11.8 [N]

5.8K 171 14
                                    

Part 8.

Her mother's POV

"Cha?" tawag ko sa kanya.

Tulog na kaya siya? Ginabi na rin kasi ako dahil tinapos kong mag impake ng lahat-lahat.

"Cha," tawag ko at pinuntahan siya sa kwarto niya.

Ibibigay ko sana sa kanya 'yung card niya. Plano ko kasi na dito magpadala para kukuha na lang siya ng pera dito habang nasa Dubai ako.

Nakita ko namang wala siya sa kwarto kaya kinabahan ako.

Hinanap ko agad ang phone ko para tawagan sana siya. Kaso hindi ko makita.

Tinawagan ko naman si Bianca gamit ang telepono at sinabi niya sa'kin na kanina pa raw umuwi si Cha sa bahay.

San kaya siya pumunta? Gabi na ah!?

Nakarinig naman ako ng vibration kaya napapunta agad ako kung saan galing 'yon.

Nakita ko naman sa kwarto ang phone niya at sinubukan 'yon buksan.

Ano kayang pwedeng 6-digit passcode niya?

Nilagay ko naman ang 0816 saka yung last 2-digit ng birthyear niya. Sinubukan ko rin yung 08 saka yung buong birthyear niya pero mali pa rin daw.

Nakakita naman ako ng isang text sa kanya mula kay Gosu.

"Nasa kwarto na siya at natutulog. Kahit hindi ka na pumunta dito."

Dito?

Saan naman 'yung dito?

Dahil hindi ko naman ma-view ang older messages at yung notifs lang ang nabasa ko, sinubukan ko ulit na buksan ang phone niya gamit ang birthday ng ama niya.

Sinubukan ko naman 'yung birthday ko hanggang sa bigla kong nakitang nag unlock ang phone niya.


Daryl's POV

Napatingin naman ako sa oras at nakita kong lagpas 11 PM na. Dahil dun, napatayo agad ako at lumabas ng bahay.

Buti na lang, naabutan ko pa siyang naglalakad palabas ng bahay namin. Medyo malayo rin kasi ang gate.

"Anae—" tawag ko sa kanya kaya lumingon siya.

Natigilan naman ako sa paglalakad nang mapansin kong tila may kumikislap na parang luha sa may pisngi niya.

Napatalikod ulit siya sa'kin at napansin kong nagpahid siya ng pisngi niya.

Umiiyak ba siya?

What... should I... do?

Nagsimula na kong maglakad ulit papunta sa kanya pero patakbo siyang lumabas ng gate.

Binilisan ko tuloy ang pagtakbo para maabutan siya.

"Umiiyak ka ba?" tanong ko nang mahawakan ko ang braso niya.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya at naglakad na ulit.

Hindi ko talaga alam kung paano... siya... kakausapin.

"Okay ka lang ba?" tanong ko pa kaya humarap siya sa'kin.

"Hindi ba sabi ko ayokong makita ka?!"

Natahimik ako.

Ang sakit lang marinig mula sa kanya ang mga 'yon.

I know it's my fault.

But I can't help but be scared to hear more hurtful words she would say to me.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now