2.3 [E]

9.9K 278 3
                                    

Part 3.

Charice POV

Mamaya nag break na kaya pumunta na kami sa cafeteria.

Tinanong ni Bianca kung ano 'yung gusto kong bilihin. Pagkatapos 'non ay pumila na siya. Biinigay ko naman yung bayad ko sa kanya kasi mas mabilis siyang mag order kesa sa'kin.

Hinihintay ko naman siya sa may mga upuan habang napapansin kong parang may mga tumitingin sa'kin.

Maya-maya, may pumitik sa balikat ko. Yung Jaki.

Pinakitaan ko ng bakit-ano-kailangan-mo look.

Ngumiti lang 'tong isa pang gagu at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko, "Pwede bang sumama ka sa'min mamaya? Sa'ming apat?"

Tiningnan ko lang siya.

"And I'm Jaeki," dagdag pa niya at nilahad ang palad niya.

Hindi ko naman 'yun hinawakan.

"Anong meron?" tanong ko.

Inalis din naman niya agad 'yung kamay niya sa harap ko, "May itatanong lang kami. Di ka naman namin sasaktan."

Tiningnan ko lang siya.

Narinig ko naman ang tawag ni Bianca sa'kin kaya tumingin ako sa kanya. Pagtingin ko dun kay Jaeki, tumayo siya at umalis na.

Kung diretsuhin na lang kaya nila kung anong itatanong? May pa-private private pa kasing nalalaman.

"Cha, anong sinabi sa'yo ni Jaeki?" tanong naman ni Bianca.

"Wala naman," sagot ko.

"Is he interested on you?" tanong niya. "Wag ka dun, he's an ultimate playboy!"

"Obviously," sabi ko naman.

Kinuha na niya ang maiinom niya at ininom 'yon.

Binuksan ko na rin naman 'yung akin.

"Wait, baka alam mo kung anong kailangan nung apat sa'kin?" tanong ko.

"Ha? Di ko sure ha, pero ang alam ko kasi may hinahanap silang Charice," sagot naman niya.

Dami niya talagang alam na tsika.

"Nasa website ng school natin 'yun," sabi pa niya kaya nawala tuloy paghanga ko sa kanya.

Nasa internet naman pala.

Napansin ko namang nanlaki na lang bigla yung mata niya, "OMG, baka kilala mo sila nung bata pa sila?"

"Di ba ikaw lang kasama ko nung bata pa tayo?" sabi ko naman.

"Pero di ba kung saan-saan tayo non?"

Tumahimik siya kaya sinimulan ko na lang kainin yung chocolate cake na binili niya.

"Ano bang ginawa nung babaeng hinahanap niya?" tanong ko. "Yung Charice."

"Love at first sight daw eh?" sagot niya.

"Oh, tapos?"

"'Yun lang 'yung alam ko."

'Yun na 'yon?

Eh bakit kung maghanap sila parang may kasalanan sa kanila 'yung babae?

"Ah, nga pala," sabi ni Bianca kaya tiningnan ko lang siya habang umiinom. "Yung my labs ko din na love at first sight dun sa kasama nung babae."

Huh?! Pareho silang na-love at first sight? Ang baduy naman nila.

"Malay mo Cha, tayo pala 'yun!" sabi niya sabay tawa. "Korean daw kasi 'yung friend eh!"

"Eh half ka naman," sabi ko kaya napanguso siya.

"Pero why are you so interested?" tanong niya bigla.

Hindi ako nakasagot agad. Nagkibit-balikat na lang ako, "Well, mukha kasing may kailangan 'yung apat sa'kin eh, di ba?"

Tinuloy niya naman ang pagkain niya.

"Kaya mo ba ako tinawag na Charice sa tapat nung Jun Su?" bigla kong naitanong. "Kasi alam mong may hinahanap sila?"

Ngumuso pa siya lalo.

"Hindi mo naman ako tinatawag ng ganun eh," sabi ko pa.

"Sorry Cha!" sabi niya naman. "Para kasing 'yun lang ang way para mapansin ako ni Ji."

Tiningnan ko lang siya.

She's really into him. What should I do if he breaks her heart? Hindi pa naman ako maalam mag comfort pag love-related!

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now