2.6 [I]

9.5K 249 15
                                    

Part 6.

Bianca's POV

"Cha!" tawag ko nang makita ko si Cha na nakaupo sa may cafeteria at pinagmamasdan ang natutunaw na ice cream na hawak niya.

"Ba't ka nag-cut?" tanong ko nang makaupo ako sa harap ng inuupuan niya.

Tumingin naman siya sa akin.

Nakaramdam naman ako ng tila mas malamig pa sa yelo mula sa pinakita niyang tingin sa akin.

"Ikaw?" tanong niya. "Bakit ka nagkwekwento ng buhay ng ibang tao?"

Natahimik ako... at nakaramdam ng takot.

"Dahil ba ayaw mong malaman nila ang malungkot mong buhay kaya mas pipiliin mong i-publicize and i-romanticize ang malungkot na nangyari sa buhay ng iba?"

Iyon pa lang ang sinasabi niya ay nanikip na agad ang dibdib ko.

"Gusto ko lang—"

"Magkaroon sila ng sympathy sa'kin?" sabi niya agad na di ako pinapatapos. "Do you even have the empathy to sympathize? Naisip mo ba ang mararamdaman ko?"

"Hindi sa ganun..."

"Eh ano?" tanong niya without expressing any emotion sa mukha niya. "To remind me how heartless I am not to cry about it? Telling people that I'm the favorite of my father kaya ako lang ang sinagip?"

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya, "Ang gusto ko lang naman- malaman nila kung bakit ka ganyan!"

"Bakit ako ganito?" tanong niya. "Bakit? Alam mo ba kung bakit ako ganito?"

"Hindi lahat ng kwento pwede mong ikwento sa mga tao," sabi pa niya.

"Do you even know the complete story?" tanong niya. "O gumagawa ka lang ng kwento to satisfy your ego that you know me better than myself?"

Naiiyak ako sa sinasabi niya. Ni wala akong ibang intensyon kundi maintindihan siya ng iba!

Tumayo siya, "Why don't you start having your self-awareness first?" suwestyon niya."Ni hindi mo nga kilala ang sarili mo, pano mo pa maiintindihan kung bakit ako ganito?"

Natahimik na lang ako habang dahan-dahang nag i-inhale- exhale dahil nahihirapan akong makahinga.

Pinagmasdan ko siya habang inaalis niya sa kamay niya ang sobrang tunaw na ice cream na hawak niya.

"You don't have the right to share with people about someone's life; most especially when in the first place—you're not part of it."

<NOW PLAYING: Bolbbalgan4 - Dream>

Natigilan ako sa sinabi niya. Para kasi akong sinaksak ng mga matutulis na yelo sa may dibdib ko nang marinig ko 'yun.

Pagkasabiniya 'nun ay umalis na siya at pinagmasdan ko lang siya habang papalayo siya nang papalayo sa'kin.


Charice POV

Dumiretso ako sa CR para maghugas ng kamay at pakalmahin ang sarili ko.

Napatitig naman ako sa salamin nang nahugasan ko na ang kamay ko.

Isn't that too much?

Di ba kakaiyak niya lang kanina, Cha?

Ba't di mo man lang naisip 'yun?

Pero, anong gagawin ko? Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. So, dapat ba sinarili ko na naman 'yung nararamdaman ko? Like I always do?

"Hindi talaga ako naniniwala dun kay Maria," rinig kong sabi ng isang babae kaya naghugas na lang ulit ako ng kamay ko.

"Ako din. Feeling ko hindi siya yung hinahanap ni Gosu," sabi naman nung kausap niya.

"Pano naman kasi di ba? Parang scripted lahat ng sinasabi niya. Sobrang careful."

"Kaya nga. Gusto ko pa 'yung Mendoza," sabi nung isa kaya napatingin ako sa kanya.

Natahimik naman silang dalawa at natawa ng awkward. Umalis din sila agad nang marealize nilang nakatingin ako sa kanila.

Nang humudyat na 5 minutes na lang ay magsisimula na ang sunod na klase, lumabas na ako ng CR.

Paglabas ko, nakita ko si Jaeki.

Ba't nasa tapat ng babaeng CR na pinto 'to? Papasok ba siya dun?

So... hindi kaya... voyeurism?!

Bigla naman niyang hinila yung braso ko nang makita ako.

"Pwede bang sumama ka sa'kin mamaya?" tanong niya. "May itatanong lang."

Kanina pa 'yan ah. Ano ba talagang meron?

Makasama na nga kaya para tumigil na 'to?

Tutal na cucurious na rin naman ako kung ano bang meron.

"Ok," maikling sagot ko sabay alis.

Pagbalik ko ng room, may activity na naman. By partner pa. Eh narinig ko si Bianca na inaalok agad yung Angelli para maging partner. Inantay ko na lang kung sino 'yung walang partner at 'yun yung naging partner ko.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon