11.2 [A]

5.3K 153 20
                                    

Part 2.

Charice POV

"Cha! Ba't ka nag left sa ating group chat?" tanong naman sa'kin ni Bianca nang makabalik ako sa room niya.

Tiningnan ko siya at umupo na lang.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung nagreply na ba si Gosu.

"Cha," tawag niya pa kaya nilagay ko na lang ang phone ko sa may mesa at kumuha ng tangerine.

"Maingay kasi," sagot ko na lang at kinain ang isang tangerine nang matalupan ko 'yun.

"Pwede mo naman i-mute," sabi naman niya at tumingin ulit sa phone niya. "Add kita ulit."

Sasabihin ko ba sa kanya?

Pero parang hindi pa siya okay ngayon.

Nakita ko namang iniadd niya ulit ako sa group chat namin pero nag leave ulit ako.

"Huy, bakit?" tanong niya.

Kumain muna ako ng isa pang tangerine bago huminga ng malalim.

"I can't tolerate fake people."

"Madaming fake, Cha," sagot naman niya kaya napatingin ang mama niya. "Nasa sa'yo na 'yun kung sino ang pagkakatiwalaan mo sa kanila."

Tumahimik na lang ako at nagtalop na lang ulit.

"Sino ang pinag-uusapan niyo?" tanong naman ng mama niya.

"Wala po, ma," sagot ni Bianca at tumingin na lang ulit sa phone niya.

"Yun bang mga dumating kanina?"

Hindi naman kami nakasagot at nanatili lang sa mga ginagawa namin.

Tinawag naman ang mama niya para sa PhilHealth kaya lumabas muna ito.

Nanatili naman kaming tahimik dito kaya binuksan ko na lang 'yung TV na andito tutal wala akong password nung Wi-Fi ng ospital.

"May narinig ka ba sa kanila?" rinig kong tanong ni Bianca.

Bumalik naman ako sa upuan ko, "Hindi mo na ba sila pagkakatiwalaan kung meron?"

"Kung nagtitiwala ako sa kanila, edi sana noon pa lang kinwento ko na sa kanila ang buhay ko di ba?"

Kinuha ko naman ang remote para tumingin ng ibang channel.

"So are you saying na okay lang makipagkaibigan sa mga plastic," mahina kong sabi.

"Hindi," sagot naman niya. "Pero for a person to live in harmony, kailangan niyang makisama."

Napatawa ako ng sarcastic habang naka-focus sa TV, "Yeah, to live in harmony."

Hindi na siya nagsalita kaya tiningnan ko siya.

"You can live without them," sabi ko sa kanya. "Those people will just use you in the long-run."

"Yun nga ang gusto ko," sagot niya kaya natahimik ako. "Hindi ba 'yon ang rason kaya tayo nag e-exist?"

"Ang gamitin lang tayo ng tao?" tanong ko at pinatay ang TV dahil naiingayan ako.

Tumingin lang naman siya sa'kin.

"Masaya ka ba na ginagamit ka lang?" tanong ko.

"Hindi," sagot naman niya. "Pero at least may purpose ako; at least, alam kong nagkaroon ako ng silbi sa kanila."

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now