3.8 [E]

9.4K 247 16
                                    

Part 8.

Charice POV

"I'll get you a tutor, okay? Hindi 'yan maaari sa college."

Napatungo tuloy ako habang kaharap ang prof namin sa Calculus.

"You have to attend the tutoring class," dagdag pa niya. "Or else, you have to repeat a year."

Tutor? Hindi ba may bayad 'yun?

"Magpapaturo na lang po ako sa kaklase ko," sabi ko.

"No. In this school, we're here to help the students so they can aim higher in college," sabi naman niya. "And just to remind you, SKU doesn't tolerate manipulation of scores."

Nanlulumo naman akong lumabas ng faculty room habang tinititigan ang binigay sa'kin ni Ma'am na summary report ng mga scores ko sa Calculus.

Hindi rin talaga siya magandang tingnan. 'Yung quiz nga kanina, out of 35 points, 2 points lang nakuha ko.

SK University is one of the prestigious schools din kasi so they expect na magaling ka talaga pag nakapasok dito.

Di tuloy ako maka-concentrate sa sumunod na subject. First time ko kasi mapatawag sa faculty gawa ng mababang scores. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang Calculus.


Daryl's POV

Can I just cuss multiple times?

Sabagay, hindi rin naman non mababalik ang effort ko.

Akala niyo ba madali siya i-approach?! Lagi kaya akong knocked-out sa mga titig pa lang niya!

Inisip isip ko pa naman kung pano ko magagawa 'yon tapos masasayang lang. Kainis talaga. Pwede namang kanan na lang nabasa eh!

Bigla namang nagbukas yung pinto ng tambayan namin at nakita ko 'yung apat na sabay-sabay pumasok.

"Kamusta ang kamao?" bungad ni Yoon Jae.

"Shut up," sagot ko dahil parang nang-aasar ang tono niya.

Lumapit naman sila sa inuupuan ko.

"Are you going to attend the class tomorrow?" tanong ni Ji.

"I'm not going to steal your spot so shut up," inis na sabi ko.

Natawa lang si Ji.

"Nga pala, balita ko hindi sumali si ano sa event?" sabi pa ni Ji.

"Oo nga. So ano plano? May plan B ba?" tanong pa ni Yoon Jae.

"Ha? Saan? Ano ba sinasabi niyo?" tanong ko para kunware hindi ko alam ang pinag uusapan. "Anong event? Di ba cancelled na 'yon?"

"What? Wag," agad na sabi ni Jaeki.

"Sumali kasi si Lay—" sabi ni Jun Su na di na natuloy ang sasabihin kasi sinaraduhan na ni Jaeki ang bibig.

"I told you, I don't like that woman!" agad na sabi ni Jaeki kaya natawa si Jun Su.

"The more you hate, the more you love," singit ni Yoon Jae.

Pinanuod ko naman si Jaeki na mukhang asar na asar sa kanilang dalawa.

Lumapit naman si Ji sa'kin na natatawa, "Just tell her to sign."

"Oo nga, sayang naman kasi," sabi naman ni Jaeki.

Hays. Ba't ba ayaw niya sumali eh ipapanalo ko naman siya. Hindi na naman niya need magpaganda eh.

Bigla namang may kumatok sa pinto. Dahil tinatamad akong tumayo, si Yoon Jae ang pinagbukas ko.

Tiningnan naman namin kung sino ang may lakas ng loob na kumatok sa pinto.

"Mr. Kang," tawag sa'kin nung nagbibigay ng lessons ko sa Calculus.

Tumayo ako. "Yes, ma'am?"

"Can I ask you to tutor one of my students? If it is okay with you," sabi pa niya.

Tiningnan ko lang si ma'am.

Tutor?

Seriously?

Mukha bang need ko sumideline?

Hindi niya ba alam na I have a scholarship with working status kaya busy ako?

"Kasi Mr. Kang, I think she can improve. And I've heard you're interested to her as well."

"Ha?" nasabi ko na lang. "Interested to?"

"Charice Eliza Mendoza," patuloy ni Ma'am kaya napanganga na lang ako.


Charice POV

"Cha?" rinig kong sabi ni mama sa may sala. "Pwede ka bang bumili sa grocery?"

"Anong bibilhin?" tanong ko habang nakatingin sa TV.

May inabot naman siya sa'king listahan ng bibilhin at 'yung pera.

Tiningnan ko 'yun at tiningnan siya.

At dahil walang mapanuod sa hapon, tumayo na ko at pinatay 'yung TV. Naka-pambahay lang naman ako at nag cap na din kasi baka umulan.

Dumiretso agad ako sa pinakamalapit na grocery-han sa'min. Ayoko namang dumayo pa ng malayo at malapit ng gumabi.

Maya-maya, may naramdaman akong kulbit. Paglingon ko, nakita ko 'yung mga hari-kuno.

Nakangiti sila na parang nakakaloko. Ano kayang problema ng mga 'to?

Nakita ko rin sina Ji at Gosu.

"Yo~" bati ni Ji sabay ngiti.

Tutal na-awkwardan ako kung di ako ngingiti pabalik, nginitian ko rin siya ng konti.

" [eo]?!" rinig kong sabi ni Gosu kaya napatingin ako sa kanya. " 했어 [mwo haess-eo]? 그녀가 너에게 웃었 [wae geunyeoga neoege us-eoss ni]?!"

(Translation: Oh?! What did you do? Why did she smiled at you?!)

Pagkatapos nun, nanahimik sila at nagtawanan maliban kay Gosu.

Teka, niloloko ba ako ng mga 'to? Ano ba 'yung sinabi niya? Niloloko ba nila ang suot ko?

"Una na ko," sabi ko at agad na umalis.

Pagdating ko sa bahay, nag marathon ako ng K-drama. Hindi ko naman namalayang 2 AM na pala.

Makakatulog pa ba ako ng husay nito?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now