4.4 [X]

9.2K 265 13
                                    

Part 4.

Charice POV

"Ayos ka lang?" tanong ko habang patuloy siya sa pag-ubo.

Naglalakad na kami papuntang school pero ubo pa rin siya ng ubo na parang nasamid ata.

Gawa siguro ito nung pag-inom niya kanina dun sa shake.

Hinaplos ko na lang 'yung likod niya.

"Huy! Yung Gocha!!!" rinig kong sabi nung iba kaya napatingin ako sa likod.

Rinig ko rin yung iba na Gocha ng Gocha pero nakatingin sa'kin.

Ano naman kaya 'yun?

"Ano 'yung Gocha?"

Napatigil naman si Gosu sa pag-ubo at napakamot na lang ng batok.

"Yung patay na baboy ba 'yon?" tanong ko pa.

Napatingin siya sa'kin atsaka napatawa.

Naubo pa nga siya eh pero patuloy pa rin siyang tumatawa. Tumigil lang siya nung sinamaan ko siya ng tingin.

Hinatid naman niya ako sa room ko. Sasabihin ko sanang 'wag na at baka mairita na naman sa'kin si Maria kaso hindi ko na nasabi.

Di pa ko nakakapasok ay nakita ko na si Bianca at sinalubungan na niya ako ng kakaibang ngiti na parang nanunukso.

Kita ko namang sumandal lang si Gosu sa may pader habang yung mga kamay niya ay nakatago sa bulsa ng uniform namin.

Tumunog naman 'yung bell na hudyat na 5 minutes na lang ay magsisimula na 'yung klase.

Tumingin ako dun sa may dako kung san siya sumandal sa pader. Nakatingin naman siya sa'kin. Kanina pa ata.

"Babay...?" awkward kong sabi.

Ngumiti naman siya saka kumaway para mag bye din.

Pagkaalis niya ay saka nag iritan ang mga babae.

"Ang pogi ni Gosu!!!"

"Ang swerte mo Cha! How to be you po?"

Hindi na lang ako nagsalita't umupo na lang sa upuan ko. Maya-maya din ay nagstart na mag klase.

Habang nagdidiscuss si Ma'am ay nagtanong sa'kin si Bianca kung nag aral ba daw ako sa Math. May quiz pala kami mamaya at nakalimutan kong magpaturo kina Kimberly.

"Magpaturo ka kay Gosu!" suwestyon niya. "Di ba tutor mo siya?"

"Ba't di na lang ikaw ang magturo sa'kin?"

"Ang hirap mo kaya turuan!"

Grabe naman siya!

Fast learner kaya ako. Hmp!

Nang matapos kaming kumain ng lunch, nagpaalam si Bianca sa'kin na may meeting daw sila tungkol sa school fest. Member kasi siya ng student council eh.

Pumunta na lang tuloy ako mag-isa sa library.

Pero dumaan muna ako sa may hallway ng Class A at sinilip sa pinto kung andodoon ba siya.

"Hinahanap mo ba si Gosu?" rinig kong tanong ng isa. "Di 'yun na-attend ng klase."

"Oo, busy siguro," sabi naman nung isa. "Pero tutal lunch break na baka papunta na 'yun sa classroom niyo. Tuwing lunch lang ata siya napunta sa school."

Nanatili na lang tuloy ako sa tapat ng classroom nila.

Hanggang sa napansin kong nakatingin pala ng masama 'yung ibang babae na andoon.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now