8.7 [S] (2)

6.4K 189 1
                                    

Charice POV

Nang mailagay ko na ang wig ko, naglagay na rin ako ng contacts.

"9:20 PM na pala!" rinig kong sabi ni Bianca nang makalabas siya sa C.R.

Nagmadali na tuloy kami sa pag-aayos at sinigurong dala namin 'yung pass para makapasok kami.

Nakasuot nga pala si Bianca ng kulay copper blonde na wig at sea green na contact lens. Naka-black navy jacket siya with our badge at may black suspender strap sa katawan. Naka itim ding shorts at nag combat boots gaya ng akin

Ako naman, naka- long straight smoky gray wig and gray-colored contact lenses. Naka-black jacket with badge, gray fitted tank top at black high waisted shorts gaya ng sinusuot ko before. Sinuot ko rin 'yung favorite belt ko saka black cap.

I'm also wearing the Cartier bracelet since I can't remove it. Nawala na kasi sa isip ko na hingin 'yung screw kay Gosu eh. Buti na lang mahaba ang sleeves ng jacket kaya hindi masyadong nakikita. Baka kasi pag interesan ng iba eh.

"Lezz go!" excited na sabi ni Bianca.

Kinuha ko naman ang isang black surgical face mask sa bag ko at sinuot 'yon bago ako tuluyang sumakay sa motor niya.

Binilisan niya ang takbo kasi malapit ng mag 10 PM.

Nang makarating kami sa UB, hinanap namin agad ang officer ng District 4 at inabot sa kanya ang Pass.

Inabot naman niya sa'min ang isang document kung saan nakalagay ang mga bagong rules. Buti na lang iba na ang mga tao dito sa district na 'to.

"Just kindly sign the document to ensure that you understand the rules so you're expected not to cause any problems," turo naman niya sa'min.

At dahil gusto na ni Bianca makapanuod ng laban at 10 PM na, pinirmahan na lang namin agad 'yun.

Binasa ko na lang 'yun habang papunta kami sa Arena.

Nagsimula naman akong magbasa sa #8 kasi puro tungkol sa attendance 'yung mga naunang nakalagay.

8. A monthly match is conducted every 10th of the month. During this match, the high ranked gangster has the ability to make his opponent retire from UB while the lower ranked gangster can demand for points and a property if he wins.

9. Deadly weapons are allowed during a monthly match but is limited to knives and other pointed things only.

10. You will face imprisonment if you killed a gangster outside the Area.

11. It is allowed to kill a gangster if you are within the Area and the consequence of such action is a total reset of your overall accumulated statistics and points.

12. The Patrol and the onlookers are now both qualified to stand as a witness in a trial.

"Ice?" tawag sa'kin ni Bianca kasi natigilan ako sa paglalakad.

Napahinga ako ng malalim, "They now allow the onlookers to be a witness."

Napatigil siya, "Really? So you can now clear—"

"No, I still can't," sagot ko.

The trial is done and the case was already declared closed. That means— I'll be a criminal forever in their eyes.

Naglakad na lang ulit ako hanggang sa narinig ko ang mga hiyawan ng mga tao na nasa Arena 5.

"Nagstart na siguro," sabi ni Bianca nang makatingin sa relo niya. "10:15 PM na eh."

Pumasok naman kami sa Arena 5 at sobrang daming nanunuod. Pumwesto na lang tuloy kami sa pinakalikod.

Hindi naman kami napansin ng mga tao dun kasi lahat sila focus na focus sa panunuod.

"GET UP, GET UP! GET UP!" sigaw nung mga nanunuod. "WEAK$HIT!"

Hindi ko makita ang pinaka-stage kaya pasilip-silip lang ako ng konti habang binababa ko ang cap ko para di ako makilala. Buti natatakpan ng wig ko 'yung badge ng gang namin na nasa jacket ko.

Nakita ko namang ang daming nakahawak sa may chain-like fence na andoon. Yon kasi 'yung nagsilbing bakod sa stage ng mga onlookers.

"KILL! KILL!!!" rinig kong sigaw pa nung ibang mga gangsters.

Napamulsa naman ako sa jacket ko hanggang sa may nakapa akong parang matigas na bagay.

Kinuha ko tuloy 'yon at nakita ang I.D. ni Gosu.

Dito ko pala nailagay ang I.D. niya?

"That's why you don't challenge those in high ranks," rinig kong sabi naman nung isang malapit sa'kin kaya naitago ko ulit 'yung I.D. sa bulsa.

"Why? Ano bang dinemand ni Endou para magalit siya ng ganon?"

Endou?

He's here???

"Sabi nila inatake daw ni Endou ang girlfriend niya and Endou demanded to give him his girlfriend."

That molester?! He's eyeing into other girlfriends as well?! How dare he?

"Am I the only one who's hoping for First King to actually kim him?"

First King?

Napatingin tuloy ulit ako sa stage. Meron ding screen na nag tetelecast ng nangyayari para sa mga hindi makakita.

At nakita ko si Gosu 'dun!!!

Siya at si Endou ang magkalaban ngayon?!

"But if he will kill him, he might be removed from the area," sabi nung isa. "Doesn't a gangster with 0 statistics will mean he needs to retire as well?"

Napabasa tuloy ulit ako sa bagong rule.

8. A monthly match is conducted every 10th of the month. During this match, the high ranked gangster has the ability to make his opponent retire from UB while the lower ranked gangster can demand for points or a property if he wins.

11. It is allowed to kill a gangster if you are within the Area and the consequence of such action is a total reset of your overall accumulated statistics and points.

Napatingin naman ako sa isang dako at nakita ko 'yung lugar kung saan nakaupo 'yung naka-assigned na Patrol ng match.

At nakita ko siya— 'yung Patrol 'din na andodoon sa match namin ni AFH na nangyari 3 years ago.

Parang bumalik tuloy sa alaala ko ang mga nangyari.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now