8.5 [F]

6.6K 213 13
                                    

Part 5.

Charice POV

"Namiss mo ko?" tanong ko tutal 'yun din ang parati niyang tinatanong sa'kin pag hinahanap ko siya.

Tumango tango naman siya habang nakayakap pa rin sa'kin.

"Sorry," seryoso niyang sabi na parang nangangatal. "Don't leave me."

Don't leave him?

Napakagat tuloy ako ng labi ko, "Ba't ko naman gagawin 'yun?"

Naramdaman ko naman ang paghigpit pa lalo ng yakap niya sa'kin.

Nang alisin na niya 'yun, nakita kong may dali-dali siyang inalis sa mga mata niya.

"Umiyak ka ba?" tanong ko.

Napasinghot siya, "Hindi ah."

"Sus, umiyak ka eh," sabi ko naman kaya hinawakan na niya ang kamay ko para magsimula nang lumakad.

"Hindi nga," sabi naman niya at suminghot ulit.

Tahimik naman kaming naglalakad palabas ng mall.

Mga 3 PM kasi ang laro ni Bianca ng volleyball. Kasama sila sa finals kaya gusto kong andun man lang ako tutal hindi ako nakapanuod nung semi nila.

Napatingin naman ako kay Gosu na tahimik pa rin.

"Sorry din," sabi ko kaya napatingin 'yung mata niya sa'kin.

Napahinga ako ng malalim, "Kasi nag overreact ako kanina."

Napapisil siya sa kamay ko, "Hindi, ako naman 'yung may mali eh; pinilit kita sa gusto ko."

"Hindi, hindi mo naman ako pinagbayad eh," sabi ko. "Kaso kasalanan ko na nakapag isip ako ng hindi maganda tungkol sa'yo. Ang babaw ko 'no?"

Tiningnan niya naman ako at tumigil siya sa paglalalakad. Napatigil din tuloy ako.

"Kasalanan ko naman kung bakit ka nag react nang ganun eh," sabi naman niya.

Hindi naman ako nakaimik.

"Binili ko 'yan kasi akala ko matutuwa ka," sabi pa niya. "Hindi mo ba gusto? Hindi ko naman ipipilit sa'yo kung ayaw mo eh."

"Gusto ko," sagot ko at tiningnan siya. "Alam ko rin kung bakit mo binili."

Pero... Sasabihin ko din ba?

"Ano pang gusto mong sabihin?" tanong niya kasi nahalata niya atang may gusto pa kong sabihin. Natahimik kasi ako ng matagal.

Tinitigan ko tuloy siya, "Para lang kasing— pakiramdam ko..."

"Na?" tanong niya kasi hindi ko masabi.

"Parang... nakatali ako," sabi ko at napatungo. "Parang alagang aso, na pinangalanan ng amo."

Natigilan siya at napaisip, "Iniisip mo bang binili ko 'yan para lang masabing akin ka?" tanong niya.

Tumahimik tuloy ako.

"Mas gusto mo ba ng low-key?"

"Gusto ko ng sakto lang," sagot ko. "Ayoko ng parang may kailangang ipakita sa iba para lang masabing tayo."

Nakatingin lang siya at nakita kong tumango.

"Salamat sa pagsabi ng nararamdaman mo," sabi naman niya. "At least alam ko nang may ginagawa akong hindi ka komportable."

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon