4.2 [A]

9.6K 263 9
                                    

Part 2.

Charice POV

"Cha!" rinig kong tawag ni Bianca sa'kin. "Nakita namin si Gosu kanina. Ang pogi! Nakangiti!"

Pero parang asu naman siya kung ngumiti.

"Huy, tara dun sa bulletin board sa kabilang building! Dun daw nakapost kung sinu-sino pasok sa pre-eliminary saka kung anong number tayo sa pageant," sabi at balita naman ni Layzzah.

"Meron na agad?" tanong ni Bianca. "Sa picture lang sila nagbase?"

"Kinakabahan ako!" sabi naman ni Kimberly.

"Sama ka, Cha?" tanong ni Prances.

Sumama na lang ako sa kanila kesa makita ko pa si Gian sa hallway.

Habang naglalakad kami, bumungad agad sa daan si Maria na nakahalukipkip. Tumingin siya sa'kin at tinaasan pa ako ng kilay.

"At sumali ka nga? Feeling mo maganda ka?" rinig kong sabi niya nung nasa tapat ko siya.

Tiningnan ko naman si Bianca kasi katabi ko siya.

"Ikaw kinakausap ko, Charice Eliza," sabi naman niya.

Ako?

"CHA!" rinig kong tawag ni Kimberly kaya lumingon ako sa dako niya.

"Kasali ka nga!" sabi pa niya. "You're number 10!"

Napakunot tuloy ako ng noo sa sinabi niya.

Kasali? Ako?

Trip ba nila 'yon? At dinamay pa nila 'tong Maria na 'to sa pang t-trip nila ha?

"Uy, di nga! Tunay!" dagdag niya. "Tingnan mo pa sa board!"

Nakaramdam tuloy ako ng kaba kaya pumunta ako dun sa board to verify.

At dun ko nalaman, may nagpanggap atang ako at sinali ako don?!

"Di ba one of the qualifications is maganda?" rinig kong parinig ni Maria sa'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa

Para bang tinatanong niya kung pano ba ako nakapasok don.

"Overqualified kasi siya na kahit di siya nag pre-eliminary, nakapasok!" singit ni Bianca sabay labas pa ng dila.

"Hindi ka kasi qualified!" sabi pa ni Layzzah.

Nag walk-out naman si Maria nang padabog.

Napatingin tuloy ako sa listahan at mukhang hindi nga na-qualified si Maria sa pageant. Si Bianca, hindi rin nakasama. Si Layzzah lang nga ata 'yung kilala ko dito.

Hinila naman nila ako sa bahay nina Bianca para daw magpractice.

Ni hindi man lang nila ako binigyan ng chance na magtanong dun sa event organizer kung paano ako nakapasok don or kung may error man.

Parang tuwang tuwa pa sila na mapapahiya ako sa maraming tao sa pagsali ko dito ah?

At dahil nagkaganito na, wala na kong nagawa. Nalaman din kasi agad ni mama eh. Malamang sa malamang, sinabi ni Bianca.

Pupunta pa nga daw si mama para manuod. At dahil dun, napahanap naman ako sa Youtube kung paano maglakad ng matino. Ayoko naman ding mapahiya dun kung manunuod si mama.

Nakita ko namang magpractice si Layzzah. Tinuturuan din niya ako minsan pero di ako nag prapractice sa kanilang harapan. Kita ko pa nga na araw-araw magpractice 'yung ibang candidates bago umuwi. Kaso nahihiya ako eh.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα