Chapter 5

9.8K 243 16
                                    

Part 1.

Charice POV

"Tara sa Cavite! May sale ng make-up!" yaya ni Bianca sa'kin out-of-the-blue.

Tiningnan ko lang siya at nagpatuloy sa paghahanap ng mapapatugtog na K-Pop sa Youtube.

Don't measure me by your standards alone
I love being myself, I'm nobody else
DDA-DDA-LA-DDA-LA-DDA-LA
(ITZY - Dalla Dalla [English Trans.])

2 days nga palang walang pasok dahil may bagyo kaya tambay muna kami sa bahay. Pero kahit may bagyo at inannounce na walang pasok kanina, hindi naman umuulan sa amin kaya parang naging holiday lang siya.

At dahil walang pasok nitong nakaraan araw, I was able to assess myself and my feelings.

Na-realize ko tuloy na dahil lumaki ako na walang masyadong kaibigan, at sanay si Bianca sa ugali ko, wala tuloy nakakapagsabi sa'kin ng masasamang bagay.

I was not used to it since gusto ko lowkey lang ako, away from people's eyes and judgement.

So nung nakarinig ako ng mga ganun, aaminin kong sinabi ko sa sarili ko na I really don't care whether people will like me or not.

Nung napag-isip isip ko naman 'yung sinabi ni Bianca, doon ko lang nasabi na I'm affected and it was too evident that I do care about their opinion after all.

Pero na-realize ko rin na kilala ko ang sarili ko.

I don't fully love myself yet pero— hindi ko naman hahayaang I'll hate myself just because they say I'm not pretty in their eyes nor am not up to their standards.

And I don't want to set myself to the standards of others.

Dahil para sa'kin, lahat ng tao may kanya-kanyang standards at sa tingin ko, hindi man ako ka-ganda sa iba, mas importante pa rin na maganda ako sa paningin ko.

I'm pretty.

At akala ko lang hindi, kasi nakarinig ako ng opinyon ng iba.

At kesa mag mukmok ako at mag overthink masyado sa mga narinig ko, mas gusto ko na lang i-embrace ang katunayang nag e-exist ang mga nararamdaman ko at ang maramdaman ang mga 'yon— ay okay lang.

To be honest, ngayon ko lang nasabi na I love myself more than I ever thought.

"You're such a homebody!" rinig kong sabi ni Bianca. "Ni hindi mo man lang ako masamahang magliwaliw para makalimot!"

Pinatigil ko naman 'yung pinatutugtog ko at tumingin sa kanya, "Ano?"

"Wala!" sagot niya.

"Ano nga?" sabi ko ng seryoso.

Hindi naman siya sumagot kaya nagpatugtog na lang ako ng kanta ng TWICE na Cheer Up.

"Nakakarelate ka ba d'yan?" natatawang tanong ni Bianca. "Kanta mo ata 'yan for Gosu eh."

"Ha?" tanong ko.

"Wala!" sabi na naman niya. "Bingi ka kako!"

Tumingin na lang ulit ako sa screen ng laptop ko at inadjust ang volume ng speakers sa 20%. Itinuloy ko rin 'yung pinatutugtog ko.

Mamaya pa ay narinig ko na siyang nanunuod ng mga videos sa Youtube. Sa simula, puro beauty vlogs hanggang sa napansin kong nagpapatugtog na siya ng mga OPM songs na pang-senti.

"Wala akong fiancé? Si Ji ba ang tinutukoy mo?"

"Si Ji ba?" seryosong tanong ko habang nakatingin pa rin sa screen ng laptop ko.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now