1.4 [O]

11.3K 361 9
                                    

Part 4.

Charice POV

Pagkasabi ko nun, napatingin lang siya. Yung parang sinasabi na 'Ikaw-ba-talaga-yun?'

Pero sabagay. Hindi naman niya sinabi kung anong apelyido 'diba? Baka naman nga 'di ako 'yon.

Nakatitig lang siya sa'kin at syempre tinitigan ko rin siya gamit ang sinasabi nilang malamig daw na mga mata ko.

Walang kurapan yata ang gusto nito eh. Papatalo pa ba ako?

Mamaya-maya, narinig ko na lang yung pinto na nagbukas.

Tumingin ako dun at nakita ko 'yung prof ata namin.

"Very good class. Ang tahimik naman ng seksyong 'to!" tuwang tuwang sabi niya at pumalakpak pa. "At since this is our first day, let's have some introductions... shall we?"

Ugh, ang walang kamatayang introductions.

"Let me introduce myself. I am Mrs. Amanda Marquez and I'll be your Chemistry teacher. I'm 41 and I graduated Bachelor of Secondary Education in UST."

Narinig ko naman ang pag-wow ng mga kaklase ko.

Sinabayan ko naman siya ng tingin habang pinupuntahan niya 'yung upuan sa gitna. "Dalawa ang anak ko at college na sila. Isang education at 'yung isa, legal management."

Tumingin siya sa'min, "May tanong ba kayo o shall we start na?"

Dahil walang nagtanong, nagsimula na ang introduction mula sa unahan. Buti at hindi kami nasa unahan.

Sana pala sa pinakahuli na lang kami umupo. Pag nasa pinaka-likod kasi kahit konti na lang sabihin mo eh. Kokonti na lang din naman ang nakikinig.

"I'm Charice Eliza Mendoza, 17 years old, August 16..." pagpapakilala ko 'nung ako na.

Ano pa ba sinasabi ng mga kaklase ko maliban sa birthday at address?

Napansin ko namang nakatitig sa'kin yung prof namin.

"Ganda ng mata mo. Parang ang lamig," puna niya. "Can you share to us kung anong personality meron ka? Para alam na nila."

Natahimik lang ako.

Do I even have to tell them? Wala naman akong paki kung anong sabihin nila sa ugali ko eh. Maldita, suplada, loner... Let them be. It's more uncomplicated that way.

"I don't like talking," sabi ko na lang tutal naghihintay siya.

"Alam mo, ganyan din 'yung anak ko," sabi niya atsaka tumawa ng bahagya. "Kaya hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Hindi ko siya mabasa. Ang cold niya sa'kin eh. Baka 'di niya ko mahal."

Napa-"Awww," naman ang mga kaklase ko sa sinabi niya.

Tinitigan ko lang naman siya. Ngumiti siya at pinaupo na ako para si Bianca na ang magsalita.

Umupo naman ako at napatingin sa unahan... hanggang sa napatingin na ako sa kawalan.

Naaalala ko lang, 'yung nangyari kaninang umaga.

"Kaya di ko alam kung ano nasa isip niya. Hindi ko siya mabasa."

Hindi kaya, I just assumed that she knows?

"Ang cold niya sa'kin eh. Baka di niya ko mahal."

Paano kung ganun din ang tingin niya sa'kin?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now