2.2 [F]

10.5K 288 15
                                    

Part 2.

Charice POV

"Cha!" tawag ni mama sa'kin. "6:30 na!!!"

Napamulat ako agad nang marinig ko 'yun. Pinilit ko ring tumayo kahit inaantok pa talaga ako.

Napatingin naman ako sa orasan.

6:30 AM na ba talaga?! Ba't hindi tumunog ang alarm ko?

Nakita kong lumabas na si mama ng kwarto ko kaya nagsimula na akong ayusin 'yung pinaghigaan ko.

Napatingin ulit ako sa oras kaya nagmadali na kong pumunta sa banyo para maligo.

Mga 6 AM kasi dapat nakaligo na ko eh! Ngayong 7 AM pa naman ang aming weekly flag ceremony!

"Owh!" mahinang sambit ko nang madulas ako.

Ayokong malaman ni mama na nadulas ako kaya agad akong tumayo kahit ang sakit ng pwet ko.

Pagkatapos ay bumaba na ako at nakita ko si mama na nakatingin sa akin habang hinuhugas niya yung pinaglutuan niya.

"Cha, kakain ka na?" ngiting ngiting tanong ni mama nang mailatag niya sa mesa ang mga niluto niya.

Tiningnan ko siya at 'yung mga niluto niya. Umupo na siya kaya umupo na rin ako para kumain.

Habang kumakain kami, napatayo siya at pumunta sa kwarto. Kukunin niya siguro 'don ang baon ko.

Napatingin naman ako sa orasan at nakita kong 7:12 na.

"Baon mo~" rinig kong sabi ni mama at inabot 'yung baong pera ko.

Tiningnan ko lang siya at kinuha 'yon.

Nang maubos ko na 'yung kinakain ko ay tumayo na ako at binitbit na 'yung bag ko.

"Ingat ha!" pagpapaalala niya.

Tumingin lang ako sa kanya ng whatever-who-cares.

Hanggang sa naalala ko ang sabi kahapon ni Ma'am Marquez.

Natigilan tuloy ako nang akma ko nang hahawakan ang doorknob namin.

Nilingon ko siya at nakitang nagliligpit ang pinagkainan namin.

"Thanks... mama," sabi ko sabay bukas at sara agad ng pinto.

Patakbo akong pumunta sa sakayan ng jeep para makapasok na.

Narinig kaya niya?

Nang may dumating na jeep ay agad akong sumakay. Panay tingin pa nga ako sa orasan kasi ngayon 'yung flag ceremony ng level namin.

Pagkadating ko naman sa school, dali-dali akong bumaba pero may pagka-dahan-dahan pa rin at nadulas nga ako kanina. Masakit pa rin kasi 'yon!

"Totoo?! Pumasok si Gosu?!" rinig kong usap-usapan sa may labas pa lang ng school.

"Sumali siya sa flag ceremony!" sabi pa nung isa. "Sayang, late ako!"

"Hindi pa kaya tapos! Nandoon pa si Gosu!" balita nung isa habang naririnig ko 'yung school hymn na tumutugtog.

Papalapit pa lang ako sa kung saan ginaganap ang aming weekly flag ceremony ay dinig ko na ang tili ng mga estudyante. Mostly mga babae.

Nang makarating pa ko 'don ay lalo akong nalula sa dami ng tao. Parang naghalo-halo na nga sila dito eh; kahit level lang namin dapat 'yung mag fla-flag ceremony ngayon.

Pero ayos na rin 'yon kasi hindi siguro pansin na late at wala ako nung flag ceremony. Pag hindi umattend o late kasi, ina-assign mag exercise sa sunod na linggo. Nakakahiya kaya 'yon.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now