8.9 [N] (2)

6.4K 224 24
                                    

Right now?

I'm fine right now.

I honestly don't have anything to share.

"Or anything you wanted to tell," dagdag niya pa.

"Something I wanted to tell?" sabi ko at napaisip. "What if I want to become your girlfriend?"

"No," sagot niya agad at umatras nang lumapit ako. "I have a girlfriend."

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin," sabi ko naman.

Napatigil naman siya at huminga ng malalim.

"Sorry, I really don't want to lose her," seryosong sabi niya at nagsimula nang iwan ako dito.

What was that?

I was rejected when I was, to my belief, at my prettiest state?

Napamulsa tuloy ako at naramdaman ulit 'yung I.D. niya na nasa bulsa ng jacket ko.

"First King," tawag ko.

Lumingon naman siya kaya hinagis ko sa kanya ang I.D. niya. Nasambot naman niya 'yon.

"What's this?" rinig ko pang tanong niya at tiningnan 'yung hinagis ko.

"My lucky charm," maikling sagot ko.

Nakita ko namang napatingin siya sa I.D. niya at napatingin sa'kin.

"How did this become your lucky charm?" nagtatakang tanong niya.

"Because the first time I saw it, I started showing my feelings a lot more," sagot ko.

Though I want to be more honest with myself.

Napatingin naman siya sa kamay ko at natigilan.

"Anae?" tawag niya kaya napatingin ako doon.

Napansin ko namang nakalabas pala ang bracelet na binigay niya sa'kin. Tumaas kasi 'yung sleeve ng jacket ko nung hinagis ko ang I.D. niya.

"My gut feeling was right?!" sabi pa niya at lumapit sa'kin.

Hindi naman ako nagsalita kaya tinitigan niya lang ako.

"Am I dating the same person?" tanong niya pa. "Am I dating the Ice Princess?"

Tiningnan ko siya sa mata.

"You are," sagot ko kaya niyakap niya agad ako ng mahigpit.

"I can't believe this," naiiyak niyang sabi. "I was really praying hard to God just now!"

"About?" tanong ko.

"To make you both the same person," sagot niya. "Because I really can't choose between the both of you."

"What do you mean?"

"Because when you're beside me it feels like I was with the person that I was destined to love forever," sabi naman niya. "And when I also felt that way when I saw you today, I got really confused."

Does it mean he also get that feeling?

That— "I really feel safe when he's beside me"?

Maya-maya pa ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Pagkita ko, nagtext si Bianca na umuwi na daw siya kasi baka mapaihi pa daw siya sa kilig.

Nireplyan ko naman agad siya ng naka-irap na emoji.

Sinabi ko naman kay Gosu na gusto ko na ring umuwi.

Hinatid naman niya ako papunta sa bahay ni Bianca.

Bago naman siya makalabas ng sasakyan ay tinawag ko siya.

"Ano palang ginawa sa'yo ni Endou kaya muntikan mo na siyang mapatay kanina?" tanong ko kaya parang nainis na naman siya.

Huminga naman siya ng malalim, "May ginawa siya sa'yo, hindi ba?"

"Hindi niya nagawa 'yon," sagot ko.

"Still— hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa'yo dahil ko."

"Pero muntik ka nang matanggal sa UB kanina," sabi ko naman. "Saka mawala sa rank."

"Rank lang 'yun, mas importante ka," sagot niya. "Hindi rin naman kami tutuloy sa District 5 kaya hindi ko na kailangan ng points para manatili sa UB."

Natahimik tuloy ako.

Bumaba na naman ako nung pagbuksan niya ako ng pinto.

"Goodnight," sabi niya at hinalikan ang noo ko. "I love you."

"Mhm," sagot ko sa sa sinabi niya.

Nginitian niya naman ako bago siya tumalikod para pumasok ulit sa sasakyan niya.

Pinindot ko naman ang doorbell para pagbuksan ako ni Bianca ng gate.

"Anae," tawag niya ulit kaya nilingon ko siya. "I'll always find time to listen to you— remember that."

Nginitian niya ako matapos niyang sabihin 'yun ng seryoso.

<NOW PLAYING: Suho Ft. IU - Monday thru Sunday>

Nakita ko namang tumalikod na ulit siya para buksan ang pinto ng sasakyan niya.

"Gosu," tawag ko kaya natigilan siya.

Humarap siya sa'kin pero hindi ako nagsalita kaya lumapit siya.

"May problema ba?" tanong niya.

Tiningnan ko naman siya sa mata at ramdam kong pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"I love you too," mahina kong sabi.

Na-istatwa tuloy siya sa pwesto niya.

Maya-maya pa ay unti unting namumuo ang ngiti sa labi niya pero kita ko ring pinipigilan niya ito.

Narinig ko naman ang pagbukas ni Bianca ng gate sa likod ko.

"H-ha?" pag bingi-bingihan niya. "Ano nga ulit 'yun? Hindi ko narinig eh. Pwede bang paulit?"

Napatingin naman ako kay Bianca na natigilan dahil nandito pa si Gosu. Akala niya siguro umalis na.

"Bingi!" sabi ko na lang kay Gosu at dali-daling pumasok sa bahay ni Bianca.

"Bingi? What's bingi?" rinig ko namang tanong niya.

"No ears!" agad na sagot ni Bianca bago pa niya ako sinundan.

Bago naman ako tuluyang pumasok paloob ay lumingon ulit ako kay Gosu. Nakita ko naman siyang ngiting ngiti na parang asu. Nagsasayaw din siya doon na parang na-ulul na asu.

"Gagu," mahina kong sabi habang pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon