Chapter 10

5.6K 149 4
                                    

Part 1.

Bianca's POV

"Promissory note?" tanong ko nang makita si Cha na may hawak na nakatiklop na letter.

Kukunin kasi namin ngayon ang exam permit namin para sa Monday. Next week na kasi 'yung exam.

"Cha!" rinig ko namang tawag ni Prances. "Happy Birthday!"

Sinamaan ko naman ng tingin si Prances kasi sabi ko sa kanya sabay-sabay namin dapat siyang babatiin mamayang lunch with her cake!

Napahawak naman siya ng bibig nang ma-realize niya 'yon.

"To Gosu!" singit naman ni Layzzah para mailusot lamang ang nagawang pagkakamali ni Prances.

"Ngayon ang birthday ni Gosu?" takang-taka namang sabi ni Angelli. "Akala ko si—"

Nahila naman agad ni Kimberly si Angelli bago pa niya maituloy ang pangalan ni Cha.

Kung alam ko lang, hindi ko na lang sana sila sinama para sa hinanda kong surpise birthday event kay Cha mamayang lunch!

"Birthday ko ngayon," sabi naman ni Cha.

"Ganun ba?" awkward namang sabi ni Layzzah.

Eto na ata ang pinaka-fail kong birthday surprise para kay Cha!

Tiningnan naman ako ni Cha na parang nagsasabing alam niya ang plinano ko.

Napanguso na lang tuloy ako.

Hindi ko na din kasi mabilang kung ilang birthday surprise ang naihanda ko sa kanya pero kalimitan ay nabubuking din niya.

Once lang nga ata nag succeed. Nung kauna-unahang beses pa 'yon.

Pumasok na naman si Cha sa may office nang pinapasok na siya dahil siya na ang sunod sa pila.

"Si Prances kasi!" panimulang paninisi naman ni Kimberly. "Ang ingay ingay!"

"Nakalimutan ko eh," sabi naman ni Prances. "Gusto ko pa naman ako ang unang nakakabati pag may birthday."

"Ano ng plano?" tanong naman ni Layzzah. "Tuloy pa rin ba?"

"Ba't naman hindi itutuloy?" tanong ko.

"Baka magalit kasi kung surpresahin natin sa cafeteria," sabi naman ni Layzzah. "Parang ayaw pa naman niya na pinagtitinginan siya."

"Hindi 'yan," sabi ko naman. "Nagawa ko na 'yun dati eh."

"Dati 'yun," sabi naman ni Angelli. "Eh ngayon, girlfriend na siya ng isa sa mga sikat sa school."

"Oo nga, kantahan na lang natin siya mamayang pag-uwi, sa bahay nila," suwestyon naman ni Kimberly.

Napanguso na lang naman ako.

Maya-maya din naman ay lumabas na si Cha na hawak na ang exam permit niya. Pumasok na ako tutal ako na 'yung sunod sa pila.

"Gyo, Bianca Joyce," banggit ko para mahanap nung student assistant 'yung exam permit ko.

"Gyo?" ulit niya habang iniisa-isa ang mga may surname na G na andodoon.

"Wala pa dito," sabi pa niya kaya napatingin ako sa kanya. "Bayad ka na po ba?"

Natigilan naman ako panandali hanggang sa nginitian ko na lang siya.

Bago naman ako lumabas 'dun ay kumuha ako ng papel na kasing-size ng exam permit para may hawak ako.

Hindi pa kaya nababayaran ni Papa?

Alam kaya niyang sa lunes na ang exam ko?

"And'yan na kaya si Ma'am?" rinig ko namang sabi ni Prances nang buksan ko ang pinto.

Napatingin naman sila sa'kin.

"Tara na," yaya nila kaya nagsimula na kaming bumalik ng room. Sumingit lang kasi kami sa pagkuha ng permit nung break time eh.

Saktong magsisimula pa lang naman ang klase pagbalik namin.

Habang nagtuturo naman ang prof ay patago akong nagtext.

"Papa, exam ko na po sa lunes."

Nagreply naman siya bago naman matapos ang klase.

"Anak, patawad. Hindi na kita masusustentuhan simula ngayon dahil ako ay natanggal sa trabaho. Lubog din ang pamilya ko sa utang at kasalukuyang naka-confine ang bunso kong anak sa ospital. Nasabi ko na ito sa mama mo at sinabi niyang papakasalan na naman daw siya ng ka-live in niya kaya hindi ko na raw kailangang mag abot sa iyo."

Natigilan naman ako sa nabasa ko.

Hindi na ako susustentuhan ni papa?

How can she decide on these things?

Anak niya ako. Hindi ba dapat kasama rin ako sa pagdedecide sa mga bagay tulad ng pagpapakasal niya?

Pero bakit itutuloy pa rin niya 'yun?

Hindi na ba talaga siya mapipigilan?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now