2.8 [G]

9.4K 274 4
                                    

Part 8.

Charice POV

???

Napatingin agad ako sa paligid nang magising ako.

Na-kidnap nga ba ako? Kukunin ba nila ang lamang loob ko???

Pero ba't wala naman atang tao dito? Ang dilim na pati. Pero kidnap ba talaga 'to? Eh... ba't wala namang tali ang kamay ko???

Tiningnan ko naman ang orasan at nalaman kong 6:20 PM na.

Pano kaya si mama? Baka magtanong 'yun kay Bianca kung bakit wala pa ako?

Naglakad-lakad na lang ako sa buong building at nakakita naman ako ng kadarating lang na lalaki.

Iz dat Jaeki?

Nakita niya naman ako saka dinala sa labas ng building.

"San ba 'to?" tanong ko.

"Wag ka nang magtanong. Sakay ka na lang," sabi naman niya sabay abot ng helmet. "Ops, h'wag mong ibabato sa paa ko 'to. Bago 'yung sapatos ko."

Sinuot ko na lang 'yung helmet kesa magsalita. Sumakay na rin ako sa motor niya.

Pinaandar niya naman 'yun ng mabilis.

"Hindi ka kakapit?" tanong niya.

Hindi ako nagsalita.

"Hindi ka ba natatakot?"

"San?" tanong ko.

"Dahil ang bilis ng takbo ko?"

Hindi na lang ako nagsalita.

Mabilis ba? Eto na ba 'yung mabilis para sa kanya?

"Mukhang sanay na sanay ka magmotor ah," sabi niya kaya napakapit na lang ako.

Maya-maya naman ay dumating na kami sa isang mansion.

"Andito na tayo," sabi ni Jaeki, "Wag mo muna alisin ang helmet mo."

Ganon? Sasayaw na ba ako ng Bar Bar Bar ng Crayon Pop?

"Jaeki!" bati nung Yoon Jae.

"Sino yan? Bagong babae mo?" tanong ni Ji habang nag iinat na halatang kakatapos lang manuod ng TV sa loob.

"Nah," sagot ni Jaeki habang inaalis yung susi sa motor niya. "Magpapayaman lang sa'kin."

"Huuuh?" nagtatakang tanong ni Ji.

"Who's that?" rinig kong sabi ni... Gosu?

Tumingin sa'kin si Jaeki at pinaalis yung helmet na suot ko. Sinunod ko na lang siya kesa magtanong.

Natahimik naman sila.

"Nasan ba ko?" tanong ko.

"Nasa bahay ni Daryl," sagot ni Jaeki kaya napatingin ako kay Gosu from his face... at down there.

What is he wearing? Is he wearing... a yellow shorts with a duck pattern?! PWAHAHAHAHAH!

"Ba't mo pinapunta 'yan dito?" tanong ni Ji kay Jaeki.

"This is my mom's choice," rinig kong mahinang sabi ni Gosu pero natabunan ng kaingayan ni Ji.

"I'm presenting the real first love," sabi ni Jaeki. "So 5% is mine. I'm a stockholder now."

"Woy, ako nauna naka-discover d'yan. Tig 2.5% tayo," singit ni Jun Su.

Ha?

"Hindi mo naman nadala dito kaya akin ang buong 5%," sagot naman ni Jaeki. "Tinakot mo kase."

Nagkainitan sila ng ulo hanggang sa nagkasundo sila na 3.5% si Jaeki at 1.5% si JunSu.

Ano ba 'yung % na sinasabi nila?

"So, anong kailangan niyo?" singit ko matapos nilang magkasundo.

Natawa naman si Ji, "Hindi niyo pa nga sigurado, pinagkakaguluhan niyo na 'yung percent."

"Inggit ka lang kasi wala kang stocks," nang-aasar na sabi ni Jaeki sabay tingin sa'kin. "Well, may itatanong lang sana kami."

"Ako na nga muna ang mag sisimula, wala pa kong nasasabi," agad na sabi ni Yoon Jae.

"Eh parang ikaw din naman ang hindi masyadong kilala sa'tin," pang-aasar pa ni Jaeki kaya pinakitaan siya ng middle finger ni YoonJae.

Tumingin naman siya sa'kin nang alisin na niya 'yung middle finger.

"So, ikaw ba si... Charice?" tanong niya.

Seryoso ba yan?

"Urur, syempre Charice name niyan kaya nga nandito eh," asar na sabi ni Ji. "Kaya ka hindi binibigyan ng line eh. Ako na nga lang magtatanong!"

Bago pa siya nakapagtanong ay naglabanan pa muna sila ng middle finger.

Nang matapos ay lumapit si Ji sa'kin.

"Hmmm," panimula niya at nag-isip isip. "Kilala mo ba si Daryl Seuk? Si Gosu? First King?"

Yung totoo?

"Sino bang hindi makakakilala kay First," sagot naman ni Jun Su.

"Siya," nakatitig na sabi ni Gosu sa'kin. "Hindi niya ko kilala."

Nagtawanan naman sila kaya kinuha ni Gosu ang isang remote control at binuksan 'yung 219-inch TV niya na nagpakita ng picture na middle finger.

At for you to have an idea of how big that TV is it's about 18 ft.

Anyway, para silang mga pre-schooler.

Pinatay din niya agad 'yung TV habang ngingisi-ngisi't natalo niya 'yung apat sa labanan ng middle finger.

"Ang hirap kasi," sabi naman ni Yoon Jae. "We can't directly ask her about it. Nasa manual 'yun di ba?"

"Pwede naman basta tayo tayo lang," sabi naman ni Ji.

"Ako na lang magtanong," seryosong sabi naman ni Gosu.

Tinitigan niya naman ako. Umubo naman siya ng konti at tumingin sa ibang lugar na parang nag iisip kung anong itatanong.

Sana naman totoo na 'yung itatanong niya.

"Are you a gangster? With the code name: Ice Princess?" tanong niya kaya napatitig ako sa kanya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon