5.3 [H]

7.8K 224 6
                                    

Part 3.

Charice POV

Nabalitaan ko kanina, hindi daw ulit pumasok si Gosu ngayon.

Habang kumakain naman kami sa cafeteria, nakita ko si Gosu na naka-earphones. Nag uusap lang 'yung apat tapos tahimik lang siya.

So, pumasok pala siya?

Maya-maya ay nakita ko sina Gosu na palapit sa'min. Napatingin pa nga siya sa'kin saka inalis yung AirPods niya. May binulong siya kay Ji tapos di pa ata narinig ng husto ni Ji yung sinabi ni Gosu kaya bumulong ulit siya. Tumango na lang si Ji at umalis na siya.

Teka... iniiwasan ba niya ako? Galit ba siya sa'kin?

Hindi ko na lang pinansin at kinuha na lang yung tinidor at isang calamansi at pinisil yun para lagyan ng lasa yung palabok ko.

"Cha, hindi ka naman galit sa calamansi, anu?" rinig kong puna ni Angelli.

"Ihihingi kita ng calamansi. Masyado nang piga 'yan oh!" sabi pa ni Prances.

Naawa tuloy ako sa calamansi.

Pagbalik naman namin ng room, sabi sa'min ay uwian na daw at half day.

Hindi ko naman kasabay si Bianca kasi bibili pa daw siya ng damit para sa party. Sasama sana ako kaso sabi niya meron na daw ako eh. Siguro nabalita na naman niya kung kanino.

Kasama naman din daw niya sina Prances kaya okay lang. Hindi na ko nagpumilit kasi parang may plano siyang hindi sumama sa party nung una.

Nakasalubong ko naman si Jaeki bago ako makalabas ng school.

Sinabi niya sa'kin na pinasasabi daw sa'kin ni Gosu na may maghahatid daw sa'kin dun sa party. May kotse daw na darating sa bahay ng 6 PM. Sinabi niya rin na sa party na daw kami magkita ni Gosu.

Wala ba talaga siyang time para ipasabi na lang 'yon sa'kin? Or talagang... galit siya sa'kin?

Pero teka? Ang sabi ni Bianca kanina sasabay daw siya kina Prances sa pagpunta sa party kasi ayaw daw niya sumabay sa'kin at ayaw daw niya maging third wheel. Akala kasi niya susunduin nga ako ni Gosu.

So ibig sabihin... mag isa akong pupunta 'don mamaya?

Agad naman akong pumunta sa kwarto ko pagkadating ko sa bahay. Nakita ko pa ngang nakalabas yung digicam at chinacharge ni mama. Parang mas excited pa siya sa'kin eh hindi naman siya kasama.

"Pinapasabi nga pala ni First na may maghahatid daw sa'yo dun sa party," naalala kong sabi ni Jaeki. "Nagkagalit ba kayo 'non?"

Ugh!

Ayoko na tuloy pumunta!

Parang galit nga ata siya sa'kin eh...? Parang iniiwasan ako?

Pero wala naman talaga akong ginawa eh? Pero di ko rin sure???

Dumungaw na lang ako sa bintana sa kwarto ko.

By the way, hindi ako nagdradrama. Nanunuod lang ako sa mga nadaan. Baka kasi isipin niyo—

Bigla namang may nag doorbell kaya tinawag agad ako ni mama dahil dumating na daw 'yung damit ko. Hindi ko naman siya pinansin at binuksan na lang ang laptop ko.

Pumunta ako sa ESK para magsearch. Mga 1 hour din akong nagbasa-basa kaso wala akong makitang sagot.

Narinig ko tuloy ang pagpipilit ni mama na isuot ko daw 'yung damit ko para alam kung kasya at kung hindi ay baka ma-ayos pa niya.

Napalabas tuloy ako ng kwarto at hiningi 'yung baon kong pera para next week kay mama. Hindi naman siya nagtanong kung bakit at bagkus ay binigyan niya na lang ako.

"Labas lang akong sandali," paalam ko sa kanya at lumabas na.


Her mom's POV

Sad na ko!

Hindi ako pinansin ni Cha!

Nakahanda na 'yung digicam eh! Pipicture-an ko sana siya na suot 'yung gown!

Dahil curiosity killed the cat, napasilip ako sa kwarto niya.

<NOW PLAYING: Na Yoon Kwon & IU - It's First Love>

Nakita ko namang bukas 'yung laptop niya kaya sinilip ko kung ano 'yung andoon.

Search: What is the best apology gift to a guy?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now