1.5 [U]

11.4K 305 4
                                    

Part 5.

Charice POV

Habang nakatingin ako sa kawalan, napansin kong nakatingin pala yung teacher namin sa'kin.

"Mister?" sabi niya.

Akala ko lang pala 'yon kasi 'yung nasa likod ko pala ang tinitingnan niya.

Di na ko lumingon at baka kung ano pa ang mangyari.

Naramdaman ko na lang na gumalaw yung nasa likod ko.

"I am Jun Su Baek," maikli niyang sabi kaya nagbulungan ang mga kaklase ko.

"Your name here says your surname is Suhoon," puna naman ni Ma'am pero hindi siya nagsalita.

Narinig ko naman ulit yung usap-usapan nung mga kaklase ko.

"Member 'yan ng The Five Kings 'di ba?"

The Five Kings?

Ba't ang korni naman? Five kings his face.

Tumingin naman ako sa likod. Tiningnan ko lang kung san nanggaling yung usap-usapan. Humarap na lang din ako sa unahan dahil feeling ko nakiki-chika ako kahit hindi naman talaga.

Naramdaman ko naman mula sa likod na umupo na yung Jun Su. Ni hindi ko nga narinig yung dugtong niya; kung meron man.

Mamaya, narinig ko na yung tilian. Nakitili rin naman si Bianca kaya napatingin ako sa kanya.

"Yung wafu!" sabi pa niya.

Tumingin ako sa tinitingnan nilang lahat.

Gwapo? Yan? Parang feeling famous lang naman.

Pero teka, akala ko ba sa may unahan siya umupo? Bakit tumabi siya dun sa lalaking 'yon?

Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Just call me Jaeki," sabi niya at ngumiti. "The 3rd King," tuloy niya na may pag kindat pa.

Hindi ko tuloy napigilang mapa-roll ng mata.

3rd King? Anong ka-jeje-han 'yan?

Kinalabit ko si Bianca na tinging tingin dun sa 3rd King. Tumingin naman siya sa'kin.

"So anong meron sa The Five Kings na 'yan?" tanong ko kaya nanlaki yung mata niya.

"OMG! HINDI MO BA ALAM YUN?!" sabi niya este sigaw. SIGAW TALAGA HA?

Biglang nagtinginan yung mga kaklase namin.

Nakita ko na nabigla rin si Bianca dahil napasigaw siya. Siya kasi eh; OA talaga niya kahit kelan!

Tumingin si Bianca kay Ma'am at ngumiti. Yung ngiting sorry-po-di-ko-po-sinasadya-hehe!

"Kinwento ko na sa'yo dati 'yun ah!" bulong pa niya sa'kin at humarap ulit sa unahan.

Biglang tumango yung teacher namin at tumingin ulit kay Ja... sino nga ulit 'yon?

Mamaya pa ay tumingin sa'kin si Bianca at lumapit sa tenga ko.

"Mamayang recess... Ikwekwento ko sa'yo ang The Five Kings!" tuloy niya na mukhang excited. "All this time, akala ko kasi alam mo 'yon. Lagi ko kayang kinukwento! Hindi ka kasi nakikinig!"

Ano kaya yun? Na-curious tuloy ako dahil sa reaksyon ni Bianca.

Napatingin tuloy ako dun sa Ja-something.

Napansin ko tuloy na nakatingin siya sa'kin ng masama. Yung tinging seriously,-di-mo-kami-kilala?

Wao, artista ba kayo?

Nakita ko namang bumulong 'yung Jun Su dun sa Ja-whatever habang nakatingin sa'kin.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now