Chapter Twenty Eight.

392 42 3
                                    

Anghel Pov.

Kumunot ang noo ko habang papunta sa classroom, dahil sa nakikitang gulo sa pintuan ng classroom namin. Pagkalapit na pagkalapit ko nakita ko ang isa kong kaklase na si Carl, may pasa ito sa bibig habang hawak hawak ang kwelyo niya ng isang lalaki.

May mga kasama itong limang lalaki bakas sa mukha ni Carl ang labis na takot sa lalaking may hawak sa kwelyo niya.

"Gago ka bayaran mo ang utang mo, tatlong araw mo ng hindi nababayaran ang utang mo ah! Putangina ka!" Galit na sabi ng lalaki.

"S-sorry Jerimie talagang wala pa akong pera ngayon. Nalaman kasi nila mommy at daddy na nagsusugal ako kaya hindi nila ako binibigyan ng allowance ngayon." Takot na sabi ni Carl.

"Gago ka pala eh, pati ba naman ako pa-proproblemahin mo!?" Galit na sabi ng Jeremie sabay suntok nito sa mukha ni Carl.

Bumagsak ito dahil sa malakas na suntok sa kanya ni Jerimie sa mukha. Halos lahat ng mga nanunuod na studyante walang nagtatangkang awatin ang lalaki na 'to.

Lumapit ang lalaki kay Carl na nakaupo at hinablot ito pagkatapos kwinelyuhan niya ulit ito.

"Kung ayaw mong basagin ko yang bungo mo magbayad ka ng utang mo! Tarantado kang lalaki ka pagkatapos mong umutang sakin hindi mo ako babayaran!? Gago!"

"B-bayaran naman talaga kita eh, wala lang talaga akong pera ngayon bigyan mo lang ako ng palugit. Promise, babayaran kita."

"Palugit? Gusto mo ng palugit heto kamao ko palugit 'to tangina mo ka!" Sabi ni Jeremie at sinuntok ulit sa mukha si Carl.

Nasaan ba ang mga kasamahan ko na officers? Tangina binubugbug na itong classmate namin wala parin sila! Tss.

Nakita kong sumenyas si Jeremie sa limang lalaking kasama niya, lumapit ang dalawang lalaki at hinila palapit si Carl pagkatapos hinawakan ito sa magkabilang kamay para patayuin.

"P-pakiusap Jeremie hindi ako lalaban sayo, m-magbabayad talaga ako sa utang ko." Nanginginig sa takot na sabi ni Carl.

"Gago ang usapan natin ngayon mo babayaran ang utang mo. Hindi bukas, makalawa, at sa susunod pang araw!" Sabi ni Jeremie sabay suntok sa sikmura ni Carl.

Nanghihinang napaupo si Carl pero tinayo parin siya ng dalawang kasama ni Jeremie akmang susuntukin niya ulit si Carl ng humarang ako.

Ilang dipa nalang ang layo ng kamao niya sa mukha ko pero bago pa dumapo ang kamao niya sa mukha ko nahawakan ko na ang kamao niya.

Nanglalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin habang ako cool lang na nakatayo, habang hawak ang kamao niya at nakalagay ang isa kong kamay sa bulsa ng palda ko.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now