2.4 [E]

10.1K 300 27
                                    

Part 4.

Charice POV

"Good Afternoon Class," bati ng aming sunod na prof kaya bumati din kami sa kanya.

"Today, may dalawang tayong transferees," anunsyo niya.

Na-excite naman 'yung iba. Syempre, baka daw pogi.

"Mga hija," tawag nung prof namin sa kanila.

Biglang tumahimik yung klase kasi nga 'hija' daw, ibig sabihin mga babae.

"Hello! I'm Maria Charice Anne Ramos," sabi niya sabay ngiti.

"Hi. I'm Nikka Jung Hwa," sabi naman nung kasama niya.

Parang mahinhin yung Nikka. Ewan ko lang 'yung Maria.

Umupo na sila sa may unahan namin.

Tumingin sa'min 'yung Maria Charice tapos kumaway. Ngumiti naman ng awkward si Bianca.

"Oy," rinig naming sabi nung Jun Su. "Maria Charice."

Tumingin 'yung Maria. "Bakit?"

Tinitigan niya si Maria at mukhang na-disappoint, "Imposibleng ikaw. Mukha kang retokada."

Mukha namang na-offend si Maria pero imbes na mag sorry sa sinabi niya ay natulog na ulit yung Jun Su.

Mamaya din naman, nag start na yung klase.

Minsan nga nalilito ako kung sino yung Charice na tinatawag. May ibang prof tuloy na Ice ang tawag sa'kin.

Natapos na 'yung dalawang subjects at lunch break na rin sa wakas. Gutom na gutom na ko eh!

Pumunta ulit kami sa cafeteria. Mukha namang nagkakagulo na naman dun.

"Ano kayang meron?" tanong sa'kin ni Bianca pero tinitigan at nagkibit-balikat lang ako.

I'm really not that interested to know! Gutom na ko!

"Sino yung girl na kasama ni Gosu?" rinig kong sabi nung isa.

"Transferee daw! Maria Charice daw 'yung name," sagot nung isa.

Napatingin tuloy ako sa dako nila.

"Can you speak Tagalog now?" rinig kong tanong nung Maria kay Gosu.

Parang natigilan naman si Gosu sa tanong na 'yun.

At dahil lunch break na nga, lalo pang dumami ang tao na andun. Nakita ko pa ngang inuna pa ni Bianca na tsumika dun kesa mag lunch.

"Ice...?"

Napalingon tuloy ako sa tumawag sa'kin.

Ngumiti siya, "Musta na?"

Pinagmasdan ko siya hanggang sa magsimula na siyang magkwento at nakinig lang naman ako.

Siya nga pala si Gian Sky Cantos. Siya lang naman ang naging friend ko maliban kay Bianca simula nung pumasok ako dito sa university.

"Bumalik ka ulit dito?" tanong ko.

"Oo! Ikaw nga ang unang hinanap ko kaso hindi kita nakita agad. Akala ko nga nag transfer ka na."

Medyo natuwa naman ako dun.

You can say he's my happy crush back then. Hindi kasi talaga ako kumakausap ng lalaki.

Pero hindi niya alam 'yun. Nagustuhan ko siya kasi matalino siya sa Math. Medyo na-a-attract kasi ako sa mga ganun.

"Bakit ka nag transfer ulit dito?" tanong ko.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant