9.5 [I]

5.9K 165 9
                                    

Part 5.

Bianca's POV

"Pamsy?!" rinig kong tawag nila nang mahimatay siya sa may harapan.

"Tawagin niyo si Ji dali!!!" sabi pa nila.

Napatingin naman ako kay Pamsy na tila balisang balisa at tila lumangoy sa pawis.

Tinulungan ko naman silang magpaypay sa kanya habang hinihintay dumating ang school nurse.

Wala pa namang 5 minutes ay dumating si Ji at agad na dinala si Pamsy sa ospital nang malamang mahina ang pulso niya at mababa ang blood pressure.

"Ayos lang kaya si Pamsy?" tanong ni Prances.

"She's going to be fine," sagot naman ni Kimberly. "Di ba last time nahimatay din siya?"

Nakita ko namang nakatingin sa'kin si Cha at nagsuot na ulit ng earphones nang makita niya akong nakatingin sa kanya.

As usual, she doesn't really care about people na hindi niya ka-close!

Bago naman maglabasan ay may nabalitaan kami kaya tumindig ang bawat balahibo ko sa katawan.

"May dumating na ngang mga forensic at pulis 'dun!" sabi pa nung nagbigay ng impormasyon sa'min.

"Paano namatay?" tanong ng iba.

"Sinaksak!" sagot nila kaya natakot ang mga kaklase namin.

"They reviewed the CCTV's at nakita nilang nakita ni Pamsy ang nangyari!"

"Iyon siguro ang dahilan kaya nahimatay siya?!"

"Sino daw ang pumatay?" tanong ko. "Estudyante ba?"

"Hindi pa nga nila alam pero hindi daw si Pamsy," sagot naman nila. "Saka naka school uniform daw!"

"Paanong hindi nila namukhaan kung namukhaan naman nila si Pamsy?"

"Parang alam daw nung lalaki kung nasaan ang mga CCTV's kaya nagawa niyang tumalikod sa lahat ng mga 'yun!"

Nakita ko naman si Cha na lumapit sa'kin, "Ano daw nangyari?"

"May namatay daw!" sagot ko. "Sinaksak!"

May nag announce naman sa speakers ng school na agad na daw kaming umuwi.

Nilapitan ko naman agad si Cha para may kasama ako sa pag-uwi.

"Why are you still here? Samahan mo si Pamsy sa hospital," rinig kong utos ni Jaeki kay Ji. "Isn't that your job as her fiancé?"

Nakita ko naman si Ji na napatingin sa'kin bago umalis.

Nagsimula na naman kaming maglakad pauwi ni Cha.

"Ayos lang kaya si Pamsy?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng school.

"Are you concerned?" tanong niya. "Do you want to visit her?"

Natahimik naman ako at naalala 'yung dali-daling pagbuhat sa kanya ni Ji para mailagay siya sa wheelchair. Nakita ko rin sa mukha niya ang pagka-alala niya sa kanya.

"Does it bother you?" tanong pa ni Cha.

"San naman ako bothered?" tanong ko at tinuro ang bilihan ng calamares. "Parang gusto ko 'non!"

Dali-dali naman akong pumunta doon at kumuha ng stick para hindi ako maubusan.

Nakita ko naman si Cha na sumunod sa akin.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon