11.6 [P] (1)

5.2K 144 7
                                    

Part 6.

Charice POV

1 AM na at hindi ako makatulog kaya binuksan ko ulit ang phone ko.

Nag flight mode muna ako at binuksan ang Wi-Fi.

[HOT] An insider revealed that she overheard S & K Corporation's chairman and their CEO talking about Arisa.

An insider told the media that she saw them talking to each other inside the ZS Entertainment headquarters and she revealed that Daryl was dumped by Arisa. She also revealed that Daryl lied about his feelings to his father because he wants to protect the company.

Nakita ko ang mga reaksyon ng mga tao sa balita at katulad ko din ang reaksyon nila.

Are they really dating?


Daryl's POV

"Break na kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Ji.

"Hindi naman daw talaga niya ko mahal eh," sabi ko at sinandal ang ulo ko sa sofa na inuupuan ko.

"At naniwala ka agad?" tanong ni Ji kaya hindi ako nakapagsalita agad.

"Gago mo tol!" sabi pa niya at inagaw sa'kin ang iniinom kong alak at 'yung baso. "Ni hindi mo man lang tinanong kung ano ba talaga ang dahilan?"

"Eh anong gusto mong itanong ko?" tanong ko. "Eh kung nakipaghiwalay, ibig sabihin hindi niya ako mahal!"

Kinuha ko sa kanya ang basong inagaw niya at uminom dahil may laman pa ito.

"Baka may mas malalim na dahilan," rinig kong sabi niya kaya kinuha ko mula sa kanya ang bote ng soju at naglagay ulit sa baso. "Hindi mo man lang inalam?"

"Ayoko nang alamin," sabi ko at nilaklak 'yung sojung tinagay ko.

Nakakatakot kasi...

Baka sabihin niyang- noon pa lang, ayaw niya naman talaga sa'kin... na pinilit ko lang siya.

"You have to communicate," sabi pa niya sa'kin at kinuha ang baso ko.

"Pwede ba Ji? H'wag mo na ko pigilan, kahit isang araw man lang," inis na sabi ko. "Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng malaya."

"Are you running away again?" tanong niya sa'kin pero hindi ako umimik.

Kinuha ko na lang yung baso sa kanya kaya kinuha niya 'yung bote ng soju para hindi ako makapaglagay ulit.

"That habit of yours won't make you go anywhere."

"Hwang Ji," tawag ko na naiinis.

" [hyung]," tawag niya kaya tiningnan ko siya ng masama.

(Translation: Bro)

"Hindi ganito dapat ang ginagawa mo ngayong pinag-day off ka muna ng appa mo," sabi pa niya. "Dapat gumagawa ka ng paraan."

"Ano na namang paraan?" tanong ko. "Sa issue ni Arisa? Sa paulit-ulit na rejection ng mga proposal na ginagawa ko? Sa lumalayas naming stockholders? Sa posibleng pagpalya ng ESK sa Korea? O tungkol na naman kay Mr. Kim?"

Napahinga siya ng malalim at napatahimik saglit.

Napatingin naman ako sa mga taong andito at buti ay 'yung lalaking gumagawa lang ng maiinom ang tao dito sa private bar nina Ji.

"Ang kwento mo sa'kin dati, nabasa ni Ice Princess ang puso mo."

"그래 [geurae]?" tanong ko at naghumpas ng kamay para umorder ulit ng isa pang bote ng alak. "Do you have Armand de Brignac?"

(Translation: So?)

Hinumpasan naman ng kamay ni Ji ang lalaki na parang sinasabi na h'wag ako bigyan.

"Wala na ba kayong soju na mas malakas ang tama kesa dito?" tanong ko sa lalaki.

"Hyung," tawag naman ni Ji sa'kin kaya tiningnan ko siya. "Ba't di mo kasi subukang tingnan at basahin ang puso ni Charice?"

Nakita ko namang may bagong boteng nilagay sa table 'yung lalaki kaya kinuha ko 'yon agad bago pa makuha ni Ji.

Tiningnan ko siya habang naglalagay ako ng soju sa tagayan ko, "Alam mo ba?"

Tiningnan niya lang naman ako.

"Na hindi ko nabasa ang puso ni Ice Princess dati?" tuloy ko at uminom.

"Pero magkaiba naman sila—"

"Iisa lang sila," sabi ko agad pagkalunok ko.

" [eung]?"

(Translation: Huh?)

Hindi ko inulit at uminom na lang ulit.

"Yon naman pala eh! Kung iisa lang pala sila, ba't hindi mo lalo siya pinaglaban?"

Natahimik lang ako.

Bakit nga ba?

Mali nga bang sinuko ko agad siya?

Mali nga bang naniwala agad ako sa sinabi niya?

Pero hindi ko rin alam eh- kung may ilalaban pa ba ako.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now