Chapter 1

20.7K 392 14
                                    

Chapter 1: Unknown World

Habang naglalakad at nakatingin sa kawalan, manhid ang ang pakiramdam, ang tiyan ay kumakalam. Nanlulumong inaalala ang sinapit. Hindi ko matukoy ang tunay na nararamdaman, halo-halong gali, dismaya at sakit. Nakakasuklam at nakakabaliw na pangyayari.

"Bakit kailangan kong bumalik, akala ko ba kailangan kong magtago?" Agad akong natigil at napalingon sa gawi ng boses na narinig ko. Dali-daling pinunas ang luha at nagtago sa pinakamalapit na puno.

"Kailangan mong bumalik, malapit nang sumapit ang iyong volutismo. Makikita ng mga tao ang pagbabagong anyo mo." Rinig kong usapang ng dalawang lalaki patungo sa loob ng kagubatan. Natingala ako sa punong nahawakan ko. Ngayong ko lamang napansin ang tatayog ng puno sa paligid. Narinig ko na ring unti-unti na ring lumayo ang boses noong dalawang lalaki.

Napalingon ako sa paligid at napagtantong hindi ko na kilala ang paligid. Nanlulumong napaupo noong napagtanto kong naliligaw ako. Hindi ko na alam ang daan pabalik o kahit palabas sa gubat na ito. Sunod-sunod ulit na nagbagsakan ang mga luha ko. Hindi alintana ang sakit sa mata dahil kaiiyak. Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan kong maglakad kahit saan ako dalhin ng mga paa ko. 

Natigil ako sa paglalakad noong narinig ko ang ragasa ng tubig. Posibleng may talon malapit kaya tinahak ko ang daan kung saan ito nagmula. Hanggang makita ko ang kabighabighaning talon. Marahas na bumabagsak ang tubig sa baba. Kulay berde ang tubig sa baba at hindi kita ang sahig, patunay na hindi masukat ang lalim nito.

Tila tinatawag ako ng tubig. Sa sama ng loob at sakit, walang pagdadalang isip kong tinalon ang tubig, nilublob ang sarili. Pikit mata kong lilulubog ang sarili sa tubig. Mabuti pa siguro kung mamatay na ako para matapos na ang lahat ng paghihirap ko. Hanggang kinapo ako ng hininga at nakalunok ako ng konting tubig. Binuksan ko ang mga mata ko. Hindi ko kaya, lumangoy ako pabalik sa taas para makalanghap ng tubig.

Ngunit hindi ko magawa. Pinulikat ang binti ko naramdaman kong umikot ang tubig sa paligid ko at tila hinihila ako nito pababa. Pilit akong lumaban at lumangoy pabalik sa taas bago mawalan ng hininga. Hindi ako nagtagumpay at tuluyan ng sumuko. Bago ko ipikit ang mata ko, kitang kita ko kung paano lumayo ang liwanag sa taas at sinakop ako ng kadiliman.

Naramdam kong may malakas naihip ng hangin ang humampas sa balat ko. Kaya dahan dahan kong binuksan ang mata ko. Bumungad sa akin ang kulay na pinaghalong pink at skyblue. Napapikit ako ulit dahil sa nakakasilaw na araw. Maingat akong bumangon dahil sa sakit ng sinag ng araw. Nilibot ko ang tining ko sa paligid. Bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Nagbago ang suot ko at nakakapagtatakang hindi ako basa.

Tiningnan ko ang kamay, halos hindi ako huminga habang sinusuri ang paligid. Napalunok ako dahil sa kaba na nararamdaman. Patay na ba ako?

Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahang pinakawalan ang hangin. Kahit nalilito ay lumipat ako malapit sa lilim ng puno. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng lugar. May mga paru-paro paikot-ikot sa paligid. Kulay gatas ang buhangin at kulay asul ang tubig. Buhay na berde ang kulay ng halaman.

Hindi ko maintindihan, bakit ganito? May mundo sa ilalim ng talon. Napatingala ako sa langit at muling na saksihan ang kakaibang kulay ng langit. Nagulat akong may malaking nilalang ang dumaan sa itaas. Mabilis ko itong sinundan ng tingin. Agila na triple ang laki sa tao.

Nasaan ako?

Panaginip ito, siguro ay gutom ako. Nababaliw na ba ako? Kalukuhan ito. Walang malaking Agila, walang mundo sa ilalim ng talon. Hindi ito totoo. Walang totoo rito. Naguguluhan lang ako, siguro nananaginip ako. Pumitas ako ng dahon sa halamang pinakamalapit sa akin. Pinunit ko ito ng ilang hati, ngunit muka lamang itong totoo. Naisip kong kainin kaya sinubo ko ang dahon. Hindi ko rin natuloy dahil sa baho ng amoy nito. Marahas ko itong tinapon at nagsimulang maglakad sa hindi matukoy ng daan. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Hanggang may narinig akong ingay, ingay ng maraming tao. Wala sa sariling tinahak ang daan papunta roon. Kapag may nakita akong tao, maniniwala akong hindi ako nananaginip. Ngunit unti-unting  kong naaaninag ang mga kakaibang kabahayan. Gawa sa kahoy ay nipa ang lahat ng bahay. Ang iba ay barong barong lang.

Maraming paninda na kong ano ano, ibang iba sa mundong kilala ko pero ayoko ng isipin, pagod na akong panindigan ang paniniwala ko, hindi naman masamang paniwalaan ko kung anong nakikita ko minsan. Ganon pa man, hindi ko maiwasang magtaka, bakit iba ang kanilang kasuotan? Bakit kakaiba ang lahat.

Tahimik akong naglibot sa pamilihan. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng paligid at kahiwaga ng mga naninirahan dito. Lahat ng nakikita ko ay hindi kapanipaniwala ngunit tila pinipilit ako ng mundo ng maniwala. Alam kong nagtataka sila sa mga tingin ko sa kanila.Pansin kong maluwag at may tali sa tyan ang damit nila. May balabal sa likod at kahoy na sapin sa paa meron itong mahabang laso na nagtatali ng kahoy sa paa nila paikot.

Kumakalam na ang sitmura ko pero wala akong pambiling pagkain. Pasimple akong napalunok sa kaba. Kailangan kong sumugal para mabuhay. Napansin kong hindi pera ang gamit nila kundi ginto, pilak at dimante. May nakita akong lalaking may dalang malalaking hiwa ng karne galing sa gubat at binenta sa mga tindahan at pinag agawan ito ng mga tindera. Kaya napangiti ako. Bahala na.

Pasimple akong dumaan sa paninda nila habang nagkakagulo sila sa karne ng baboy Ramo na dala ng lalaki. At tinago sa damit ko ang nakuha ko. Palihim na naglakad palayo. Sa nakakalulang lugar na ito. Hindi ko maiwasang magtaka. Pero wala akong magagawa kondi magbuntong hininga. Hindi ko alam kong tama bang itanong sa kanila kung anong lugar ito. Magtataka lamang sila sa tanong ko at iisiping wala akong alam at magkaroon sila ng pagkakataong linlangin ako.

May nakuha akong mansan at nangmakalayo ako sa tindahan ay ni labas ko ito. Saka kumain na parang walang nangyari. Lasang-lasa ko ang tamis ng mansanas. Sadya mas matamis ito sa normal na  mansanas. Sanay akong magutom kaya ayos na sa akin ang isang mansanas. Tinapon ko sa kung saan ang buto nito. Natigil ako sa paglalakad at bumalik sa dinaanan ko. Dahil noong tumama ang buto sa lupa ay agad itong nabuhay at nagkaroon ng dalawang maliliit na dahon. Akmang hahawakan ko ito ngunit muntik akong natumba dahil may dumaan sa harapan ko. Napalingon ako kung ano ito. May mga maliit na bata na naghahabulan, nagtatawanan na walang iniindang problema. Nagkukulitan at nag-aasaran.

Kay sarap nilang pag masdan, sana kagaya nila ay masaya rin ako, sana gaya nila isa rin akong normal na bata. Naranasan ko ring maging isang normal na bata. Napangiti na lang ako ng mapait dahil kailan man hindi ko naramdaman na isa akong bata.

Hindi ko alam kong anong dahilan kong bakit iba ako sa lahat, wala akong maituturing na pamilya. Bakit kaya labis na naging malupit sa akin ng mundo? Bakit hindi ako na bigyan ng pagkakataong makilala ang magulang ko? Nihindi ko panarinig ang tumawa ng totoong kasiyahan ng sarili. Bakit tila ipinagkait saakin ng mundo ang maging masaya.

Naniniwala ako na lahat ng bagay may kapalit, ang ngiti ay may kapalit na sawi, ang tawa ay may kapalit na luha, ang madali ay may kapalit na hirap. Pero hindi na ako umaasa na ang paghihirap ko may kapalit na ginhawa. Alam kong hindi ko yon makakamtan dahil iba ako sa lahat. Ako ang bukod tanging sinawing palad, bukod tanging napagtripan ng mundo.

Bagong mundo, bagong buhay to puro kasawian ang naranasan ko. At hindi ko hahayaan maulit ang lahat ng nangyayari. Lalaban ko kahit pa ang diyos na sinasamaba ng mga tao at kong ano pang bathala. Hindi ko hahayaan maliitin ulit ako, hindi ko hahayaang maging sunudsunuran ulit.

Hindi ko na kailangang matakot wala namang mawala saakin.Hindi ko rin hahayaang maging masaya sila habang miserable ako. Sapat na ang sinapit kong paghihirap noon. Sapat na ang pansensya na nilaan ko sa lahat. Tama na ang pagtitiis.

Dahil buong buhay ko hindi ko naranasan ang salitang kabutihan mula nino man. Habang naglalakad na hagip ng paningin ko ang isang Pana.Para akong tinawag nito it's a metal bow. Kaya lumapit ako habang nakatitig rito. Hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan ito. Bigla itong umilaw at naging kulay itim ito na may design na symbol ng fire na color red. Dahil sa gulat ay nagbitawan ko ito.

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon