10.9 [L]

5.2K 154 5
                                    

Part 9.

Charice POV

"98% na ang O2 sat niya, doc," banggit nung nursing assistant matapos niyang lagyan ng pulse oximeter ang daliri ni Bianca.

Tiningnan ko naman ang doctor at tiningnan si Bianca.

"Bumubuti na ang kondisyon ng pasyente," sabi naman nung doctor at tiningnan ako.

"Pero kailangan pa rin natin siyang i-monitor sa possible risk for self-harm," dagdag pa niya. "H'wag natin hahayaang mawalan ng bantay ang pasyente."

Tumango-tango ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Bianca.

Lumabas na naman sila.

Tiningnan ko naman si Bianca na kasalukuyang natutulog.

"This month daw ang target na deployment sa'kin."

Napahinga ulit ako ng malalim.

I don't have my phone with me.

Paano ko sasabihin kay mama kung saan ako pumunta?

Saka paano ko sasabihin sa kanya na dito muna ako sa hospital?

Kung makikita ko kasi siya, baka maaalala kong malapit na siyang umalis.

Ang alam ko kasi, tumigil si mama sa pagtratrabaho simula nung pinanganak niya ako.

Sinabihan din naman siya ni papa na h'wag magtrabaho tutal malaki ang kanyang naipon nung gangster pa siya dati.

Pero hindi ko naisip na mauubos agad ang lahat ng 'yon.

Kung sabagay, sinubukan din ni mama magsimula at mag invest sa mga business pero hindi niya siguro swerte 'yon.

I should just accept it, right?

Pero...

Why did she consider doing this?

How did she even think of doing this to me?

Bakit hindi man lang niya naisip na magtrabaho na lang sa Pilipinas?

Yung trabahong magkasama pa rin kami; yung nasa tabi ko pa rin siya, at yung lagi ko pa rin siyang makikita?

Bakit?

Bakit sa Dubai pa, mama?

Walang ba talagang ibang trabaho na nasa tabi pa rin kita? Walang bang iba na maiisip kong hindi mo ko iniwan?

Pwede naman akong magtransfer sa murang school ah. Okay lang din kung tumigil muna ako.

Kaya bakit?

Alam mo naman ikaw na lang ang meron ako!

"Cha?" rinig kong tawag ni Bianca kaya pinahid ko agad ang luha ko. "Umiiyak ka ba?"

"Gutom ka na?" tanong ko na lang at tumalikod sa kanya para kumuha ng makakain.

Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang damit ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya pa.

Mabagal ang pananalita niya kaya napahinga ako ng malalim bago lumingon sa kanya.

Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan, Bianca?

"Ayos lang ako," sagot ko.

"Pero bakit parang malungkot ka?" tanong niya pa.

I have told her before that if she starts to admit the existence of her feelings... It'll hurt less.

In short, you have to acknowledge it... to overcome it.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now