9.6 [C]

5.8K 159 5
                                    

Part 6.

Charice POV

Jun Su Baek, 18, found guilty in the recent murder inside the SK University.

According to the official reports from the police, the SK student admitted to killing the janitor after he was caught carrying illegal drugs near the storage room at around 3:30 PM on August 12. He was arrested on the same day at 7:18 PM after he attempted to kill his fellow student, P, who witnessed the incident. He was tested positive in the drug test and 500 grams of shabu were seized from him. The student was put into jail with charges of murder, attempted murder and possession of illegal drugs. On the other hand, the sole witness, P, was sent immediately for an emergency surgery after she was stabbed on her stomach. She is currently receiving treatment on the injury and on the psychological trauma she experienced from the incident.

Comments:

-   My friend was a former classmate of his! She said he's really scary! Turns out- he's a killer!
-   Di ba kasali siya sa sikat na grupo ng SK na TFK? Dapat ding ipatest lahat ng TheFcK!
-   Girl, see this! @Angelli What can you say?
-   I won't send my son to this school no matter what!
-   They should change the name to SP university: Shabu Pa University LOL
-   May pag claim pa sila na meron daw advanced security system ang SKU pero wala naman pala
-   Here goes the generalization geez

"Guys, na-move daw ang exam next week!" balita sa'min ng presidente sa group chat namin. "Required din daw tayong lahat magpa-urine drug test sa clinic this week. Our schedule: Wednesday 1:00-2:00 PM."

"Bakit tayo nadamay?" tanong ng isa kong kaklase.

"Tayong lahat talaga? Pwede bang 'yung mukhang adik lang hahaha"

"Hahaha. Tayong lahat daw," sagot naman ng president namin.

"Pwede bang sa Monday na lang ulit pumasok?" tanong nung isa kasi walang klase ngayon.

"Ice, sabihin mo naman kay Gosu na mag announce ng walang pasok hanggang Friday hahaha"

"Oo nga, mag date na lang kayo this week kamo hahahahaha"

May mga nagchat pa na kaklase ko pero hindi ko na binasa.

"Mga walanghiyang 'to," rinig ko namang komento ni Bianca habang nagcecellphone.

Inilagay ko naman ang cellphone ko sa may table at binuksan na lang ang laptop ko.

"Bukas na lang ba natin kukunin ang permit natin?" tanong pa niya.

"Next week na," sagot ko naman sa kanya.

"Na-move ba ang exam niyo, Cha?" singit naman ni mama na may dalang makakain sa kwarto.

"Opo tita," sagot naman ni Bianca. "Next week na lang daw po."

Tiningnan ko naman si Bianca na nagcecellphone pa rin.

"Ang daming naninira sa school natin," komento niya. "Mga hindi siguro ito nakapasa sa entrance exam."

"Kahit saan namang school may masasabi silang hindi maganda," sabi naman ni mama.

"Eh tita, isang beses lang naman pong may nangyaring gan'on eh," tugon naman ni Bianca. "Kailangan po ba nilang i-judge lahat kaming mga taga-SK? Kahit yung mga inosente?"

"Bakit? Ano bang nabasa mo?" tanong ni mama.

"Masasama daw po ang ugali naming mga taga-SK," sagot niya. "Saka, di ba po maraming hindi nakaka-graduate sa SK sa sobrang hirap? Sabi nung iba, ang nakaka-graduate lang daw po ay 'yung mga nagbabayad ng tuition. Pera-pera lang daw."

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now