8.4 [N]

6.9K 202 12
                                    

Part 4.

Charice POV

"May bibilhin ka ba dito?" tanong ko kasi pumunta kami ng mall kahit ang dami namang palarong pwede naming mapanood ngayon sa school.

Napatigil naman siya sa paglakad. Tiningnan ko naman kung anong boutique 'yung tinigilan niya.

Cartier?

Hindi ba mahal daw ang mga tinda dito?

Pagpasok namin, may sinabi lang si Gosu 'dun sa babae kaya may nilabas itong box.

Napatingin naman ako 'dun.

Binuksan nung babae 'yon kaya kinuha ni Gosu ang laman at pinakita sa'kin, "Partner oh!"

Napatingin na lang ako sa kanya.

Nagpapa-cute siya eh. Kala niya siguro bagay.

Napatingin naman ako sa babae na nakangiti sa'min.

"Magkano nga 'to?" tanong ni Gosu.

Napatingin naman 'yung babae sa presyo nito, "Two million three hundred sixty four thousand..."

Hindi ko pa napapakinggang lahat kung magkano 'yon ay nanlaki na ang mata ko.

2 MILLION?!

Ba't sobrang mahal naman ata nung bracelet na 'yon?!

Mukha lang naman siyang collar ng aso pero sa pulso sinusuot!!!

Narinig ko pang nag sasales talk 'yung babae kay Gosu, "With diamonds po ito saka 18K yellow gold."

Napatingin naman ako kay Gosu. Kitang kita naman sa mata niya na parang gustong gusto niya 'yung bilhin.

Pero ano bang special sa bracelet na 'yon? Sadya bang ganun 'yun ka-mahal?

"Pano nga 'yung screw nito?" tanong ni Gosu at kinulbit ako kasi sa ibang lugar na ako nakatingin.

"Ito pong gold screwdriver ay ang tanging makakapagbukas sa Cartier Love Bracelet niyo. Yung screwdriver 'din po ay available in the form of a necklace, na nag aallow po na ma "locked" 'yung isa pang bracelet para 'dun sa kasintahan niyo po while the 'key' po nito is kept around the neck sa inyo po for example, as a symbol of commitment to the relationship."

Ano daw? Ako lang ba ang hindi naka-gets?

"Wifey, gusto ko nito," sabi niya pa.

What? Nagpapabili ba siya sa'kin?!

San naman ako kukuha ng dalawang milyon???

"Wala akong pera!" agad kong sabi kaya natawa 'yung babae sa reaksyon ko.

"Ha? Ako naman 'yung bibili eh!?" sabi naman niya. "Baka lang kasi hindi mo suotin eh."

Tiningnan ko lang siya at nakita kong parang gustong gusto talaga niya 'yon.

"Please?" sabi pa niya kaya tiningnan ko 'yung bracelet.

Is he trying to give me a gift just like what I did to him before?

Napatingin ako sa kanya at nakita kong suot-suot niya pa rin 'yung kwintas na binigay ko.

Pero... walang wala 'yun 'dito sa gusto niyang bilhin! Wala pa ngang isang libo 'yung binili kong kwintas eh!

"Baka mawala lang 'yan sa'kin," sabi ko.

"May screwdriver naman po siya, Ma'am. Hindi po siya matatanggal kung hindi po aalisin ni Sir," rinig kong sabi nung babae para siguro makumbinsi ako.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz