8.9 [O] (1)

6.3K 191 6
                                    

Part 9.

Charice POV

"You'll be in a big trouble if you kill him," sabi ko kaya natigilan siya.

"5! 4! 3! 2! 1!" rinig kong sigaw ng mga gangsters na andodoon. "K.O.!"

"First King won the first monthly match today," rinig kong anunsyo ng isang lalaki sa isang microphone. "Endou is now officially retired and First King was able to keep his points and his property."

Napatingin tuloy ako sa nag anunsyo kasi dati ay walang ga'non.

"Second match will begin shortly after the break," rinig ko pang sabi niya.

"Ice Princess?" tawag niya nang makita niya siguro ang logo ng gang ko.

Humangin kasi kaya napahawi 'yung buhok ko. Doon niya siguro nakita ang badge.

Now, what should I say?

Binitawan ko ang pulso niya at binaba pa ang cap na suot ko. Inayos ko ang buhok ko bago pa makita din iyon ng mga dati pang gangster na kasabayan ko.

Dali-dali din akong umalis sa stage pero ramdam kong sinusundan niya ako.

"That's you, right?" tanong niya nang maabutan niya ako sa may labas ng Arena.

Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso na lang sa kakaunti at walang masyadong tao.

Paano niya ako nakilala kung naka-face mask ako?

Nakita ko naman si Bianca na sinusundan ako. Nang makita niyang nakita ko siya, lalo pa siyang nagtago sa pwesto niya.

Napansin ko ring nasa likod ko pa rin si Gosu.

Is he looking for me because of that?

Hihingin ba niya sa'kin 'yung sinasabi niyang 'utang' ko daw na hindi ko naman maalala?

"Why are you following me?" tanong ko na hindi tumitingin sa likod.

"Ikaw si Ice Princess," sabi naman niya. "Hindi ba?"

Tiningnan ko naman siya.

"So who are you again?" tanong ko na lang kunwari. "I stopped you earlier because I thought you'll be in big trouble."

"I'm... First King, the leader of The Five Kings," pakilala niya na parang nahihiya. "You don't remember me?"

Napatingin naman ako sa kanya at sa damit na suot niya.

Napansin kong halos katulad ng suot niya 'yung suot ng prinsipe sa poster ng K-drama na Goong (Princess Hours).

In short, parang king-themed 'yung damit na suot niya at may cap badge siya na may TFK na nakalagay.

Naalala ko tuloy 'yung suot niya nung pageant.

Kaya pala familiar 'yon... ay dahil siguro nakita ko na 'yun dati sa UB.

"I don't remember," sagot ko. "I usually have trouble in remembering people."

Napangiti siya. "It's fine. Ako rin naman, tanda ko lang 'yung mga importanteng tao sa akin."

Tiningnan ko siya.

Sinasabi niya bang isa ako sa importante sa kanya?

"You might not remember it but— you saved me before," sabi niya. "Just like what you did today."

"I don't remember saving anyone before," sabi ko naman. "And I didn't save you today. You saved yourself."

"No, you made me realize what will happen if I really killed him," sabi naman niya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now