4.5 [I]

8.9K 262 47
                                    

Part 5.

Charice POV

Problem 1. A moving point P remains always equidistant from P (-1, 0) and P sub 2 (0, -2). Express this fact by an Algebraic Equation.

Napatingin lang ako sa white board. Tiningnan ko naman 'yung Problem 2.

What is the locus of the point equidistant from (0,0) and (4, -2)?

Wait, dahan-dahan lang. Hindi ko maintindihan kung ano 'yung hahanapin.

Tiningnan ko si Bianca. Nagsusulat siya tapos kinuha na niya yung protractor niya para mag draw siguro ng figure. Pinagmasdan ko lang din 'yung mga kaklase ko. Lahat sila nakatungo at nagsasagot!


Daryl's POV

"Anong nginingiti mo d'yan, First?" tanong ni Yoon Jae.

"Mukha kang gagu d'yan 'tol," singit naman ni Jun Su.

Mga panira ng araw mga 'to. Ngayon na nga lang ako makakapagpahinga!

Pero nagtext kasi siya sa'kin ng crying emoji. Sabi din niya nahirapan siya kanina sa quiz.

"Balita ko tinuruan mo si Charice kanina sa library ah," sabi ni Jaeki.

Ang bilis talaga nitong sumagap ng balita.

Ayan tuloy, natandaan ko na naman. Napapangiti na naman tuloy ako.

Pano ba naman? Close na kami!

Panong close? Lista ko ha?

Nagpaturo siya sa'kin, nakuha ko rin number niya, narinig ko boses niya sa phone tapos pumayag siyang tawagin ko siyang anae. Hindi ko pa pala nasasabi, sabay kaming pumasok kanina ng school. Naglakad din kami kanina together. Baka mamaya niyan, kami na poreber! Heheeeheeeee!

Hindi ko talagang mapigilang hindi mapangiti. Naturuan ko rin siya kanina sa library! Parang dati-rati, pangarap ko lang na makausap siya eh!

"Alam ba niyang mas magiging busy ka once mag take-over ka na sa company niyo?" singit naman ni Yoon Jae. "Baka mag expect 'yan na lagi kang may time sa kanya."

"Ano ka ba," sabi ni Jaeki. "Ni hindi pa nga sila eh."

Napatawa naman si Jun Su. Sinamaan ko na lang ng tingin.


Jaeki's POV

"Excuse me! Si Pamsy po nahimatay!" rinig kong sabi ng di ko kilalang babae sa labas ng aming tambayan.

"Sinong Pamsy?" tanong ni Yoon Jae.

"Ah," sabi ni Ji sabay tayo at nilapitan 'yung babae. "Na'san siya ngayon?"

Lahat kami ay napatingin kay Ji.

"Classroom po," sagot nung babae.

"Kilala mo, Ji?" tanong ko.

"Fiancé," maikling sagot niya.

What? Seryoso? Akala ko ba wala ng ganyan-ganyan?!

"Seryoso?" tanong ni Yoon Jae.

"Since when?" tanong ni Daryl.

Hindi naman siya sinagot ni Ji.

"Where are you going?" tanong na naman ni Daryl.

"Class B. Sasama ka ba?"

"Why would I—"

"Kina Charice," dagdag pa ni Ji.

Nakita ko naman ang mabilisang pagtayo sa kinauupuan ni Daryl. Natawa tuloy ako.

He looks so cool before. Now, he looks so dumb.


Charice POV

Psh. Boring. May nahimatay sa'min and Pamsy daw ang name. Hindi ko naman nakakausap 'yun kaya hindi ko siya kilala.

Pinagtataka ko lang eh imbes na dalhin na lang nila sa clinic, pinagkakaguluhan lang nila.

"And'yan sina Ji at Gosu!" rinig kong sabi ng isa kong kaklase.

Sila? Kilala nila 'yung Pamsy?

"What happened?" tanong agad ni Ji.

"Nahimatay po bigla," sagot nung kaklase ko.

Nahimatay siguro sa quiz kanina.

Tiningnan muna ni Ji si Pamsy saka niya ito binuhat. Napatingin tuloy ako kay Bianca. Tiningnan ko rin si Gosu na nakatingin kay Ji.

Wow, wala man lang pansinan?

Parang kanina lang, ka-text ko ah?


Jaeki's POV

Hindi pa nagtatagal ay bumalik si Daryl sa tambayan namin.

"Asan si Ji?" tanong ko.

"Clinic," maikli niyang sagot at umupo.

Natahimik lang siya 'dun sa kinauupuan niya.

Ano na naman kayang nangyari? Parang kanina lang, ngiting ngiti siya ah. Hindi niya siguro nakita si Charice.

Habang busy ako sa pagtingin ng invites, narinig kong napataldyak ng upuan si Daryl kaya napatingin ako sa kanya.

"What the hell did I do wrong?" tanong niya sa amin.

Napatingin lang kaming tatlo sa isa't isa.

"I didn't do something, right?" tanong niya pa.

Anong nangyari dito?

"May nangyari ba?" tanong ko na lang.

Para kasing paiyak na siya eh. Joke. Para lang kasi siyang nagsusumbong sa nanay niya kasi may hindi siya nakuha or something.

"Hindi niya ko binati kanina!" paghihimutok niya. "Ni hindi niya ko kinausap kanina!!!"

Natahimik na lang kami.

So if that's the case...

"Eh binati mo ba siya?" tanong ko. Hindi kasi ugali ni Daryl bumati eh.

"But I'm the one who went there?" sabi niya. "Hindi ba dapat siya ang unang babati?"

"Pero ikaw 'yung may gusto sa kanya," sabi ko naman.

"Ganun ba 'yun?" walang muwang na tanong niya.

Sabay-sabay tuloy kaming napa-face palm.

Natawa na lang kami ni Yoon Jae sa kanya. Buti naman at kumalma na siya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now