6.4 [T]

7.6K 259 10
                                    

Part 4.

Daryl's POV

"Ikaw 'yung lumapit," utos sa'kin ni anae. "I hate kids."

I don't really like people who orders me around pero syempre, susunod ako kung siya 'yung nag utos.

By the way, ngayon na 'yung araw na magiging parents kami.

At buong araw kaming walang klase para lang dito pero bawal kaming lumabas ng school. Kung lalabas man daw, kailangan naming magpaalam sa admin at sisiguraduhing safe 'yung bata kasi nasa amin ang pananagutan at wala sa school.

"Hindi rin ako marunong sa mga bata," mahina kong sabi.

"Iiyak lang 'yan sa'kin," sabi naman niya.

Hinawakan ko ang pulso niya para pareho kaming makalapit dun sa bata.

Cute naman 'yung 'baby' na pinili ni anae. Singkit at bungi.

Nang makalapit ako, tiningnan ko muna si anae saka yumuko, "Anong name mo?"

Ngumiti at tumawa 'yung baby. Pumalakpak pa nga siya at mukhang tuwang-tuwa.

"Kang Chan Heee!" sagot nung bata.

"Daddy!" sabi niya pa.

Napansin kong nagtatalon siya at nakataas ang mga kamay. Para tuloy he's implying na buhatin ko siya.

Nagkatinginan tuloy kami ni anae.


Charice POV

Kang Chan Hee, 3 years old, pure Korean pero pinanganak at lumaki dito. 'Yan 'yung nakuha naming information ni Gosu nung interview-hin namin 'yung bata.

Name pa lang naman kasi alam mo ng Koreano.

Ngayon naman ay buhat-buhat ni Gosu 'yung bata habang nasunod ako sa kanila.

Panay kausap naman si Gosu kay Chan Hee. Mukhang tuwang tuwa sila pareho.

Akala ko ba hindi siya marunong sa mga bata?

Kung sabagay, pareho silang Korean kaya magkakaintindihan nga sila.

Maya-maya ay binaba na siya ni Gosu. Tumakbo 'yung bata para sumali dun sa iba pang batang naglalaro.

Tahimik lang naman kaming nanunuod ni Gosu sa kanya.

Maya-maya ay nakita ko sina Bianca at Ji na hinahabol 'yung batang naka-assign sa kanila. Meron ding isang lalaki ang sumusunod sa kanila.

I think that's Mario, kaklase namin na ang alam ko ay may gusto kay Bianca.

"Cha, help mo nga kami!" nagmamakaawang sabi ni Bianca.

Hindi ako gumalaw. Pinanuod ko lang sila na nakikipaghabulan sa bata.

Nakita ko naman sa mukha at mata ni Bianca 'yung kakaibang saya niya pag kasama niya si Ji.

Pero... okay lang kaya siya?

Bakit niya ginawang partner si Ji kung alam niyang may fiancé na 'to?

Alam nga ba niya?

Imposible namang hindi niya alam kasi siya ang source ng information ko sa lahat ng bagay na nangyayari sa school.

Saka nakita niya namang pinuntahan ni Ji si Pamsy nung nahimatay 'yun ah?

"UWAAAAAAAAH!" rinig naming iyak ng isa sa mga bata.

Napatingin tuloy ako kung san nanggaling.

Nakita ko namang umiiyak si Chan Hee.

Napatingin muna ako kay Gosu saka lumapit kay Chan Hee na umiiyak.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now