit sa section natin, na hindi lang talino at pasikat ang mayron tayo. Siguradong mag iiba ang tingin nila satin, lahat tayo makikinabang dito. Dapat nga magpasalamat pa kayo sa sasali ng contest sa section natin DAHIL SILA ANG MAG AANGAT NG A-MERCURY." Walang nakaimik sa sinabi ko lahat sila ay tahimik lang.

"Aasahan ko ang lahat ng pakikipag ka-cooperate niyo. Kung may binabalak kayong hindi maki-cooperate huwag niyo ng ituloy, dahil malalaman ko rin yan. And mark my words classmates HINDI NIYO MAGUGUSTUHAN ANG GAGAWIN KO SA INYO." Madiin at may pagbabanta na sabi ko sa kanila.

Napangisi ako ng makita kong mukhang natakot sila sa banta ko. Well. Dapat lang kailan ba hind ko tinuloy ang mga pagbabanta ko? Kung ayaw nilang makatikim sakin dapat sumunod sila sa sinasabi ko. *Smirk*

***

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now