3.2 [R]

9.9K 269 7
                                    

Part 2.

Charice POV

(Flashback)

"Akala mo kung sino ka ha?! Baka gusto mong paputukin ko ang labi mo?!" sabi ng isang babaeng mukhang mas mataas ang year sa'kin.

Hinila niya ang buhok ko, "LUHOD!" sabi pa niya at hinila ako pababa para lumuhod.

"Tama na 'yan!!!" rinig kong sabi ni Bianca na umiiyak kahit siya naman din ay hindi makawala sa pagkakahawak ng ilan sa mga babaeng nandito.

Sinampal-sampal ako nung babae dahil ayokong lumuhod. Sinipa rin ako nung isa para mapa-luhod ako. Nang magawa ko 'yon ay nagtawanan sila at hinila 'yung buhok ko pataas para tumingala at makita ko sila.

"Sa susunod, kilalanin mo ang binabangga mo!" mukhang demonyong sabi niya sa akin atsaka tinaldyakan ako sa sikmura.

Napatalsik ako na pigil-pigil ang sarili ko sa pagbuga ng dugo sa bibig ko. Nang umalis siya ay binitawan na si Bianca ng mga alipores niya.

Agad naman siyang lumapit sa akin kaya nilunok ko na lang ang dugo sa bibig ko kesa makita niya. Niyakap ko siya dahil iyak siya ng iyak.

"Mas mabuti pang 'wag ka na lang sumama sa'kin sa school," umiiyak niyang sabi. "Para lubayan ka rin nila."

Namuo ang kamao ko habang iniisip kung bakit wala akong magawa para matigil ang nangyayaring ito sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit may pinalaking mahina at malakas. Hindi ba pwedeng pantay-pantay?

"Gusto mo bang maglaro ng dolls?" tanong niya nang una kaming magkita sa daycare.

Inilabas niya lahat ng manika mula sa bag niya at inalok ito sa'kin. At dahil magkaklase naman kami ni Bea, hindi ko siya pinansin.

"Bianca, tara maglaro!" yaya ng iba naming kaklase. "Ang gaganda ng laruan mo."

"Oo nga, tayo na lang maglaro. H'wag ka na d'yan. Si Beatrice lang naman 'yung gusto niyan kalaro eh!"

"Dito na lang kayo maglaro, sama-sama tayo dito. Mas masaya pag marami!" sabi naman niya sa mga ito.

Hindi rin naman nagtagal, naging ka-close ni Bea si Bianca kaya nakikipaglaro na rin ako sa kanya.

Maraming kaibigan, maraming kalaro, pala-ngiti, kayang sabihin ang gusto niyang sabihin 'yan ang meron siya na wala ako. Kung kaya, hindi malabong... Siya ang naging role model ko.

Pero nung namatay si Bea, hindi ko na siya kinausap. Pinili ko rin kasing mapag-isa.

"Baliw naman ang mommy ni Charice!" rinig kong sabi ng isang kalaro ni Bianca nang ma-late ako sa klase.

Natigilan ako sa labas ng classroom at nag-alinlangang pumasok.

"Hindi 'no!" agad na sabi ni Bianca bago pa ako makaalis. "Mabait ang mama ni Cha! Baka mama mo 'yung baliw kaya niya naiisip 'yun!"

At yun ang unang beses na napaaway siya.

Dahil dun, napansin kong iniwasan na siya ng karamihan.

Kaya simula non, kahit minsan nakakainis siya dahil ang ingay niya, hindi ako umalis sa tabi niya. Parati din siyang bumibisita sa bahay; kinukwentuhan ako ng mga kung anu-ano na madalas ay tungkol sa kanya.

At dahil dun, hindi na ako nalulungkot tuwing naaalala ko si papa at si Bea.

Lagi ko ring pinagdarasal na sana hindi siya magbago; na sana, ako lagi ang pagkwentuhan niya ng bagay-bagay. At ako rin, nangako sa sarili ko na lagi akong makikinig sa mga kwento niya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon