Chapter 6

8K 243 2
                                    

Part 1.

Daryl's POV

Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya!

At ang nakaka-asar pa dito, kanina pang tumatawa sina Jaeki at Jun Su sa'kin!!!

"Hindi nga pre?" rinig kong sabi ni Ji pagkatapos magkwento ni Jaeki sa kanya.

Tumawa naman ng tumawa si Ji at Yoon Jae nang mabalitaan nila ang nangyari kanina.

Hay nako, ba't ba ang daldal ni Jaeki?

"Mababa rin naman ang score mo!" asar na sabi ko.

"Atleast, sagot ko 'yun," sabi naman ni Jaeki. "Ikaw nga, sinabi na ang sagot—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi tumawa na naman siya ng tumawa.

"Crisostomo Barbara!" sabi pa niya. "Filivusteroe!"

Hinagisan ko naman siya ng unan kaya lalo pa siyang tumawa.

"Buti nasagot naman niya ng tama si Jose Rizal!" natatawa pa niyang sabi.

Grabe ha, tuwang tuwa talaga siya.

"Elle yazzz!" singit naman ni Jun Su na may pag kumpas pa ng kamay. "Basil yo!"

Nagtawanan na naman sila. Ang saya naman nila masyado. Halos hihikain na nga rin sa kakatawa si Ji e.

정말 짜증난다 [Jeongmal jjajeungnanda]...

(Translation: This is so frustrating.)

"Alis na nga ko. Bahala na kayo d'yan," sabi ko atsaka tumayo.

"어디가 [eodi ga]?" tanong ni Jun Su.

(Translation: To where?)

"Library," maikli kong sagot.

"Babasahin mo ba buong Noli?" pang aasar pa ni Jaeki.

"Makalagpas kaya 'yan ng page 4," rinig ko pang asar ni Ji.

"Di pre, sa tingin ko hanggang page 3 lang 'yan," dagdag pa ni Jaeki.

"Hindi, page 2," singit din ni Jun Su.

"Gag0, title page 'yon," sabi ni Jaeki.

"그만해 [geumanhae]..." suway naman ni Yoon Jae pero nagpatuloy pa rin sila.

(Translation: That's enough...)

Iniwan ko na lang sila. Mga gago eh. Hindi ata nila ako titigilan sa pang aasar hanggang di ako umaalis.

Pumunta na kong library kasi sabi ni anae ko, pagkatapos daw ng lunch pupunta siya 'dun. Absent daw kasi 'yung Bianca eh so wala siyang kasama.

Dala-dala ko naman 'yung math workbook saka isang ballpen na hiniram ko sa kanya. Syempre akin na 'to, gagawin kong souvenir.

Pagpasok ko, nakita ko agad si anae kaya tinabihan ko siya agad.

Mukhang nagsasagot na siya ng assignments para siguro wala na siyang gawin mamaya. Para siguro din makareply sa mga text ko mamaya. Joke. Seen lang ako niyan eh.

"Tapos ko na 'yan," sabi ko sa kanya nang makita kong sinasagutan niya 'yung assignment sa Math.

Nabored kasi ako nung Filipino kanina kaya nasagutan ko na.

"Pa-kopya," sabi niya naman habang nakatingin sa'kin.

"Oh," sabi ko sabay abot sa kanya.

Bago pa niya makuha ay tinaas ko 'yung workbook kaya napatingala siya kasi nakatayo ako.

"But in one condition," sabi ko.

"Sa'yo na 'yan," agad naman niyang sabi.

"Madali lang naman eh!"

Di na niya ako tiningnan. Nagdiretso na lang siya sa pagsasagot.

"Madali lang nga! Pleeease?"

"Ano?" tanong niya.

"Be my girlfriend," sabi ko agad.

Tumahimik siya at di na niya ako tiningnan.

"Joke!" sabi ko agad bago siya magalit. "Be my Filipino tutor kasi para fair! 'Di ba Math tutor mo na ko?"


Charice POV

"I can tutor you," rinig kong singit ni Maria.

Eto na naman siya, sumisingit sa eksena. At umupo pa siya sa tabi niya.

Kita ko namang nagseryoso ng mukha si Gosu. "I'm not talking to you."

"I can tutor you everyday!" pilit pa ni Maria.

"But I don't want to see you everyday," sabi naman ni Gosu. "So can you go away?"

Kita kong lumapit pa lalo si Maria kay Gosu, "You like me right?! That's why you're making me jea—"

Napatingin tuloy 'yung ibang estudyante na nasa library.

Tinulak kasi ni Gosu si Maria pero mahina lang naman halos.

Ewan ko lang kung bakit napaka-over-dramatic ni Maria kaya napaupo siya sa sahig. Hindi ko tuloy alam kung tutulungan ko ba siyang tumayo o ano.

"I don't like repeating myself," sabi pa ni Gosu.

Nakita ko naman si Nikka na to the rescue kay Maria. Tinayo niya ito at lumabas sila sa library habang nagbubulungan ang iba.

Nakita ko namang aalis na si Gosu sa sobrang inis kaya hinawakan ko siya sa braso.

"Pa-saan ka?" tanong ko.

Nakita kong napatigil siya at umupo ulit sa tabi ko.

Hinawakan niya 'yung braso ko at sinandal ang ulo niya 'don.

Anong ginagawa nito?

"Let me power up," sabi niya na nakapikit pa. "Alisin ko lang 'yung inis ko."

Nanatili siya sa ganong pwesto ng buong isang minuto.

Hindi pa rin naman siya gumagalaw kaya naisip ko na ito na ang tamang pagkakataon.

Makokopya ko na sagot niya sa workbook!

Hindi kasi kaya ng mga brain cells ko 'to eh. Parang ang bilis nila namamatay pag may nakikita silang number!

Unti-unti ko namang nilapit sa'kin yung workbook niya. Medyo malapit lang kasi 'yun tapos sakto, di pa siya nakatingin!

Hinihila ko pa lamang siya papalapit sa'kin nang makita kong napamulat siya.

"What are you doing?" tanong niya na hawak pa rin ang braso ko.

Natigilan na lang tuloy ako. Nahuli eh.

Umarte na lang tuloy akong nag-aayos ng gamit at natabig ko lang 'yung workbook niya.

Nakita ko namang napangiti siya,

"Ah... 귀여워요 [gwiyeowoyo]," sabi niya at inabot sa'kin 'yung workbook niya. "지불 [jibul]... 받았어요 [badasseoyo]."

(Translation: Cute. Payment... received.)

Hindi na lang ako nagtanong kung ano 'yung sinabi niya.

Baka kasi bawiin pa niya eh inabot na niya sa'kin.

Kinuha ko naman 'yun at dali-daling kinopya 'yung mga sagot niya.

Medyo hindi naman ako maka-concentrate kasi hawak pa rin niya 'yung braso ko.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now