7.5 [U]

6.8K 217 4
                                    

Part 5.

There are times when I just want to look at your face... with the stars in the night
There are times when I just want to feel your embrace... in the cold night
(Juris Fernandez - Forevermore)

Hindi ko alam kung ano bang trip ng mga kaklase ko.

Pinatugtog kasi nila 'yung kantang Forevermore ni Juris sa isang Bluetooth speakers pagkalabas na pagkalabas ko sa C.R.

Tapos nakita ko rin na may pulang carpet silang nilapag sa sahig at pinalalakad ako 'don.

May paglapit pa nga si Bianca sa likod ng gown ko na parang umaarte bilang bride's maid.

Sinundan ko na lang sila sa kanilang trip kesa magpaka-KJ.

Napansin ko naman 'yun ilan sa mga kaklase ko ay nagvivideo at kilig na kilig kahit naglalakad lang ako.

Sa dulo ng pulang carpet naman ay andun si Gosu na naghihintay. Nang makita niya ako, nag-ayos siya ng tayo at umarteng naiiyak tulad ng mga nakikita sa mga kasal.

Natawa tuloy ang mga kaklase ko sa ginawa niya; lalo na si Jaeki na nasa tabi niya.

"Ang pogi!" rinig kong sabi ng isa kong kaklase nang makalapit ako kay Gosu.

"Nakikita mo na ba ang future natin?" tanong sa'kin ni Gosu na ngiting-ngiti na para bang walang siyang nalaman kanina.

Tiningnan ko siya.

"Hindi," sabi ko kaya napanguso siya agad.

Marami namang nagpapicture sa kanya.

Si Bianca naman ay todo tingin sa gown ko para tingnan siguro kung fit siya.

At dahil okay na daw, sinabi sa'min na pwede na daw naming alisin 'yung damit.

"Anae!" tawag sa'kin ni Gosu.

"Oh?" sabi ko naman.

"Picture tayo," sabi niya kaya hindi na lang ako nagsalita.

Dali-dali siyang lumapit sa'kin tapos inakbayan ako. Ngiting ngiti pa ang gagu.

"Anae, ngiti ka."

Teka, inuutusan niya ba ako?

"Bilisan mo," naiinis kong sabi kasi kita kong may napapatingin sa'min na ibang estudyante.

"Ngiti ka kasi!" sabi niya kaya ngumiti na lang ako para matapos na agad. "Yan!"

Agad niyang tiningnan 'yung picture. Pinapakita niya'yun sa'kin pero ayokong tingnan. Tapos sabi niya pa ipapasa niya daw sa'kin tapos gawin ko daw home at lockscreen.

Aba't talagang inuutusan ako?

Dali-dali naman akong nagpalit ng damit. Hindi ko na nga siya inantay eh.

"F***!" rinig kong mura niya pagkabalik na pagkabalik ko sa room.

"Ba't?" tanong naman ni Jaeki.

"Na-delete!" sabi niya habang nakatingin sa phone niya.

"Ang alin?" tanong ni Jaeki.

"Parang alam ko kung ano 'yung na-delete," sabi naman ni Jun Su.

"Ano?" tanong ni Jaeki.

"'Yung wedding picture nila," sagot ni Jun Su kaya natawa si Jaeki.

Lumapit naman ako kay Gosu at kinuha 'yung phone niya.

Napatingin na lang siya sa'kin.

"Oh," sabi ko sabay balik at pakitang may 'Recently Deleted' na album sa phone niya.

Nakita ko naman siyang napangiti ng malapad nang makita niyang hindi pala na-delete.

Dumiretso naman ako at binalik ko 'yung gown sa tamang lagayan nito.

"May sinalihan ka ba na laro?" tanong ni Bianca. "Sa school fest?"

"Wala," sagot ko. "Baka magbantay na lang ako sa booth o tumambay."

"Gusto mong sumali sa volleyball?" tanong niya. "Kulang pa kasi kami ng isa."

Napatingin naman ako sa kanya, "Wala akong hilig sa sports.

"Ah," sabi niya na lang at nagdiretso na ulit sa pananahi.

Napatingin naman ako kay Gosu na kasalukuyang lumalapit sa'kin.

"Anae, transfer ko sa'yo 'yung picture," tuwang-tuwang sabi niya.


Bianca's POV

"Bianca!" tawag sa'kin ni Layzzah kaya nginitian ko siya.

<NOW PLAYING: Suzy - Pretend>

Nakipag tsikahan siya sa'kin tungkol sa pang-iinis at pang-aasar sa kanya ni Jaeki. Lumapit naman si Prances sa'min at niloko siya na baka may gusto lang ito sa kanya.

Asar na asar naman si Layzzah habang iniisip pa lang niya ang ideya na 'yun. Pero halata naman sa kanya na kinikilig siya.

Napatingin tuloy ako sa dako ni Jaeki na kasalukuyang nakatingin kina Gosu at Cha na nagkukulitan sa may gilid.

Why is he staring at them?

Pero seeing Cha in a wedding dress...

Why do I feel like... it began already?

Why do I feel like we're slowly drifting apart?

Napatingin ako kina Layzzah at Prances na tuloy pa rin sa pagkwekwento.

Pag tinitingan nila ako, nangiti na lang ako sa kinwekwento nila.

Pero deep inside— Why do I feel like... no one will listen to my stories anymore?

Kung sabagay, darating din naman talaga ang panahon na mawawala siya sa tabi ko.

Hindi naman pwe-pwedeng parati siyang an'dyan eh.

Alam ko 'yun, dati pa.

Pero bakit parang ang bilis? Ba't parang ang lapit nang dumating 'yun?

Pa'no kung bukas makalawa, dumating na 'yung araw na kinatatakutan ko?

Paano kung isang araw, maging... mag-isa na lang ulit ako?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now