11.3 [C]

5.1K 137 12
                                    

Part 3.

Charice POV

"Salamat ineng."

Nginitian ko lang ng konti ang mama ni Bianca.

Nakita ko ring ngumiti sa'kin si Bianca at pumasok na ulit sa bahay nila.

Kanina lang hapon dinischarge si Bianca at nakauwi na.

Pinagmasdan ko lang siya habang tinutulungan siya sa pagbubuhat ng mga dala nilang gamit nung papakasalan ng mama niya.

Sinabi sa'kin ni Bianca na i-popostpone muna daw ang kasal nung mama niya. Hinayaan ng mama niya na kilalanin muna daw niya ito at 'yung mga anak nito.

Kaya pinapunta ng mama niya ang mga ito sa bahay nila.

Nakita ko na naman 'yung bracelet na suot ko kaya tiningnan ko ulit ang text ni Gosu sa'kin.

"Ok, I understand :)"

Really?

Naiintindihan mo ba talaga?

"Pwede mo ba alisin 'tong bracelet sa'kin? Nakakaabala kasi siya sa pagsusulat," text ko sa kanya at sinend 'yon.

Umuwi na rin ako sa bahay dahil ayoko namang makigulo pa sa pag-aadjust ni Bianca na kasama sila. Ayoko ring hintayin 'yung reply ni Gosu.

Nakita ko naman si mama sa may sala na nag-aayos ng maleta niya.

Ba't nag-aayos na agad siya?

"Cha," tawag niya sa'kin nung makita niya ako.

Hindi ko naman siya pinansin at nagdiretso na lang sa kwarto ko.

"Sabihin mo sa'kin agad kung may problema ka d'yan," text ko naman kay Bianca.

"Mabait naman sila so far," reply naman niya sa'kin at nagsend pa ng groufie kasama sila.

Siguro nasa 5-6 years old pa ata 'yung magiging kapatid niya.

"Puntahan ulit kita bukas d'yan."

"Hahaha okay! Thank you for always being there. Na-aappreciate ko :) Iyak na ko dahil mo huhuhu," reply niya.

"Luka," reply ko at nilagyan ng naka-irap na emoji.

Nagreply naman siya ng tumatawang emoji.

Binuksan ko naman ang laptop ko para manuod na lang ng K-drama. Mag 6 PM pa naman eh.

Umilaw naman 'yung phone ko kaya tiningnan ko 'yun.

"Ok, I'll send the screw over," kita kong reply sa'kin ni Gosu.

Tumingin na lang ulit ako sa laptop ko at nagtingin ng mapapanuod.

He didn't even dare to give it to me in personal.


Daryl's POV

"Sir? Mr. Kang?" rinig kong tawag sa'kin ng assistant ko kaya tinago ko agad sa bulsa ang phone ko.

"Yes?" tanong ko agad at tumayo. "Did he accept?"

"Mr. Kim rejected your appointment," balita niya sa'kin kaya hindi ko napigilang mayamot.

"But just now, Mr. Tan reached our company as he is interested to the project," dagdag niya kaya napakunot ang noo ko.

"Mr. Tan?" tanong ko.

"Yes Sir," sabi niya at may pinakitang document. "He's the CEO of a gaming company in China and he's willing to invest so we can enter the Chinese market."

"In China?" tanong ko at binasa ang binigay sa'kin na document.

"He wants to meet you as soon as possible, Sir," sabi pa niya.

"Kindly provide me his and his company's information and tell him that I'll meet him," sagot ko at nilagay ang document na binigay niya sa'kin sa table. "Schedule the date and time for the meeting."

"Yes, Sir," sagot niya agad bago ako makalabas ng office ko.

"Sir, your presentation with the Board is scheduled today at 7 PM," bungad naman ng secretary ko pagkalabas ko.

"What time is it?" tanong ko habang naglalakad patungo sa conference room.

"You have exactly 30 minutes before the presentation, Sir," sagot niya kaya nagmadali akong maglakad.

"And Sir," rinig kong tawag niya kaya tiningnan ko siya. "At 10 PM, you have a meeting with the executives about the company's stocks."

"That's my last schedule for today?" tanong ko habang hinahanda ang gagamitin ko sa presentation mamaya.

"I might as well remind you about tomorrow's business meeting in Korea."

"I know about that," sabi ko kaya umalis na siya.

Nakita kong nagsisidatingan na ang mga board members kaya uminom muna ako ng tubig.

"Let's break up. Na-realize ko kasing hindi pala talaga kita mahal."

Nakita kong dumating si appa at umupo ito sa gitnang pwesto kung saan umuupo talaga ang chairman.

Maya-maya din ay nagsimula na akong mag present.

I have to do well.

Napatingin naman ako kay appa na kasalukuyang nakakunot ang noo habang nagsasalita ako.

"Deep in your heart, you want to give back to them, right?"

Yes, that is my goal.

I have to give back to them.

I have to keep my father's company afloat.

I should prioritize my career first so I can marry her in the future without a problem.

She'll understand, right?

Pagtingin ko ulit kay appa, nakita kong mas nakakunot ang noo niya na mukhang galit.

"Mr. Daryl Kang," tawag sa'kin ng isang board member. "Are you okay?"

<NOW PLAYING: Sondia - Adult>

Nakaramdam naman ako ng mga tila pagpatak ng tubig mula sa pisngi ko kaya napatingin ako sa damit ko.

"Can you continue?" tanong nila. "Or do we have to hold this meeting in the meantime?"

Napatingin ako kay appa.

"No, he will continue," rinig kong sabi niya at tumingin sa'kin na parang nagtatanong if I'm in my right mind to even dare to screw this up.

Kinuha ko agad ang panyo sa bulsa ko para punasan ang mga mata ko.

Right.

Naniniwala nga pala siyang sign ng weakness pag umiiyak ang isang lalaki.

Huminga muna ako ng malalim at nagpatuloy na ulit sa presentation.

Kailangan kong gawin ang pinaka-best ko para marating 'yung goal ko.

I just have to believe that this break up have a purpose.

Kung magbrebreak kami, magkakaroon na ako ng oras para magawa ko in my best state 'yung goal ko.

Pero kung magbrereak kami, hindi ko siya makikita at maaaring tumagal ang pagod ko dahil siya lang ang tanging nakakapagpawala 'non.

Pero... hindi niya ba talaga ako mahal?

Bakit?

Ano bang ayaw niya sa'kin?

Dahil ba nawawalan na ko ng oras sa kanya?

Kung sabagay, nakita ko na rin naman na posibleng dumating dito sa point ang relasyon namin.

Wala akong magawa kundi tanggapin 'yon.

We're... over... and I have to keep going.

Wala na naman akong ibang magagawa eh.

I screwed up.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon