5.4 [O]

7.5K 212 1
                                    

Part 4.

Charice POV

"Good afternoon Ma'am!" bati sakin nung isang sales lady sa department store.

Tiningnan ko lang siya at di pinansin. Ayoko kasing sundan niya ko lagi.

"Ma'am, bags po?" rinig kong sabi nung sales lady na may hila hilang pulang maleta at hawak hawak na backpack.

Tumingin na lang ako sa ibang direksyon para malaman niyang hindi 'yun ang hinahanap ko.

"Ma'am, perfumes po! May panlalaki din po kami for your father po o sa boyfriend niyo po."

Napatingin ako ng konti at sumilip-silip dun sa presyo. Nakita ko naman agad yung presyo. Mahigit isang libo!

Napadaan na rin ako sa mga t-shirts, bags, at sapatos para sa mga lalaki. Mga cap, gitara, cute na bears— Uh, hindi pwede yan 'no!

Aish. Wala talaga akong ideya kung anong gusto ng mga lalaki!

Kung bilhan ko na lang kaya siya ng cake? Tutal event naman 'yun kaso baka meron na dun. Pero kung lagyan ko kaya 'yung cake ng "sorry"?

Pero di nga pala siya mahilig sa sweets...

Ang alam kong parating gusto ng mga lalaki, sapatos eh. Kaso, ang mahal! Lagpas limang libo!

Kung gaming equipment naman... hindi ko alam kung anong kailangan niya dun.

Kung personalized na gamit kaya?

Kaso, kahit ako hindi ko na-a-appreciate mga ganon. Or baka ako lang ang ganon?

Sabagay, mukhang nasa kanya naman ang lahat.

Ano bang mabibili sa limang daan?

Halos tatlong oras na ata akong naglilibot at wala pa rin akong nakikita. Pauwi na sana ako nang mapatigil ako sa paglalakad.

"Ate, magkano 'to?" tanong ko sabay turo sa nakita ko.

"Php 480.00 po ito. Dalawa na naman po ito at original 'yung design," sagot nung sales lady.

At dahil mukhang hindi ako convinced, dinagdagan pa niya, "Ka-isa-isahan nga po 'yan sa mundo."

Weh, si ate kung anu-ano pinagsasasabi!

Ba't dun sa napanuod kong K-drama na Boys Over Flowers, sabi ni Gu Jun Pyo kaisa-isahan daw yung binigay niya kay Geum Jan Di eh bakit 'yung mga kaklase ko meron din?

Pero teka, magugustuhan niya kaya mga 'to? Halata namang mura eh. Mga gamit pa naman siguro 'non puro mahal.

Pero sabagay, hindi ba it's the thought that counts? Charot. Pampalubag-loob.

Well, paki ko kung 'di niya magustuhan?

Pero... gusto kong suotin niya 'to— Argh, whatever!

"Ate, may lagayan ka po nito?" tanong ko.

"Meron, Php 60.00," sagot niya at pinakita 'yung lagayan kaya kinuha ko na rin.

Nang i-abot ko ang pera ko sa cashier sa may counter ay saka ko narealize na... Php 540.00 na lang din ang pera ko???

May Php 500.00 kasi na binigay si Mama tapos may Php 50.00 ako para sa pamasahe. Namasahe ako kanina ng Php 10.00 kaya Php 40.00 na lang 'yung natira! Ba't hindi ako nakapag compute???

Pero mahina nga pala ako sa Math para mag mental calculation...

Huli na nang makita kong nakuha na at sinaraduhan na ni ate 'yung cash register. Inabot din niya sa'kin 'yung binili ko.

At dahil napatulala ako kung paano ako makakauwi, naglibot muna ako para mag isip-isip.

Sabi nila, if there's a will, there's a way. Kaso, okay lang sana kung piso lang 'yung kulang sa pamasahe ko. Kaso sampu!

Pero ba't hindi ako humingi ng tawad na gawing Php 50.00 na lang 'yung box???

Napatingin naman ako sa orasan tutal ang alam ko maaga pa.

Teka, malapit na palang mag 6 PM???

Parang kanina lang 3 PM ah? Di ba 7 PM yung start ng party at 6 PM daw ako susunduin nung sundo ko? So ibig sabihin, posibleng suduin na akong hindi naka-ayos?

Iniisip ko pa lang, parang nakakahiya na.  Ayoko pa namang magmukhang ano 'don.


Her mom's POV

Tumunog ang doorbell habang nag aantay ako dito sa sala.

Ba't wala pa rin si Cha?! Nahirapan ba siyang maghanap ng regalo para sa kanyang hubby? Ay, wait. Sino nga ba ulit 'yun? Hindi ko pa pala kilala 'yung boyfriend ng anak ko. Feeling ko naman okay siya.

"Tuloy muna po kayo," sabi ko dun sa driver. Sabi ni Bianca may maghahatid nga palang kotse kay Cha!

"Wala pa yung anak ko eh," dagdag ko kasi parang may inaantay siyang lumabas.

"Sorry po Ma'am pero bawal po kami na lumabas dito eh," sagot naman niya sa alok ko.

Bawal talaga?

"Ah, ganun ba?" kinakabahan kong sabi. Paano kung hindi niya sunduin ang anak ko?

"Matatagalan pa kasi ata yung anak ko eh. May binili lang siya," sabi ko naman.

"Ah, pero naka-ayos na naman ho?" tanong niya.

Ngumiti na lang ako ng parang kambing.

"Ah, eh 'di po ba Ma'am ay 7 PM ho 'yung start nung party?" sabi niya nang mabasa niya 'yung ngiti ko.

"Ah, eh... Pwede bang hintayin? Pwede naman siguro ma-late?" nahihiya kong sabi.

Tumingin lang siya sa relo niya at di sumagot.

Quarter to 6 na ah, ba't kaya wala pa siya?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now