2.5 [L]

9.9K 261 4
                                    

Part 5.

Charice POV

"Attention to all SK students- please proceed to your classrooms now," sabi nung intercom ng school.

Dahil dun, napatakbo ako pababa ng hagdan.

Para kasing my reflex just told me to flee away from him.

Sa sobrang bilis ko siguro tumakbo, ang bilis din ng tibok ng puso ko. Siguro lagpas 130 ang pulse rate ko.

Pero siguro, gawa na rin 'yun ng tanong ni Gian. First time ko kase may magtanong nun. Ano ba dapat kong isagot dun?

Uupo na sana ako sa upuan ko nang mapansin ko na occupied na yung upuan ko; kahit 'yung upuan ni Bianca saka  mga upuan ng mga katabi namin.

Nakita ko namang pinagkakaguluhan si Maria.

"Hi Ice!" bati sa'kin ni Maria na mala-Mayor.

Kelan pa ba kami naging close?

Narinig ko rin na binabati niya ang lahat ng bumabalik sa classroom. Mukhang sinaulo niya lahat ng pangalan namin.

I don't wanna judge her pero parang feeling close agad siya sa'ming lahat. O siguro sinusubukan niyang kaibiganin kaming lahat para walang umaway sa kanya.

Tinawag naman ako ni Bianca na nakikiupo sa may bakanteng upuan na malapit sa'ming mga totoong upuan.

"So ihahatid ka mamaya ni Gosu? Magdadate rin ba kayo?" rinig kong tanong nung kaklase kong nakikiupo sa may upuan ko.

"Oo, ihahatid niya ako," nahihiyang sabi ni Maria na may paghawi pa ng buhok.

Pinagyayabang ba niya na ihahatid siya nung Gosu? Or baka ako lang 'yon?

Ang ngiti kasi niya kakaiba. Nakakaasar na ewan.

"Hi Kimberly! Hi Layzzah~" bati pa ni Maria nang makapasok 'yung dalawa sa classroom.

"Problema nun?" rinig kong bulong nung Kimberly. "Kasura."

Saulo niya talaga lahat ng pangalan namin ah? Kaka-transfer niya lang kanina ah?

Pero ang galing ha! Mahina ako dun eh.

Mamaya, may pumasok bigla sa room kaya dali-dali kami sa pagbalik para makaupo sa totoong pwesto namin.

"Good Morning Class. Today, we will have an activity. I will group you into five."

Pinagrupo naman ni Ma'am ang mga magkakalapit ng upuan. Pinabilog niya rin kami.

Buti na lang kagrupo ko si Bianca.

"Prances, Kimberly, Layzzah, Jaeki..." pag-iisa isa ni Bianca. "Sino ka nga ulit?"

"Angelli," sagot naman nung babae.

"Ngayong year lang kita nakita. Transferee ka ba?" tanong pa nung Kimberly.

"Last year," sagot nung Angelli.

"Class, our first activity is for you to discuss together what you are when you're still a child," rinig kong sabi ng prof namin.

Ah? When I was still a child?

"And then later, we will discuss the childhood of a very good writer. Okay?"

"Yes, Ma'am," sabi nung ilan.

"I'll be back. We just got a short meeting."

Lumabas na si Ma'am.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now