6.8 [O]

7.2K 235 12
                                    

Part 8.

Charice POV

<NOW PLAYING: Red Velvet - Better Than Any Star>

"Tagaaaaaal!" reklamo ni Chan Hee.

"Saglit," sabi naman ni Gosu habang todo busy sa pag-ge-gel.

Oo, sa harapan ko pa talaga nag gel.

"Anae!" tawag niya kaya tiningnan ko siya. "Gwapo na ba si nampyeon?"

Tinitigan ko lang siya.

Inaantay niya naman 'yung sagot ko.

"Para kang na-kuryente," komento ko.

"Ganun," sabi niya at tiningnan ulit 'yung buhok niya sa salamin.

Inayos niya ito ulit.

Ugh! Ang tagal! Gutom na din ako!

"Anae, eto?" tawag niya ulit matapos ang dalawa sigurong minuto.

Tinitigan ko ulit siya, "Wala namang pinagbago."

"Ganun," sabi niya ulit at tumingin ulit sa salamin.

Napahalukipkip na tuloy si Chan Hee kakaantay.

By the way, lalabas kami ng school ngayon. Nagpaalam na rin kami sa admin ng school. Ang bilis lang na  in-approve-an. Lakas nung kasama ko eh.

Gutom na raw kasi si Chan Hee kaya kamai lalabas. Pag tinatanong kasi namin siya kung anong gusto niya, wala siyang tinuturo sa cafeteria. Ayaw daw niya ng mga andoon.

"Wifey, ayos na?" tanong niya ulit.

Mukhang mas maayos na naman 'yung buhok niya kesa kanina kaya humalikipkip na din ako, "Tara na kasi, gutom na ko."

Nanlaki naman ang mata niya at dali-dali akong nilapitan.

"Gutom ka na wifey? Ba't di mo sinabi sa'kin?" tanong niya pa.

"Si Chan Hee nga gutom na eh. Ako pa kaya?" sagot ko.

Binuhat naman niya si Chan Hee kasi nagpapabuhat.

Kinuha naman niya ang kamay ko at hinawakan 'yun habang papalabas kami ng school.

Uh...

"San tayo?" tanong niya na ngiting-ngiti na parang asu.

"Dun na lang," sabi ko sa unang kainan na nakita ko.

Ayoko rin kasing magpaka-layo pa. Gutom na gutom na talaga ako eh.

"Sige," ngitngi-ngiti niya namang sabi.

Kampante na sana ako kaso lumiko pa siya sa dapat naming pupuntahan.

"Oh? Pa-saan ka?" tanong ko kasi pumasok siya sa mga damitan.

Bingi ba siya? O duling? Sabi ko gutom na ko eh! Ba't sa damitan kami pupunta???

"Palit tayo damit," sagot niya. "Ayoko na naka-uniform tayo sa family date natin."

Napa- "Ganun," na lang ako sa sinabi niya.

Family date pala ha?

Pagpasok namin ay nag pa-assist siya 'dun sa anim na saleslady para siguro mabilis makahanap ng damit. Ako naman, sinusuot ko lang ang sinasabi nilang isuot ko.

"Pangit mommy! Neks!" sabi ni Chan Hee kada-labas ko.

Pang walo ko na atang balik 'yun sa dressing room. Ang liit liit na bata pero napaka choosy!

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now