10.2 [I]

5.5K 150 3
                                    

Part 2.

Charice POV

"HAPPY BIRTHDAY CHA!" sabay-sabay nilang sabi habang may dala-dalang cake si Bianca.

"Wish!" ngiting-ngiting sabi ni Bianca kaya napapikit ako at humiling na sana magpatuloy lang ang masasayang araw na ganito.

Tuwang-tuwa naman sila nang ma-blow ko na 'yung kandila.

Inayos ko naman ang party hat na nilagay nila sa ulo ko nung makita kong magpipicture na sila.

Napatingin naman ako sa mga estudyanteng nasa cafeteria habang nag-iingay silang apat.

Sinamaan ko naman ng tingin si Bianca nang lagyan niya ang pisngi ko ng cream mula sa cake. Tawang-tawa pa nga siya nang gawin niya rin ito kina Prances at Layzzah.

Nagsimula naman silang magkagulo para makaganti sa isa't isa.

At dahil ayoko ng gulo, hinayaan ko na lang silang lagyan ako ng cream sa mukha.

"Happy Birthday anae," text naman ni Gosu sa'kin. "Miss na kita. Musta ang araw mo?"

"Nasa cafeteria kami. Dito gusto ni Bianca mag celebrate," reply ko at vinideohan ko pa sila para ma-send sa kanya.

"Mag selfie ka rin," reply naman niya kaya pasimple akong nagpicture para may mai-send sa kanya.

Nireplyan niya naman ako ng maraming tumatawang emoji kasi 'yung sinend kong selfie ay parang labag sa'kin. Hindi kasi ako nakangiti.

Nagsimula na rin naman kaming kumain nang mapagod sila sa paghahabulan.

May inabot naman silang lahat sa'kin na regalo nila.

"May gift kayo lahat?" tanong naman ni Bianca. "Pinag-iisipan ko pa kasi 'yung sa'kin, Cha!"

"Kahit wala," sabi ko naman at nagpatuloy sa pagkain.

"Hindi, meron ako," sabi niya. "Hindi ko nga lang alam kung kelan ko ibibigay sa'yo."

Hindi na lang ako umimik hanggang sa nag-usap-usap na sila ng mga kung anu-anong bagay.

"Si Cha!" rinig ko namang banggit ni Bianca kaya napatingin ako sa kanya. "Di ba may kilala kang effective na hypnotherapist?"

Napatingin naman ako sa kanila.

"Hypnotherapist?" tanong naman ni Prances. "Makakatulong ba 'yun sa PTSD?"

"Siguro?" sabi naman ni Bianca.

"Sabagay," sabi naman ni Layzzah. "Ang sabi kasi nila may binabanggit daw lagi si Pamsy na wala daw siyang narinig."

"Na ano?" tanong ni Bianca. "Na dealer si Jun Su ng drugs?"

"Ewan," sagot ni Layzzah. "Hindi nga daw siya makausap ng maayos eh."

"Baka pwede i-hypnotize siya kung ano 'yun para malaman," sabi ni Kimberly. "Or i-hypnotize na lang na h'wag nang matandaan kung may narinig nga o wala."

"Sana gumaling na si Pamsy para kasama natin siya grumaduate," sabi naman ni Angelli.

Nang matapos ang lunch ay sama-sama kaming bumalik ng room.

Napalingon pa nga ako kay Bianca bago ako makapasok sa room. May kakausapin lang daw kasi siya sa phone.


Bianca's POV

"Na'san ka, ma?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag.

"Nak, nasa divisoria kami," sagot naman niya. "Naghahanap kami ng pang souvenir."

"Itutuloy mo pa rin, ma?" tanong ko. "Ayoko sa kanya."

"Bianca," suway naman niya. "Hindi mo ba talaga kami mababasbasan?"

"Ma," mahinahon kong tawag. "Matanda ka na. Nakayanan mo ngang maging single mom sa'kin eh."

"Anak, hayaan mo na ako maging masaya," sabi naman niya.

Napakurap naman ako ng mata, "Paano naman ako, ma?"

"Paano din ako, nak?" tanong naman niya pabalik. "Buntis ako. Gusto kong magkaroon ng buong pamilya. Bakit ba ayaw mong bigyan siya ng chance?"

"Hindi siya si papa," sagot ko.

"Yung papa mo na naman ba?" tanong niya. "Yung papa mong mas piniling pakasalan ang iba kesa panagutan ako?"

"Ma... Mas gusto kong sustentuhan ako ng tunay kong ama kesa—"

"Nak," agad naman niyang sabi. "Naghihirap na ang papa mo. Hindi ka ba nahihiya humingi sa kanya?"

"Ikaw ba? Hindi ka na rin ba nahiya sa sasabihin ng iba?" tanong ko. "Na magiging kabit ka na naman? Na binuntis ka niya habang nag-aagaw buhay ang dati niyang asawa?"

Hindi naman siya nakasagot.

"Ma!" tawag ko. "Mahiya ka naman! May anak na rin 'yan! Ayoko nang matawag ulit ng iba na anak na naman ako sa labas!"

"Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba," rinig ko namang sabi niya. "Mahal ko siya, anak. Kaya sana, h'wag ka na rin makinig sa sasabihin ng iba."

Mahal?

Anong magagawa ng pagmamahal kung habang buhay na lang kaming pag-uusap-usapan ng iba?

"Kung ayaw mong pumunta man lang sa kasal namin, wala akong magagawa. Kung mas gusto mong mapag-isa, hahayaan kita. Kung sa tingin mo, hindi mo kayang sikmurahin ang kasiyahan ko kasama ang iba, tatanggapin ko rin 'yun. Pero, Bianca, anak, sana... h'wag mo akong itakwil bilang mama mo."

"Then at least ask your soon-to-be husband to give me tuition fee," diretsong sabi ko habang pinipigilang mapaiyak.

D'yan ka naman magaling di ba?

Ang humingi ng pera sa iba.

Tapos ibibigay mo sa'kin kasi akala mo 'yun ang kailangan ko; kasi akala mo 'yun ang ibig sabihin para maging mabuting ina.

Nakita kong paparating na ang prof namin kaya pinatay ko na ang tawag.

Napahinga rin ako ng malalim bago pumasok sa room.

Nginitian ko naman si Cha nang makita ko siyang nakatingin sa'kin.

"Inaantay mo gift mo noh?" biro ko at tumawa.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon