10.3 [N]

5.3K 148 1
                                    

Part 3.

Charice POV

"Cha," rinig kong tawag ni mama habang nagluluto ako ng adobo. "Eto na 'yung balanse mo sa tuition."

Tiningnan ko naman siya habang nilalagay niya sa isang envelope 'yung balanse na sampung libo.

"Anong oras ba ng first exam niyo?" tanong pa niya.

"Baka dumiretso na agad ako sa cashier pagkapasok," sagot ko. "9 AM pa naman ang start ng exam namin."

Tumahimik naman siya at lumapit sa niluluto ko.

"Nilagyan mo ba ng suka 'yan?"

Natigilan naman ako at naalala 'yung tinuro niya sa'kin kagabi.

Kailan nga ba nilalagay ang suka sa adobo?

"Pero pwede naman din h'wag mo nang lagyan."

Pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto ko hanggang sa parang naging luto na.

"Okay na 'yan," banggit naman ni mama kaya pinatay ko na ang stove.

Hinango ko na rin sa plato at napatingin sa orasan.

"Oh, okay ah," komento naman ni mama nang makatikim siya ng konti.

Tiningnan ko siya.

Maalat kaya?

"Hindi siya maalat," sabi naman niya at tumikim ulit. "Sakto lang."

Kinuha ko naman 'yung binili kong microwave-able na lalagyan at naglagay ng kanin at adobo 'dun.

Alam ko kasing busy si Gosu sa work kaya hindi kami nakakapag usap masyado. At dahil exam bukas, alam kong papasok siya kaya naisipan ko siyang ipagluto ng lunch.

Pagkatapos namang mawala ang init nito, nilagay ko na siya sa bag.

Si mama naman ang siyang nagtago sa bag ko nung envelope na may lamang sampung libo.

60K kasi ang buong tuition ko at naka-installment siya kada mag eexam. Ngayong pre-term exam, 15K 'yung dapat bayaran pero limang libo lang nabigay ni mama kaya nag promissory note ako.

"Cha, hindi mo ba dadalhin mga reviewers mo?"

"Di na," sagot ko pero ini-scan ulit ang mga 'yon.

Dadalhin ko ba o hindi?

Kaso ang bigat sa bag nito eh.

Saka buong weekends naman akong nag-aral kaya medyo confident naman ako. 'Yung math lang talaga.

"Aalis ka na?" tanong naman ni mama nang bitbitin ko na 'yung bag ko.

"Mag se-seven pa lang ah," sabi pa niya.

"Mga 7 din nagbubukas ang cashier," sabi ko naman kaya pinagbuksan na niya ako ng gate.

"Ingat ha!" sabi pa niya nang makalabas ako.

Pagkadating ko naman, walang pila sa cashier kaya mabilis lang akong nakapagbayad. Dumiretso naman ako sa room namin at nakita kong marami ding pumasok ng maaga para makapag group review.

"Hindi mo kasabay si Bianca, Cha?" tanong ni Layzzah.

"Sali ka sa review namin," yaya naman ni Prances.

I don't like group reviews though. Hindi kasi siya effective for me. Nakasanayan ko na rin kasing magreview mag-isa eh.

Mukha namang naintindihan na ayaw ko sumali kaya nagpatuloy na sila sa pagrereview nila.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon